"Dito ka ba magpapalipas ng gabi anak?" tanong ni mama habang kumakain kami. Hapunan na kasi at lunes bukas kaya maaga kaming matutulog. "Opo ma, natamad na akong magcommute" sagot ko "Sabi ko naman sayo bumili ka na ng sariling sasakyan mo. Inuna mo pa yang papa mo" ngumiti ako "Mas kailangan naman ni papa, tsaka mas gusto ko pa rin ang magcommute" umiling si mama.
"Pero anak, bumili ka din ng sayo. Minsan kailangang isipin mo din ang sarili mo ha?" sabi ni papa, tumango ako at nag patuloy sa pagkain "Si Asta..." napatingin ako kay mama na sumusubo ng pagkain niya "Siya ba ang dahilan kaya hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakapag nobyo?" seryosong tanong ni mama "Po? Hindi ah, wala lang talaga akong oras na makipagkilala sa iba"
"Alam mo ba, noong simula nag highschool kayong dalawa, ramdam ko ang kakaibang pagtrato sayo ni Asta. Hindi iyon tratong pangkaibigan lang." napatingin ako kay mama na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin "Bago kayo magcollege at bago ka lumipat ng dorm, umamin sa akin si Asta sa totoong nararamdaman niya sayo." "P-po?" "Sabi niya hindi lang bilang isang kaibigan ang tingin niya sayo. Nakakatuwa lang na alam ko na yun bago palang niya sabihin."
Nakangiti si papa habang nagkwekwento si mama. "Alam ko din naman na parehas kayo ng nararamdaman kaya wala akong makitang rason para ilayo kita sa kanya" yumuko ako at ngumiti ng malamya "Noong nawala si Asta, grabe ang pinagbago mo anak. Parang sa pagkawala niya ay biglang nawala na din yung Sea na anak namin. Parang sumama siya sa kung saan man nagpunta si Asta"
"Ma... kung sasabihin ko bang mahal ko siya, hindi ba kayo magagalit?" "Wala namang mali doon, bakit kami magagalit?" sabi ni papa "Tsaka alam na namin ng papa mo" mahinang tumawa pa si mama.
After namin kumain ng hapunan ay agad na akong nagbihis. Parang hindi pa ata ako makakatulog neto.
"Saan ka pupunta?" tanong ni papa na nanonood ng Tv dito sa sala. "Sa labas lang pa, lakad lakad" sagot ko, tumango siya "Uwi ka ng maaga!" rinig kong sigaw niya nung nasa may pintuan na ako.
Medyo mahangin na rin dahil August na. Napangiti ako dahil sa pag angat ko ng ulo ko nakita ko ang kalangitan na sobrang daming mga stars. Parang minsan nalang magkaroon ng maraming stars sa kalangitan, madalas kasi maulap kaya madalas natatakpan din ang buwan.
Pagharap ko sa gawi ng bahay nina Asta, saktong bumukas ang gate at lumabas doon ang isang hindi pamilyar na lalake hawak ang kamay ni Asta. Nakangiti si Asta habang nakatingin doon sa lalake, mukhang sobrang saya nilang dalawa.
Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko, hindi ko din alam kung ano bang gagawin ko sa mga oras na ito dahil bigla silang napatingin sa gawi ko.
"S-sea.." rinig kong banggit ni Asta sa pangalan ko "You know her?" tanong nung lalake sa kanya, tumango naman si Asta at lumapit sa akin na sinundan naman nung lalake.
"Sea.. ano She's my bestfriend. She's Sea" pakilala niya sa akin doon sa lalake "Sea, this is, Miko..."
Miko? Pamilyar sa sa akin ha.... Miko? Yung phone... siya yung caller that time? Family Friend?
"Boyfriend ko..." napatulala ako ng wala sa oras at paulit ulit na nagpleplay sa tenga ko ang sinabi niya. So totoong sila? "Hi! I'm Miko, I hope we can get along better" nakangiting sabi sa akin ni MIko.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. "I'm Sea... Nice meeting you..." tumango siya "Ano, alis na ako. Need ko na matulog. Goodnight!" sabi ko ata agad ng pumasok sa loob ng bahay namin.
Napatawa nalang ako ng mahina sa loob ng kwarto ko. Mukhang wala ng luha ang kayang ilabas ng mga mata ko. Nailabas na ata lahat sa loob ng pitong taon na yun.
Bumuntong hininga nalang ako at pumikit. Gusto ko nalang maglaho na parang bula.
BINABASA MO ANG
This is where it ends (GXG)
ContoOnce upon a time doesn't always have an ending as happy as they live happily ever after.