Chapter I

3 1 1
                                    

Juli

"Ui Juli!"

Para akong namulat sa pagkakatulog. Tumingin ako sa tumawag sa akin, si Jay pala. 

"Ha?"

"Tanong ko, anong nangyari pagkatapos mong binasted yung nanligaw sa'yo nung highschool?"

"Ah.. 'yun? Wala.. grumaduate kami at pagkatapos pareho kami ng pinasukang college."

"Wow, talaga? Kung ganun nandito siya sa university natin?"

Tumango ako at binigyang attensiyon ang pagkain pero si Jay naman hindi makahalatang wala akong ganang magkwento sa sawing pag-ibig ko.

"Pagkatapos? Pagkatapos? Anong nangyari, nag kakausap pa rin ba kayo?"

Tumingin ako sa mga naglalarong lalaki sa court, magkatabi lang kasi sila ng canteen. Doon nakita ko siya, masayang tumatawa kasama ang mga kaibigan niya. Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa akin, umiwas naman ako ng tingin kahit na alam kong hindi na niya ako maaalala... dahil ang babaeng liniligawan niya noon ay maganda pero pagkatapos ng nangyari sa pamilya ko, wala na akong oras para alalahanin ang itsura ko. Makilala pa rin naman ako pero siguro iisipin lang na kakambal ako.

And dating prinsesang nakatira sa isang mansyon, ngayon ay nakatira nalang sa isang maliit na apartment. Ang papa ko ang dahilan kung ba't kami naghihirap ngayon, ang mama ko naman hindi matanggap na mahirap kami kaya panay inom nalang ang inaatupag niya.

Kung hindi dahil kay Jay siguro nakatira na kami sa kalsada, pamilya kasi niya ang nagmamay ari sa building na tinitirhan namin ngayon. Nung una di ko rin matanggap ang katotohang iyon pero kung hindi ako gigising, kelan pa?

Hindi ko inaasahang masasanay ako sa mga gawaing bahay lalo na ang magtrabaho habang nag aaral, dalawang taon palang pero parang buong buhay ko na ang mga nangyari sa akin, sa dami ba naman ng pinagdaanan ko.

From a rich princess to a ragged racket girl, halos walang classmate ko ang nakakakilala na sa akin, dahil ang dating ako ay masungit at ubod ng arte. Ngayon, wala na akong oras o karapatan pa na mag maarte. Hindi na ako mapili sa shampoo ngayon bastat bumango lang ang buhok ko.

Ang daldal ko na rin, maybe because I loosen up. Nang maghirap ang pamilya ko doon ko lang nalaman kung sino ang tunay kong kaibigan. Narealize kong hindi importante ang magkaroon ng maraming kaibigan, yung isang tapat at nandyan para sa iyo ay sapat na. Maswerte ako at nakatatlo ako, isa na dun si Jay.

Tiningnan ko ang keypad kong cherry mobile phone. Malapit ng mag alas dos, pupunta pa ako sa part time job ko.

"Jay, mauna na ako sa yo ha?" Paalam ko sa kanya habang inuubos ang juice ko. Tumango lang si Jay.

Nagmamadali akong naglalakad palabas nang may mabunggo ako. Nagkalat ang mga libro ko sahig.

"Naku, pasensya na." Paghingi ko ng paumanhin pero hindi nakatingin sa nabangga ko, yung atensyon ko kasi eh nasa baba. Lumuhod ako para kunin isa isa ang gamit ko, sa gilid ng mata ko nakita kong lumuhod rin yung nakabangga ko.

"Pasensya na talaga--" Paghingi ko ulit ng paumanhin nang pag tingin ko sa kanya, nagulat ako kung sino yung nakabangga ko.

Si Bryce...

Hindi ko alam kung bakit pero biglang tumulo ang luha ko. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi pero yung totoo, hindi pa nagsisimula ang lahat, nagsisisi na ako. 

Noong umpisa, tingin ko sa kanya'y baduy at boring. Masyadong magalang at masyadong mabait, hindi ako bagay sa mga tulad niya dahil wala ako sa mga katangian na meron siya, maldita ako at wala akong galang, walang timpla pagpinagsama kami. Kaya binasted ko siya nang minsa'y nanligaw siya sa akin, ilang ulit nga pala kasi makulit siya at mapilit.

Forget Me NotWhere stories live. Discover now