Hunter o Shaman?

111 3 4
                                    

Naalala ko nung bata pa ako, palagi kami nag aaway ng mama ko sa kung ano bang channel ang kelangan panoorin ng buong maganak, kasi iisa lang ang TV namin at wala pang ibang source of entertainment para mabaling ang attensyon ng kabataan kapag umuwi na ng bahay galing sa lakwatsa o sa maghapong paglalaro.

Pagkatapos kasi manood ng balitang ala syete, sa isang channel anime na dubbed sa tagalog ang palabas at sa isa naman mga telenobelang dinubbed din sa tagalog. maaring isa ito sa rason kung bakit naipaglaban at nalulong ako sa mga anime. Pero isa sa pinaka paborito ko na anime ay ang Hunter x Hunter at yung Shaman King. marami pa akong anime at cartoons na kinaadikan pero hindi ko na ito imemention, <kung hindi kayo masyadong pamilyar sa mga anime na ito panooring nyo nalang o di kaya basahin yung manga sa internet> masyadong maaksyon ang mga ito at syempre bida sa palabas mga bata, di gaya ng sa telenobela, noong araw puro mga edad na ng tamang binata o dalaga na pwede na magasawa ang mga common na bida, puro halikan at mga character na namamatay at nabubuhay pagdating sa mga kalagitnaan ng istorya at kapag kelangan na isambulat na ang tunay na magulang nya ay si ganito o ganun, o di kaya isa syang eredera, o kapatid nya pala yung lalaki na iniibig nya (yuck incest) yung pinaka secret ng kwento na nagpapatagal sa palabas nila. Mga ganun na tema ayaw ko na ng ganun, paikot ikot kasi ang mga istorya, Much better pa yung mga ray gun ni Eugene, kame hame wave ni Goku, mahiwagang bulsa ni Doraemon, Pokeball ni Ash at dila ni Mojacko. iba iba yung mga adventure nila, marami silang naeencounter na problema at nagagwa nila yung mga imposible na di kayang gawin sa totoong buhay (escapism?), marami talaga akong kinaaliwan na anime na syang bumuo ng kabtaan ko at hindi sa sinisiraan ko o nag sistereotype ako ng mga telenobela, pero malamang ganun na nga, pero mas maigi na manood ng mga kenkoy na palabas kesa sa magdrama ka sa problema ni Marimar kay Senyora... (not to mention mataas ang paghanga ko kay Senyora Angelika).

Hindi ko makalimutan nung nagalit si amin ng kuya ko si mama kasi ayaw naming tumigil sa paglipat ng channel, kapag commercial na ng teledrama nya, doon sa channel na gusto namin,which is the anime, kaya ginawa nya, tinago nya yung TV sa loob ng malaking aparador, yung aparador na pwede lagyang ng mga dress at barong nila ni papa na pwerde hangeran. at bonus pa tinggal din nya yung antenna at tinago sa kung saang lupalop ng bahay, na hindi na namin alam kung saan na, hanggang ngayon, para sure na hindi talaga kami makanood ni kuya... kasi sya pwede naman syang manood dun sa kapitbahay namin na manikurista (well that's unfair mom) at makakpag share pa sila ng mga ideologies nila about dun sa story line ng araw na yun. pero hindi kami papatalo ng kuya ko. nakanood parin kami, and here's the step:

1. Buksan ang Aparador

2. ipasok ang mga sarili sa aparador

3. isaksak ang TV para magkaroon ng snow signal

4. kabitan ng tinidor na antenna ang TV (siguraduhin munang hindi ka magground, kayo na bahala kung paano)

5. ilipat sa channel na iyong nais

At tentennentenen! makaknood ka na ulit ng anime, love it!, parang nasa Narnia ka lang... siguraduhin lang na alam ninyo kung ano ang tamang oras na paguwi ng taong nagtago ng TV nyo. kasi ito ang isa sa problema na naencounter namin ni kuya; dumating si mama, napansin nya na wala kami ni kuya, hinanap nya kami, at tama ang kanyang kutob, oo, nasa loob kami ng aparador ng mga damit nila ni papa, at ano ang kinahinatnan namin? ako syam na palo si kuya sampu. (ganun kasi mamalo si mama, kung ilang taon ka na dun ibabase yung number ng palo) ARAY!

......................................................................................................................

Isa sa pa pinakapinag awayan namin ni mama na hindi ko makalimutan na related sa anime, ay yung mga koleksyon ko ng tex at poster. dito sa eksenang ito wala akong ibang kakampi kundi ang sarili ko lamang....

Ang naalala ko nangongolekta kami ni kuya noon ng mga tex ng pokemon, dapat secret lang kasi ayaw ni mama na ginagastos namin ni kuya yung baon namin na pera sa mga walang kabuluhan na bagay, at dahil madami sila, hindi ko alam kung kumpleto na ba yung tex namin o hindi, kaya para malaman ko bumili ako ng poster ng mga pokemon na may number at picture ng mga ito bale lagpas 150 lahat lahat sila (hindi pa kasi uso internet nun, at malay ko ba na helpful yun)... at marami nga kaming kulang sa koleksyon namin.

Habang ako seryoso sa quest na pag kumpleto ng mga pokemon hindi ko alam na ang kuya ko pala nainggit na sa binili ko na poster, ikinapoot nya ito at sinabi kay mama na meron akong mga makamundong bagay na gaya nito, sa galit ni mama sa pagsuway ko, at ako naman trapped to deny everything and not knowing what to do, napatigil nalang ako, (ayaw kasi ni mama yung mga ganung bagay binibili namin, wala daw kabuluhan, na kapag inisip ko ngayon oo nga walang kabuluhan pero nagging masaya naman ako).

Nagalit si mama,

kinuha yung poster,

pinunit nya ito ng pinong pino (sa paningin ko pino kasi treasure ko yun),

pinanganga ako,

at inilagay sa bibig ko para nguyain, sabi nya "ayan pinapasok mo sa utak mo pwes ipapasok rin natin yan sa bituka mo".

abused??? no kasi niluwa ko rin naman yun nung naawa na si mama sakin kasi nga full mouth na ako at di ko kayang lunukin (it doesn't mean na wala akong nalunok).

hindi pa ito natatapos doon, tinanong nya pa si kuya kung meron pa ba akong ibang koleksyon, umamin rin si kuya, kaya ayun nagging abo lahat ng tex ko na pokemon hindi kinaya ng mga fire type pokemon na mag survive sa kalan ng kapalaran. (tex - laruang pambata na gawa sa papel na may litrato ng kung ano-ano na maaring maka akit ng mata ng mga bata para bilhin sa mga bangkebangketa o tindahan).

Nangako ako sa sarili ko na, kapag lumaki na ako o nageighteen na hindi lang tex at poster ang bibilihin ko pati mga toy figures ng mga anime characters ang bibilhin ko. pero hindi naman natupad kasi naman am so poorita!. pero ngayon wala na yun sa mga simple kong pangarap, nag-iba na rin as time goes by, hindi ko na nga kilala ngayon mga bagong pokemon, o pokemon pa ba sila... kasi huling sulyap ko parag digimon na eh.

May mga pailan ilan parin akong mga gusto panoorin at "finafangirling" na anime, ayon nga sa term nila, gaya ng Hunter X hunter na ikinagalak ng puso ko dahil sa June 2014 may ilalabas na na manga. kapag pinapanood ko ito, iba parin yung excitement na hatid sa akin kahit nabasa ko na ito sa manga o napanood ko na nag paulit ulit, kasi bumabalik yung mga alala ko nung bata pa ako. yung mga kengkoy moments ko, at syempre mga "torture moments" ni mama sa amin ni kuya (peace tayo ma lab you).

.......................................................................................................................................................

Hunter o Shaman??? well ano ba yung pangarap mo maging... o ano ba mas pinangarap mo na trabaho??? Hunter o Shaman...

Hunter o Shaman?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon