katotohanan

9 0 0
                                    

So here's my explanation sa Galit ni casilda sa Kapatid nya, or theory kumbaga

Cassiopeia at Ang Isa ay casilda, Yan Ang kanilang ngalan mahal ko, wika ng ina ni Cassiopeia at casilda, kay ganda ng kanilang ngalan mahal ko,wika ng kanilang ama, ngunit tila may kakaiba kay cassiopeia, nang nasabi ito ng kanilang ama ay biglang naglaho sa kanilang harapan Ang isang nilalang, mahabaging emre, avisala at agad Silang nagbigay pugay, avisala sa inyo, mahal na emre ano Ang iyong nais at bumaba kayo rito sa encantadia, wika ng ama Nina casilda, narito Ako upang sabihin na Isa sa inyong kambal ay itinadhana upang maging Isang bathaluman, at sya Ang mag mamana ng encantadia Mula sa inyo, wika ng bathala, ngunit sino sa kanilang dalawa mahal na emre, tanong ng ama, Hindi ko ito masasabi sa inyo sapagkat alam Kong Ang Isa rin sa inyong mga supling Ang magdadala ng kamalasan at kaguluhan sa ating lupain, Hindi nyo ito mababago sapagkat ito ay itinadhana at nagawa ng magbigay ng dugo Ang pinakamataas na bathala sa Isa sa mga supling, wika ni emre, matapos non ay naglaho ito, habang Ang dalawa ay naiwan na na nagtataka at natatakot sa magaganap sa kanilang anak

Sa mga nagdaan na taon ay tila unti unting napapansin ng hari at kanyang Asawa Ang nagaganap na pagpili ng landas ng kanilang mga anak

Ina nais Kong maging Isang bathaluman, wika ng munting diwani cassiopeia

Ako Ina ay nais maging hara at manahin Ang ating kaharian, wika Naman ng munting casilda

Ano at tila naisip nyo iyan mga anak, tanong ng hara

Sapagkat Ina kapag Ako ay magiging bathaluman ay makakatulong Ako at makakagawa ng kabutihan sa encantadia, maibibigay ko rin Ang kagustuhan ng mga encantado Ina, wika ni cassiopeia

Habang kapag Ako Naman ay magiging hara Ina ay makapag desisyon Ako at makakahawak ng malaking responsibilidad, wika ni casilda

Gamit Ang kanyang kapangyarihan ay binasa nya Ang isip at puso ng kaniyang mga supling at nakitang tila Ang Isa ay punong puno ng kabutihan habang Ang Isa ay nais Ang kapangyarihan ng buong kaharian at lupain ng encantadia

Tila mas maganda mga anak na Ako Muna Ang magiging hara at bigyan ko kayo ng pagsasanay upang maging sanggre at maging hara, wika ng hara

Ngunit Ako ay sinimulan na Ang pagsasanay upang maging bathaluman Ina, wika ni cassiopeia

Syang tunay Ina, nakakilala ho kami ng Isang napakagandang encantada kanina na syang nagtuturo sakanya Ina, wika Naman ni casilda

DEVAS

Ano Ang nangyayari sa iyo haliya, bakit tila hindi pa sapat Ang aking winika sa iyo?! Galit na sambit ni emre

Hinahanda ko na sya emre at Wala ka nang magagawa ron! Galit rin na sigaw ni haliya

Ngunit Hindi pa maaari haliya, Hindi ngayon Ang tamang oras upang syay isanay mo, wika ni emre

Alam ko ito emre ngunit hindi ito Ang itinadahanang panahon haliya, Hindi nya pa kaya, wika ni emre

Kung Yan Ang katotohanan na iyong ninanais sundin emre ay paalam Muna at ako'y pupunta sa kanyang panaginip upang mamaalam, wika ni haliya

Naway ma intindihan mo Ang aking ginawa munting sanggre, wika ni emre sa kanyang isipan

ETHERIA

Habang mahimbing na natutulog Ang dalawang mga sanggre ay tila binibigyan ng panaginip Ang munting Cassiopeia

Sa panaginip

Cassiopeia aking munting diwani, wika ng bathaluman

Ano Ang iyong nais sa akin mahal na bathaluman, wika ni cassiopeia habang nagbibigay pugay

cassre one shotsWhere stories live. Discover now