UNKNOWN

1.5K 25 3
                                    

PAST.

Maaraw na ng magising ang isang dalaga sa kanyang pagkakatulog sa isang silid. Nang magkaroon ito ng lakas na bumangon ay nilibot nito ang silid upang  makilala nya ang paligid na kanyang kinaroroonan pero dahil sa kahinaan nito ay nabigo ito at napapunta na lamang sa isang sulok na malapit sa isang durungawan.

"Anong ginagawa ko dito? at bakit wala akong maalala kung ano ang nangyare? at nasaan ako?" sambit ng dalagita sa kanyang sarili.

Napansin nya naman sa kanyang harapan ang mga balahibong malalaki na tila ba ay mula sa isang malaking ibon. Puti na may halong itim at pula ang kulay nito at nakakalat ito sa sahig na kanyang kinahihigaan kanina.

Ngunit sa pag suri ng dalagita sa balahibo ay bigla naman kumirot ang ulo nito, dahilan ng pagkawalan nya ng malay.

PRESENT.

Nang matapos mag handa para sa eskwela si Maeviele ay dali dali itong lumabas upang maglakad patungong eskwelahan.

Hanggang ngayon ay napapaisip pa din ang dalagita kung san nga ba talaga sya nagmula o kung nasaan ang ibang kapamilya nya. Ang kanya lamang natatandaan ay ang ngalang 'Maeviele Lim' na mismong pangalan nya.

Mga ilang minuto pa ay nakarating na ito sa unibersidad na kanyang pinapasukan, pagkadaan naman nito sa pasilyo ay sumalubong naman sa kanya ang kanyang mga kaibigan.

"Viele! Pre kumusta?" sabi ng isa habang nakaakbay ito kay Maeviele.

"Medyo nawala nadin naman na yung pabalik balik na sakit ng ulo ko, kayo kumusta kayo? bagsak siguro kayo sa calculus noh?" patawang sabi ni Maeviele.

"Hoy anong bagsak ka jan!? hindi ah.... slight lang" pabirong galit naman ng isa.

"Ewan ko sainyo! Tara na at baka mapagalitan tayo!"

Nagkahilaan ang magkakaibigan patungo sa kanilang pupuntahan. Pagkadating nila doon ay binati agad sila ng guro nila na mukang kanina pa naghihintay.

"Ms. V. Ms. R. At tsaka Ms. Lim! ano't nalate kayo? kanina pa kami nag aantay dito!" sabi ng kanilang guro

"Ma'am ano po kas-" Magsasalita na sana ang kaibigan ni Maeviele ngunit pinutol ng guro ang sasabihin nito.

"SILENCE! Ang mahalaga ay nandito na kayo. lalo sa pagkakataong ito ay may sasabihin akong importante sa klase kaya makinig kayong lahat ng mabuti."

Bakas sa muka ng mga ibang istudyante ang pagtataka habang si Maeviele ay nakatulala lamang sa table habang nakikinig.

"Ipapaalala ko lamang sana ang aking sinabi sainyo nung mga nakaraang araw. Ako ay mawawala ng ilang buwan at may papalit sakin, dadating din sya sa susunod na week kaya aasahan ko na magiging maayos ang mga ugali nyo, lalo na sa papalit sakin." sabi uli ng guro.

Habang nagsasalita pa din ang guro ay nakatulala pa din si Maeviele sa lamesa nya.

"Yun lang, sana maging maayos kayo. CLASS DISMISSED!" sabi ng guro habang paalis na ito.

"Sa tingin mo sino kaya yung papalit kay Mrs Geronimo?" biglang sabi naman ng kaibigan ni Viele.

"Sana hindi strict katulad ni Mrs Geronimo, sawa nako sa sermon nya lagi jusko para akong mamamatay sa ratrat nya tuwing umaga" pakunot noo naman na sabi ng isa.


"Hui tumigil nga kayo jan! pag may nakarinig sainyo jan mareport pa kayo eh madadamay nanaman ako!" sabi naman ni Viele.



AUTHOR'S NOTE.

hello guys! kumusta kayo?
taglish po tong story nato ha, don't forget to vote, lovelots!:)

Fallen Angel (Mikhaiah)🔞ON HOLDWhere stories live. Discover now