H I J K Elementary and PreSchool

20 2 5
                                    

Isa akong proud elementary public school graduate. naalala ko kasi nung grade one and two ako sa private school kami nun pumapasok ni kuya. tapos scholar pa ako, so, si kuya lang binabayaran nila mama sa school. pero dahil sa hirap ng buhay sa pinas at nang mabawasan yung gastos ni mama inenroll nya kami sa public school. At first gulat ako kasi pakiramdam ko nung nagpunta kami dun sa school na pinagenrollan namin eh ang dami daming mga bata. feeling hindi bata (ang pungok ko nung grade two ako palaging nasa front row). medyo natatakot ako kasi ibang iba yung feels kesa sa dati kong school. yung mga teacher di ngumingiti, ang hardcore ng pricipal, yung room punuan at yung covered court na feeling ko ang laki laki hindi kayang bubungan lahat ng bata sa flag ceremony.
dahil sa mataas yung grade ko (maliban sa GMRC, ibang istorya naman yun) nakapasok ako sa grade 3 section two, im so proud of me... tapos bonus pa, kaklase ko yung kababata ko na front row rin. sya una sa girls ako sa boys kaya masaya. pero sa class room, dahil sa baguhan lang kami dun kami sa likod nilagay malapit lang sa lugar ng basurahan (hindi nauubos basura dun kahit anong linis ko, parang gremlins sila maamoy na halo halo pa, di p kasi uso nun segregation). hindi naman naging mahirap sa akin yung adjustments kasi winelcome naman ako ng mga naging kaklase ko. at mababait naman pala sila. ang klase ko nun ay nag uumpisa ng alasdose hanggang alasais.. si kuya naman pang umaga. kaya hindi kami nagkasabay ng pasok sa public school... ever!... hnd nmn ako natatakot nun sa mga iskenita na dinadaanan nmin ng friends ko kasi madami nmn kami i feel safe. at pag pumapasok kelangan alam mo kung saan ka dadaan na may silong kasi pag hindi ka sumilong amoy datu puti ka na pag pasok mo sa classroom.

bago ko pa isalaysay ang lahat ng public school life ko daanan natin ng pahapyaw yung private school life ko:

nursery - ang mga inosente at mumunti kong ala ala sa aking pagiging nursery ay ang mga sumusunod;
* umiyak ako with hikbi for the longest time nung unang araw ko
* natuto akong isulat ang buo kong pangalan na tama
* pinagalitan ako ng teacher ko kasi nagpainting kami gamit water color, mas marami akong ginamit na water kesa sa color
* palagi kong binabalikbalikan para pakainin ng damo yung alaga na rabbit ng school
* first time ko nakagamit ng inidoro n may flush, at nabasag ko yung takip ng water tank ng flush kasi nakakita ako ng making bubuli ginamit ko panghampas kaya nabasag pinagalitan ako ulit ng teacher ko at pinatawag si mama.
* pinabilibko yung teacher ko kasi matalas na ako magbasa nung nursery ako. (trained ako ng mama ko, pinababasa ako palagi ng bible tapos tutulugan nya ako at the age of three).
* top one ako nung graduation ko na.

kinder - dahil sa ibat ibang kahihiyan n naidulot ko, at dahil narin sa malayo ang school ko dati, nilipat ako ni mama sa mas malapit. at eto ang adventures ko nung kinder ako;
* nahihirapan ako sa letrang 'd' at 'b' hindi ko alam kung kaninong anak sila.
* may laruang rubics cube yung kaklase ko, interesado ako makalaro nun pero ang damot nya.
* hinabol kami ng aso pauwi, kasi walang sumundo sa amin. nag tago si kuya sa loob ng basurahang drum tapos ako kumaripas ng takbo. ang tulin ko pa kasi nun. ( o baka naawa yung aso sakin)
* sinapak ako ni kuya kasi ako may medal tapos sya wala.
* nag tago ako sa ilalim ng office table kasi nag visitation yung teacher ko. katabi ko yung aso namin si smartie.

prep - isang pangyayari sa buhay namin mag anak ang di namin inaasahan, kaya napalipat bahay kami at sa laguna ako nag prep. eto ang mga memorya ko sa aking pagiging prep;
* mabait yung teacher ko, palagi kaming pinapatawa.
* sa second floor yung room namin.
* may play ground kami pero hindi naman binubuksan. parang haunted.
* yung kapitbahay ko n kaibigan sa kabilang school nagaaral kaya naghinhintay ako sa gate ng school nila para makalaro siya bago ako umuwi.
* may kaklase ako na mahilig bumunot ng buhok nya. tapos iniikot ikot nya sa daliri.
* yung isa kong kaklase na babae tatlong beses ako pinaiyak. ayaw ko kasi mamigay ng tissue galing sa personal box ko kaya sinabunutan nya ako simula second floor pababa ng first floor. naulit pa ng dalawang beses nung di ko sya binigyan ng pagkain ko.
* wala akong award.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hunter o Shaman?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon