CHAPTER 1

4 0 0
                                    

"Hmm..hm...." impit na tunog ito na para bang nahihirapan.

Maliliit lamang ito na tunog, mula sa iisa ay dumadami ito sa paligid.  Pikit ang mga mata ko at umaalingawngaw ito sa tenga ko. Hindi ko magawang ibuka ang mga mata ko, hanggang sa bumigat ang pakiramdam ko sa dibdib na parang kinukurot. Masakit ito at nahihirapan akong huminga. Napahawak ako sa dibdib at pilit na humahagilap ng hangin.

BANG!

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa tenga ko. Mahabang linya ito ng manipis na tunog, dumaan ito sa tenga ko at nakabibingi ito. Pagmulat ng mga mata ko ay puro kadiliman. Kahit isang liwanag ay wala kang maaaninag. Anong nangyayari.

Mayamaya ay may isang maliit na apoy ang nagliyab sa malayo. Kasabay nito ng malakas na pag-ihip ng hangin. Napaatras ako ng kaunti dahil sa sobrang lakas nito na para kang tatangayin buti na lamang at mabilis ko itong nasangga gamit ang puwersa sa katawan ko.

Sa isang iglap ay napapalibutan na ako ng naglalakihang mga apoy. Malalakas na sigaw na maririnig mo sa paligid. Sa mga apoy na nakapaligid sakin ay unti-unting may nabubuong imahe, isa itong pigura ng babae. Sinasakop ang buong katawan nito ng apoy at pilit nitong kumakawala ngunit nakatali ito sa malaking puno. Sumisigaw ito, marahil ay sa apoy na gumagapang sa buong katawan niya. Mula sa katawan niya ay nilukob na rin ng apoy ang punong kinalalagyan niya.

Nagsimulang tumagaktak ng butil-butil na pawis sa buong katawan ko. Muling bumigat ang dibdib ko at hindi makahinga. Ngunit may naramdaman akong malamig na dumadapo sa kanang pisngi ko.  


Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ng isang ginang, si Laura. Nakaupo ito sa may gilid ng kama ko at hawak ang kanang kamay ko.

"Ayos ka lang ba Minari?" malumanay ang boses nito na may halong lungkot. Tinitigan ko lang siya, mata sa mata pero nag-iwas din kaagad ako. Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sakin gamit ang kaliwang kamay bago bumangon sa pagkakahiga. "I'm fine." Maikling sagot ko dito at tumayo.

"Hindi mo ba napanaginipan yung-"

"I'm fine." Agad kong pagputol sa sasabihin niya. Kinuha ko yung pitsel na nakalagay sa lamesa at nagsalin ng tubig sa katabi nitong baso.

"Minari, be honest with me." Mabilis kong inubos yung laman ng baso at malakas na ibinagsak sa lamesa.

"Stop it Milana." Puno ng authoridad kong saad na nakapag-patahimik sa kanya. Lumapit ako sa may kabinet at kinuha yung kulay itim na long sleeve at maskara. "Saan ka pupunta?" Nag-aalala nitong tanong sakin na hindi ko naman sinagot. Binuksan ko yung pintuan ng silid ko at saka lumabas.

"Minari."

"Minari!"

Paulit-ulit niya akong tinatawag ngunit hindi ko ito pinapansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa pasilyo .

Habang naglalakad ay isinuot ko na yung long sleeve at maskara na kinuha ko kanina na binagayan ang suot kung kulay itim na bestida, hapit ito sa itaas at nakalayak naman sa ibaba na umaabot hanggang sa itaas ng sakong. Hinayaan kong nakalugay ang kulay itim na maalon kong buhok na umaabot hanggang itaas ng bewang ko.

Malapit na ako sa may pintuan ng mansion nang may humawak sa kanang braso ko. Paglingon ko sa likod ay, si Milana. Aalisin ko na dapat ang kamay niya nang makita ko si Tegan na tumatakbo papunta sa direksyon namin.

"Mistress, Lady." Yumuko ito kay Milana bago sa akin. Pagkatapos ay inilahad nito ang papel na nakarolyo sa palad niya. "Sulat galing sa Capital Region." Binitawan ako ni Milana at kinuha ang sulat para buksan.

Crimson Hunter: The SinnersWhere stories live. Discover now