CHAPTER 1

35 1 0
                                    

Hi. ako si Natasha. isang babaeng di naniniwala sa Forever at Pantasya.

kasalukuyan akong nanonood ng isang romantic film sa isang sinehan. and sad to say, nabibiter nanaman ako. bakit ba? masisisi nyo ba ako? isa lang naman akong sawi , sawi sa pag-ibig. nabudol budol gang ako. uto-uto forever gang. may naging ex narin ako. pero lahat sila, FAILED. know why? dahil walang forever. 

hindi ko alam kung bakit. maganda naman ako. kaya nga andaming nanliligaw sakin eh. MAGANDA TALAGA AKO. REALTALK LANG. pero dahil nga sa cold at bitter ako, turn off agad sila. hindi ko namamalayang napapalakas na pala yung pagsabi ko ng "walang forever! realtalk lang."  sa loob ng sinehan. 

napatingin sakin ang isang napakagwapong  nilalang na katabi ko. kung isang malandi at kaladkaring babae ako, kanina pa ako kinilig. pero dahil isa akong bitter , hindi na ako umasa. alam ko naman sa bandang sa huli iiwan din ako nito. 

"Meron ate, nagmamadali ka lang kase, may forever po. Realtalk lang "



sabe ng nagmamagaling na lalake na akala mo naman may forever sya. dang! halata namang walang syota eh. -_-



"Hoy kuya! kung ikaw naniniwala sa forever, pwes ako hindi, kung iniisip mong mahihikayat mo kong sumali sa club mong FOREVERNIANS, it's a no at kung iniisip mong magkakagusto ako sayo, HELL NO!"

sigaw ko sa mismong mukha ng lalake. HAHA. mabango naman hininga ko ah. 

halatang napangiwi si kuya sa sinabi ko. aba't choosy pa! sa gandang kong to. HAHAHA!

at nagwalk out na ko palabas ng sinehan kahit hindi pa tapos yung movie. pero bumalik din ako agad.



"oh bat bumalik ka?"  naka-smirk na tanong sakin ng bakulaw.

" bakit hindi pwede? kailan mo pa pinalitan si Henry Sy at ikaw na ang may ari ng SM ha? nakalimutan ko lang popcorn ko!" inis na sagot ko. pero bago pa sya makapag salita ulit ,

"at kung iniisip mong ikaw binalikan ko dito, wag ka ng umasa" sabay irap ko.

"hoy kanina ka pa ah! ang assumera at kapal nito! 'tong babaeng to! maganda ka pero hindi ikaw ang type ko! FLAT KA!"

at napatingin ako sa hinaharap ko.

"hoy ansakit mong magsalita ah! akala mo pogi ka? OO POGI KA! POGITA! LETCHE! "

hindi  ko na sya pinatapos magsalita. umalis na agad ako at baka kaladkarin pako ng guard palabas sa sobrang lakas ng boses ko.

pumunta muna akong starbucks para magpalamig. pero WTF! EX ko lang nakita ko. ayoko na uuwi nalang ako.

sumakay na akong ng jeep. magbabayad na sana ako ng pamasahe pero ayaw abutin nung kuya yung bayad ko. that's because magkaholding hands sila ng girlfriend nya. =__=

"hoy kuya paabot po ng bayad ko!" 

"ah sorry" sabay kuha ng bayad ko ng hindi inaalis yung kabilang kamay nya sa pagkakaholding hands.

"Landian kase ng landian ayaw muna abutin yung bayad ko. If i know, bibitawan din ni kuya yung kamay ni ate at iiwan din sa huli." Bulong ko.

"ha ano ne?" tanong ni kuya na ka-club ata ni pogita . andaming followers ng Forevernians ah?

"wala ho. sabi ko bagay kayo ni ate. at sana wag ng matanggal yang kamay nyo" sabay irap.

kinunutan nalang ako ng noo ni koya. hindi naman talaga ako bitter dati eh. fan pa nga ako ng Forevernians.

Walang Forever. Realtalk lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon