Juli
Tama bang umasa ako? Yung tingin niya kanina di ko malimot limutan pero baka nagkakamali lang ako, baka sa iba siya nakatingin at hindi sa akin. Iba nga naman na ang itsura ko.
"Ate, ate."
"Huh?" Napatingin ako sa katabi ko, tinatawag na pala ako ni Joshua.
Ngumiti ako sa kanya. "Tapos ka na?" Tumingin ako sa workbook niya at chineck yung mga sagot niya.
Tinututoran ko si Joshua, nasa 2nd year high school siya, anim na buwan na rin nung simulan ko siyang turuan. Hindi naman sa matalino ako pero nung mayaman pa ang pamilya ko mga limq ata ang tutor ko. Strikto kasi nun si papa.
Pagkatapos ko siyang turuan, pinatawag ako ng mama ni Joshua. Anlaki ng bahay nila pero hindi kasinglaki nung bahay namin noon kaya hindi ako mawawala doon.
Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok sa opisina ng mama niya. Binati ko siya at ngumiti naman siya sabay pinaupo sa harap ng lamesa. Aakalain mong nasa twenties palang siya pero yung totoo 45 na ang mama ni Joshua, siguro dahil na rin sa may halong dugo siya.
"Bakit niyo po ako pinatawag?" 'Yun palang ang ika apat na beses na nakita ko ang mama ni Joshua.
Ngumiti siya sa akin sabay pinagsalikop ang mga palad sa ibabaw ng lamesa.
"Nothing serious really, I just wanted to see how you're doing. Is my son giving you a hard time?"
Napangiti ako sa tanong niya. "Naku, hindi naman po. Sobrang masunurin po nga niya sa akin eh at sobrang talino niya."
"Well, I'm glad to hear that." Sumandal siya sa kanyang upuan at tumingin sa kawalan. "Ever since his father died, he became closed off, firing those male tutors of his everytime, I got worried. He was even picky to his female tutors so I was wondering what's wrong." Tumingin siya sa akin. "Did he say anything?"
Napaisip naman ako. "Hmm... Wala naman po." May sumagi sa isip ko. "Ah! Nung first time na pumunta po ako rito, ayaw niya sa pabango."
"Perfume?" Tumango ako. Hula ko lang naman pero yun ang naiisip ko.
"Makes sense. I thought it was something else, thank you Juvilyn." Bumuntong hininga siya. "I'd like to get you something as a sign of my gratitude, is there something you like?"
Umiling ako. "Wala naman po." Maganda ang sahod ko doon at wala akong mairereklamo, sapat na sa akin na may trabaho ako doon.
"Well, if you need my help, my offer still stand, okay? You've been a great help."
"Maraming salamat po." Tumayo ako at nagpaalam na.
Lumabas ako ng silid at umalis na sa bahay nila, diretso akong pumunta sa Internet cafe na trinatrabahuan ko.
Agad akong napangiti nang madatnan si Joyce sa likod ng counter, abala ang mga mata sa monitor ng computer habang mahinang ginagalaw ang ulo habang nakikinig ng music sa headphones niya.
Ako na mismo ang nagtanggal sa heaphones niya para makuha ko ang atensyon niya na may ngiti sa labi. Walang interes na tiningnan ako ni Joyce at walang pag dadalawang isip na tumayo sa kinauupuan.
Sanay na akong hindi binabati ni Joyce o ngingitian man lang. Anak siya ng may ari at minsang siyang nauutusang magbantay sa internet cafe pag walang ginagawa pero kapag dumating na ako, ako na ang nagbabantay hanggang sa dumating yung papalit sa kin.
Ang building naman kung saan nandun and internet cafe ay ilang eskenita lang ang layo sa building na tinutuluyan lang din ng pamilya ko kaya kinuha ko ang trabaho.
Umupo na ako sa inuupuan kanina ni Joyce at binuksan ang isang libro pati na rin notebook.
Mayat maya'y may dumarating na mga nag lalaro, kadalasan mga lalaki pero halos kilala ko na ang mga naglalaro doon kaya di na ako natatakot pagnagbabantay ako sa cafe.

YOU ARE READING
Forget Me Not
RomantizmCivil University Book 1 A university with diverse rules, comes diverse stories. Si Juvilyn Young ay dating maldita but circumstances changed her. She crushed people in the past but now she's living silently as a college student where no one knows h...