--- Minari's Point of View ---
We are currently eating for dinner at magkaharap kaming kumakain ni Laura. I keep on staring at her dahil hindi ito makatingin sakin ng diretso. Pagnahuhuli ko siyang nakatingin sakin ay agad itong umiiwas at kapag tinatanong ko naman siya kung meron siyang sasabihin ay palaging wala ang sagot niya.
It's been two days since naganap ang pagpupulong at simula rin nun ay nag-iba ang mga kilos ni Laura. Pagkatapos ng pagpupulong noon ay nakita kung nag-uusap sila ni Mistress Viviane at para silang nagtatalo, hindi ko marinig ang pinag-usapan nila dahil pinauna na ako ni Laura sa may barko. Simula nun ay parang palaging may malalim siyang iniisip, balisa ito minsan at para bang may itinatago.
Binitawan ko yung kutsara at tinidor na hawak ko sa may plato, hinayaan ko itong tumunog para makuha ang atensyon ng nasa harapan ko. Napatigil ito ng ilang segundo at ipinagpataloy ulit ang pagkain.
"Kung may gusto kang sabihin, sabihin muna." Hindi niya ako pinansin at tuloy lang ito sa pagkain. Tumayo ako sa pagkakaupo at iniwan siyang mag-isa sa hapagkainan. Hindi ko na inubos pa ang nasa plato ko dahil nawalan na ako ng gana.
--------
--- Third Person Point of View ---
Dumiretso sa kanyang silid si Minari at pabagsak na humiga sa may kama. Diretso ang tingin nito sa kisame iniisip kong anong nangyayari kay Laura. Ipinikit nito ang dalawang mata upang matulog na ngunit maya't-maya ay nagigising siya. Hindi ito makatulog dahil sa mga tumatakbo sa kanyang isipan.
Bumuntong hininga ito at saka bumangon sa pagkakahiga at nagtungo sa labas ng silid. Wala na masyadong mga tagapag-silbing nasa paligid dahil gabi na. Tutungo sana siya palabas ng mansion ng mapansin nitong nakabukas ng kaunti ang pintuan ng silid ni Laura. Hindi sana nito papansinin nang maalala ang nakita niya kanina.
*****
Gusto sanang kausapin ng masinsinan ni Minari si Laura sa mga kinikilos niya kaya naisipan nitong puntahan ito sa kanya silid. Pagdating nito sa silid ay narinig niya nagsasalita si Laura na para bang may kausap ngunit wala namang sumasagot dito. Dahan-dahan nitong binuksan ng bahagy ang pintuan nito at nakita nito si Laura na nakatayo malapit sa may tukador niya at may hawak na pabilog na kahon. Kulay puti ito na may mga palamuting ukit na kulay ginto.
"Huwag kang mag-alala proprotektahan ko siya." Kinakausap nito ang laman ng kahon. Hindi nito makita kung ano ang laman nito dahil tinatakpan ito ng katawan ni Milana.
"Kahit kapalit ng buhay ko Ramina, gagawin ko ang lahat." Mahihinang mungkahi nito habang hinahaplos ang laman ng kahon.
Ramina? Pagtataka ni Minari sa kanyang isipan dahil bago lamang ito sa kanya ang pangalan na ito.
Agad na nagtago sa gilid si Minari ng biglang lumingon ito sa kinaruruonan niya. Mga ilang segundo nitong pinakiramdaman ang paligid at dahan-dahan na sumilip ngunit nakita nitong ibinalik na nito sa kanyang tukador ang kahon. Hindi na tumuloy si Minari sa kanyang balak at nilisan ang silid.
****
Dahil sa paguusisa kung ano iyon ay pumasok si Minari sa loob ng silid ni Laura. Tinungo nito ang tukador kung saan niya nakitang itinago ang kahon. Hinalughog niya ang bawat sulok at agad niyang kinuha ito nang mahanao niya. Napakaelegante nito at mapapansin mo ang pagkamaharlika ng bagay na ito.
YOU ARE READING
Crimson Hunter: The Sinners
FantasíaNoong unang panahon, sa kaharian ng Vanakin ay may grupong tinatawag na "Crimson Hunter" kung saan sila ay ginagalang ng lahat dahil sa angking galing nila sa pakikipaglaban at husay sa paggamit ng mahika. Nabuo ito sa pamamagitan ng pang-limang pin...