D
It's a rainy Tuesday.
I woke up to a rainy morning.
At first, I thought, I woke up too early. Parang mag susunrise pa lang when I opened the curtains in my room.
But, no. It's already past 8 am.
I dragged myself out of bed and took a cold shower kahit maulan at malamig.
Pag baba ko ng hagdan, madilim na living room ang bumungad sakin. Parang hapon na pagabi na yung dilim.
Dumiretso ako sa ref at ang bumungad sa akin ay mga frozen meat at box ng fresh milk. May oat meal at bread pero ayoko nito.
Napabuntong hininga na lang ako. Ayokong mag luto, ayokong magpa deliver na naman.
Umakyat ulit ako sa kwarto at nagpalit. Lalabas na lang ako.
I drove to one of my go-to Starbucks stores noon. I parked across the store.
Buti na lang umaambon na lang pagdating ko sa parking. Ayoko pa namang nagdadala ng payong.
Hinarap ko muna yung rear-view mirror sakin para tignan kung okay ba itsura ko.
"Getting old, Wong." pagkausap ko sa sarili ko.
I never imagined na yung age na akala kong matanda na noon ay hindi pala tulad ng inaakala ko.
Akala ko nung bata pa ako, at the age of 25 ma-fifigure out ko na ang buhay. I thought, at that age, stable na ako, may ipon, bahay, kotse, negosyo, lahat.
Akala ko fulfilled, contented,successful, and happy na ako by the age of 25.
Napailing na lang ako sa sarili ko habang iniisip ang lahat ng akala ko noon.
"Eh pucha, 32 na ako, ni hindi nga ako masaya ngayon." sambit ko sa sarili ko.
Lumabas na ako ng sasakyan at naglakad patawid. Medyo lumalakas na yung ambon kaya nagmadali na ako sa paglalakad.
Pag tapat ko sa entrance ng store, huminto muna ako at tinignan yung malaking entrance nito.
Nostalgic.
Dito ako pumupunta pag pagod na pagod na ako sa ingay at gulo ng mundo. Pag gusto ko na lang ng katahimikan dito ako tumatakbo para mag pahinga ng isip.
Ang tagal na nung huling punta ko dito. Parang 3 years ago na ata.
This is it, I'm back here.
"Hi, good morning!" sabay sabay na bati ng mga barista.
Inikot ko ng tingin yung buong store agad. Parehong pareho pa din sa dati yung ayos. Nag fflashback yung mga memory ko sa bawat seats na madadaanan ko ng tingin.
The good old days.
Pinili kong umupo dito sa bukod na bar, sa may high chair. Dito ginagawa yung bukod na menu nila ng mga kape, kumbaga yung mga Starbucks Reserve Coffee.
Kaharap ko yung mga beans na nakadisplay at mga equipment sa pag gawa ng kape.
Tumulala muna ako at nag unat unat. Buti na lang makapal na hoodie yung sinuot ko, ang lamig dito.
"Hey, D! What's up?" someone tapped my shoulder and sat beside me.
"Hey, Bei! I'm all good. Am I dreaming o things changed? No meetings? Work? Business?"
Nagtataka kasi ako. Siya lang talaga una kong naisip i-message habang nagdadrive papunta dito. Nag reply agad siya and now, she's sitting beside me.
"The important thing is I'm here." tapos napatingin siya sa table, napansin niya atang wala pa kong order na kahit ano.