Sabado ng gabi, tuluyan nang kumagat ang dilim. kasalukuyan na humihigop ng tsaa at mayroong pagtitipon ang mga Ginang sa asoteya ng tahanan ng yumaong Donia Maria de Albarez, maka-ilang araw mula ng kanilang alalahanin ang ika apat na pung araw ng kapanawan ng dating ilaw ng tahanan. Kabilang sila sa respetadong pamilya sa bayan sapagkat kilala ang nasabing Ginang dahil sa kaniyang malinamnam na lutuin sa kanilang posada. Ang kabiyak na man niya ay yumao sampung taon na ang nakararaan. Kilala ang matanda bilang dating tenyente mayor ng Kalayaan na si Don Fransisco de Albarez na nag simula bilang mangangalakal at negosyante sa bayan na siyang nag bigay kasaganahan sa pamumuhay ng kaniyang mga supling sa paglaon ng kapanahunan.
ang mga kalalakihan sa pangunguna ng panganay na anak ng dating mag-asawa na si Ginoong Mario ay punong abala sa pag-pupulong hinggil sa kani-kanilang mga susunod na hakbang pang negosyo at mga naiwang ari-arian ng kanilang ina.
Samantalang ang mga anak nilang binata ay kasalukuyang na sa silid aklatan upang paghandaaan ang darating na pagsusulit para sa darating na susunod na Lunes.
Sa kabilang banda ay abala din ang mga kadalagahan sa ikalawang palapag ng nasabing tahanan.
"Kung sino man ang nilalang na narito, ikaw ay mag pakilala sa amin..."
Naka pikit ang mga mata ni Anita at pilit si-ni-siryoso ang pag bulong sa hanginn na a ni mo'y isang ekspertong esperitista, ssamantalang pasimple na man na ngumisi sa kaniyang tabi sa gawing kaliwa si Jasinta dahil sa naiisip nitong kapilyahan.
Naghagik-hikan ang mga naka-ba-bata pa nilang kasama dahilan upang ilang saglit pa'y sa pagdilat ni Anita ay pa-simpleng hinipan ni Jasinta ang hawak niyang kandila, na siyang dahilan para umalingawngaw sa buong silid ng kanilang namayapang lola ang kanilang mga matitinis na tinig.
Kumaripas ng takbo pa palabas ng silid ang mga bata. Napalitan ng pag hikbi ang kaninang walang mapaglagyang sigla ni Jose dahilan upang igayak na ito ng kaniyang ate perlita sa kanilang ina.
Nag palakpakan na man ang mga naiwang mas nakatatanda na tila nag punyagi dahil naisakatuparan na ang kanina pa nilang nais.
"Paki sara mo ng mabuti ang pintuan Ate Jasinta, hindi na babalik pang muli ang mga paslit, nasindak na sila ng tuluyan." Wika ni Emilia sa pinsan na tila nasasabik sa kung ano mang binabalak gawin.
humagalpak pa ng tawa ang mga ito na tila wala nang katapusan.
"Halina't upang maka-pag-simula na tayo, ano ba ang ibig mong ibahagi sa amin kanina pa sa hapag, Emilia?"
tanong ni Anita na kumunot ang noo sa kausap.
Agad na man naging siryoso ang ekspresyon ni Emilia na tila isang manunula natumayo ng matuwid sa isang entablado atsaka
Iminuwestra ang hangganang bahagi ng kama upang maupo ang dalawa. Sumunod ang mga ito at mapanuring sumulyap kay Emilia na ani mo'y mga hurado sa isang pagtatanghal.
Makinig kayo ng mabuti sa akin. "Tila batid ko na ang kasagutan upang hindi ka na malumbay pang muli Ate Anita. ito ay mula sa aklat na aking natagpuan sa mga lumang kagamitan ni Lola." Namayani ang katahimikan sa paligid kaya't muli siyang nagpatuloy.
"Ayon sa nakasaad rito ay isang mabisang paraan upang iyong mahanap ang tao na nakalaan para sa iyo ay marapat na mag sagawa ng isang ritwal, ito raw ay tradisyon na ng iilang mga ninuno sa iba't ibang panig ng daigdig..."
"Ano na man ang ritwal na iyong winiwika? Sa pa paanong paraan ba ito marapat na isagawa?" Putol ni Anita sa kapatid.
"na marapat ay nasisinagan ng buwan ang salamin habang hawak ng babae ang naka sinding kandila sa harap nito. At agaran mo di umano'y masisilayan sa repleksyon ng salamin ang binatang iyong magiging katipan, ito ay matapos na usalin ang tatlong salita..."