Midnight Series 1:
Midnight Escapes
Kabanata 8
Since my adoptive parents died, all the happiness in me died as well. It was like I died with them. And since then, para na lang akong nabubuhay sa kawalan. Hindi ko na alam ang purpose ko. Parang humihinga na lang ako e. Wala na akong rason para mabuhay. Parang wala nang patutunguhan ang buhay ko lalo pa noong naging malupit sa akin sina Auntie.
Kasi mula nang mamatay ang mga magulang ko, parang ang lahat ng kasiyahan sa akin ay kinuha ng mundo.
Despite that, I strive to live even without a purpose. Or even without knowing it. Kasi baka malungkot lang ako kaya ganoon. Kasi baka nalulunod lamang ako sa kalungkutan kaya hindi ko mahanap ang purpose ko sa buhay. Kasi baka nababalot lamang ng lungkot ang puso ko kaya hindi ako makahanap ng rason para ipagpatuloy ang buhay. Kasi baka kaya ako naiwan, at the back of my head, may purpose ako. Kasi baka kaya ako naiwan, may mararating pa ako.
Even without knowing what my purpose could be, I continue the life that has given to me. Even without the happiness in me. Ayos naman. Nabuhay at nabubuhay pa naman ako. Iyon nga lang, hindi na gaya ng dati. Iyon nga lang, walang saya. Iyon nga lang, patuloy na naghahanap ng rason para sumaya.
Ganoon naman talaga ang buhay. Walang hanggan ang paghahanap hanggang sa makita ang hinahanap.
Ayos na 'yon 'di ba? At least buhay ako at humihinga.
Kung nandito lang sana ang mga taong umampon sa akin, siguro nahanap ko na ang purpose ko. Siguro masaya ako kung hindi sila agad kinuha sa akin. Hindi ko pa nga nasusuklian ang kabaitan nila sa akin, agad naman silang binawi.
Minsan naiisip ko rin, siguro nakatadhana talaga na maiwan akong mag-isa. Kasi 'di ba? Iyong tunay kong mga magulang, ipinamigay ako tapos ang mga taong umampon naman sa akin, maaga namang kinuha.
Maybe it's because I was born to be alone.
Akala ko, iyon na talaga. Akala ko, ganoon talaga ang nakatadhana sa akin. Na hindi ko na makikita ang purpose ko at hindi ko na mahahanap ang mga rason para sumaya.
Hindi pala...
"You're early," biglang may bumulong sa tainga ko kaya napitlag ako sa pagkakatayo ko sa may gate. It's Tuesday morning and the first day of our final. Mabilis akong lumingon at nakita si Solomon sa tabi ko. Nakasukbit sa kaliwa niyang balikad ang kaniyang leather bag at sa kanang kamay naman ay may dala siyang medyo malaking paper bag.
Biglang nawala ang antok ko nang mabungaran ang gwapo niyang mukha. Dahil halos nakadikit na siya sa akin, nanuot sa ilong ko ang panlalaki niyang pabango na hindi masakit sa ilong. Saktong amoy lang. Amoy ng isang gwapo.
Ang linis talaga niyang tingnan sa uniform niya. White polo ang dark green na slacks. Naka-burda sa may kaliwang dibdib ang kaniyang apelyido at ang logo ng school. Sa id lace naman niya ay naroon ang kaniyang course at pangalan ng kaniyang department.
"Hi, Lady Diana," he greeted me and smiled. Lumabas na naman iyong gwapong dimples niya. Kasing gwapo niya.
"H-Hi," nauutal pa ako at siguro ay para na akong tanga.
Kung ganito talaga ka-gwapo ang bubungad sa akin, aba'y sadyang mawawala ang antok ko.
"Saan si Kulas?" tanong ko at lihim na pinakalma ang sarili.
"Why do you always ask for Kulas? I'm here," taas niya ng kilay sa akin. Lalo akong napa-tanga sa kaniya.
Seryoso siya ba?
"E kasi, lagi kayong magkasamang dalawa. Na kapag sumulpot ka, matik na nandiyan din si Kulas."
"Crush mo ba si Kulas?" Naghahamon pa ang boses nito.
BINABASA MO ANG
Midnight Escapes
ChickLitWhile everyone feared midnight, I am in love with it. While everyone doesn't favor dark and quiet streets, I found peace in it. And while everyone thought that midnight was empty, I found love in its emptiness. Dark, lonely, quiet and empty, midnig...