Life

823 35 2
                                    

D

"What's up besty?" I was pulled back to my senses with that gentle tap on my back.

It's Ram. My best friend.

She sat beside me. Tumingin siya saglit sakin tapos dun na din siya tumingin sa kawalan, kung saan ako kanina pang nakatulala.

"Hoy, magsalita ka naman."

"What do you think about life, Ram?"

"Ha? Seryoso ba yan?"

"Yeah, seryoso ako."

"Sa gitna ng beach na to ka magdadrama?"

"Sagutin mo na lang kasi."

"Alam mo besty, we live and we die. That's it."

"Paano mo nasasabi yan?"

"Ang alin?"

"Yan, yung ganyan. Parang ang dali dali lang sabihin sayo na we die." and then I paused.

... "Ah, sabagay. Doctor ka nga pala. Normal na sayong makakita ng namamatay."

"Not really. Matagal na ko sa profession na to pero as possible I don't want them to die. Pero di ko naman hawak ang buhay nila."

"How did it feel nung unang beses?"

"Nung unang beses akong mamatayan ng patient?"

"Yeah..."

"Di ba alam mo? Umiyak pa nga ako sayo ng umiyak."

"Umiyak ka lang non. Pero wala ka namang sinabi. Hinayaan lang kitang umiyak non eh. Di naman ako nagtanong."

"Well, that time feeling ko ako yung namatayan. At yung ideclare ko yung time of death, God! It haunted me. Hanggang sa parang nasanay na lang din ako."

"Kasi hindi pwedeng ma-attach ka sa mga pasyente mo."

"Imposible kasi yun eh. Namaster ko na lang talaga yung itago yung emotion ko."

"Eh nung ako yung patient mo?"

"Ayaw ko talagang hawakan ka."

"Bakit naman?!" haha medyo tumaas ata yung boses ko. Aba ngayon niya lang sinabi to ah.

"Sira! Iba syempre pag kilala mo yung pasyente mo."

"Pero ikaw pa din yung doctor ko non."

"Well, oo, ako pa din. I felt that you need me."

"Muntik na kong---"

"Just don't. Ayokong balikan na yun. Tapos na di ba? Okay ka na di ba?"

"Bakit ba ayaw mo pag usapan yun?"

"We almost lost you!"

"Pero hindi naman ako nawala."

"Wag mo ng uulitin yun."

"Hinding hindi na. Ayoko na din mawalan ulit. Tingin mo ba napatawad na nila ako?"

"Walang may gusto ng nangyari, D."

"Bakit ba kasi sinundan pa niya ko?"

"We will never know the answer."

"Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako na nabuhay ako at siya yung wala dito."

"Be grateful that you are still here. Wala kang kasalanan."

"God, I miss her. Just so unreal na hindi ko na naririnig yung boses niya."

"D..."

"Yes?"

"She called me that night and I---"

"What?"

"I accidentally recorded our conversation. Ngayon ko lang din nalaman when I checked my voice recorder."

What???

"You wanna hear it?"

"Are you serious, Ram?"

"Yes..."

Ram took out her phone and played it.

"Hello, Ram. I've been waiting for D pero---"

Oh, God! My tears came running down to my face... Now, I remembered.

I remembered why she drove rushing to me that night. 😢

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon