Kabanata 2

19 0 0
                                    

Midnight Series 1:

Midnight Escapes

Kabanata 2

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala sa dalawang lalaki na bagong dating. Literal na nakaawang ang mga labi ko habang nakakatitig sa kanilang dalawa.

Are they for real? Bakit sila nandito?

"Can I sit beside her, Miss?" Solomon spoke as his gazed went to Aurora. "I want to sit beside Lady Diana."

At mukhang natauhan na ang kaibigan ko. Ilang beses siyang kumurap bago sinamaan ng tingin ang lalaki. Samantalang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala na narito nga silang dalawa. Walang salita ang lumabas sa aking bibig dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

I was literally gaping at the two gentlemen as they stood in front of me.

"Ayaw ko," irap pa nito. "Friend stealer."

Kumunot ang noo ni Solomon sa kaibigan ko.

"We didn't steal her from you. We're her friends too."

"Ganoon na rin 'yon."

"Arte naman nito. Sige na, alis ka na diyan para maka-upo si Solomon," sumiksik pa sa akin si Kulas kaya napaisod ako. Hindi ito tumigil hangga't hindi nahuhulog si Aurora sa upuan niya.

"Nicholas!" Singhal nito nang mahulog sa upuan. Agad itong tumayo at sinamaan ng tingin ang huli.

"Damot mo kasi! Deserve!" tawang- tawa naman si Kulas. Sinamantala iyon ni Solomon para makasiksik sa tabi ko.

"Tawang-tawa, Kulas?!" asik ni Aurora saka lumapit kay Kulas at binigyan ito ng isang medyo malakas na hamapas sa ulo.

"Aray! Sadista amputa!"

"Minumura mo ako?!" isa pang hampas ang natanggap ni Kulas. "Mukha kang sunog na hawot, Kulas."

"Masarap!"

"Tanga, anong masarap sa sunog?"

"Masarap kang iprito, Miss. Mukha kang shanghai na tinipid sa laman." Ngumisi si Kulas nang nakakaloko bago pumangalumbaba sa lamesa. "Payatot!"

At nagsimula na nga ang walang katapusang giyera sa pagitan ni Kulas at ni Aurora. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, medyo naaaliw sa palitan nila ng asaran. Iyon lang ang reaksiyon. Ni hindi pa nga yata nagsi-sink in sa akin na talagang kaibigan ko na silang dalawa.

Namamangha ako sa mga nangyayari. Paanong ang pagtulong ko ay magiging ganito kaganda ang kapalit? Paanong ang simpleng pagtulong ko ay may kapalit na higit pa sa kayamanan ang halaga?

Tumulong lang naman ako at walang ibang intesyon pero ganito kaganda ang kapalit? Parang hindi totoo. Parang nananaginip lang ako.

"Did you order your lunch?" bahagya akong napatalon nang magsalita ang tahimik na si Solomonsa tabi ko. May ngiti ito sa labi dahil naaaliw din sa kaibigan na inaasar ang kaibigan ko.

"Ha?" lutang kong tanong at ibinaling ang tingin sa kaniya.

"Kung nag-order ka na ng lunch mo?" ulit niya.

"Hindi pa. Inuna kasi ni Aurora ang chismis kaysa pagkain namin," medyo lutang kong sabi.

"Ako na ang bibili ng pagkain natin," he volunteered. Tumango lang ako, ang reaksiyon ay nabibigla pa rin. Wala sa sariling kinuha ko ang wallet ko. Lutang akong kumuha ng isang daan doon sabay abot sa kaniya.

Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Aanhin ko 'yan?" Amusement. I can see amusement on his eyes as he stared at me then at the one-hundred-peso bill on my hand.

Midnight EscapesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon