J
"Ano ba, Jema?! Bat ba ang tagal tagal mo? Kunin mo na to si Dani! Kanina pa iyak ng iyak. Male-late na ko!"
Tumakbo na agad ako sa sala pag labas ko ng cr.
"Bat ba ang init ng ulo mo, lalong umiiyak si Dani sa sigaw mo." kinuha ko na sakanya ang anak namin.
"Ang tagal mo, lalo akong wala ng sswelduhin sa ginagawa mo, late na ko! Ikaw na bahala dyan ah.. Aalis na ko."
Haaaaayyyy... Araw araw na lang ganito.. Kailan ba matatapos tong paghihirap namin...
1 year after namin ikasal ni Deanna sa LA, nag decide na agad kami magkaanak para isang byahe na lang nga naman sa US.
And luckily, after ng unang IVF process namin, I got pregnant agad. Swerte namin, di namin kailangan mag stay ng matagal sa US, mas tipid, sakto lang naman yung naipon namin pareho for our wedding and the process of me getting pregnant.
Dito na kami nag stay sa condo ko after, nabili ko na to, fully paid na bago pa kami pumuntang US.
Nung una sobrang saya talaga namin ni Deanna. Bed of roses sabi nga nila. Lahat ng plano namin nasunod.
Deanna is a car sales agent. Top employee siya lagi. Kasi naman ang dami niya laging benta talaga. With her charm and smile, sino ba namang di bibili. Ngitian niya lang yung nag iinquire palang mapapabili na agad eh.
Sa ganon ko siya nakilala, nung isang beses na sinamahan ko si papa na mag inquire ng sasakyan. Siya yung humarap samin non. Grabe, ang galing niya talaga mag salita plus her charm, mapapabili ka talaga. Baka kahit sira sira na yung kotse bilhin mo kung siya magbebenta sayo!
Nung mabili na nga ni papa yung kotse, syempre dun niya din pinapa service yung kotse. Sinasama sama ako ni papa para daw alam ko din yung mga ganung bagay.
Dahil si Deanna yung agent namin, siya din yung nag a-assist samin pag nandun kami.
Tuwang tuwa nga sakanya si papa eh. Gandang bata at ang bait daw. Well, totoo naman. Todo asikaso talaga siya samin. Tas laging ngingiti. Makalaglag panty yung mga ngiti niya eh. Hahaha.
Nakikita ko din yung ibang babae dun na kawork niya ang landi ng approach lagi sakanya.. Kainis.
One time na schedule na ng kotse namin for change oil, na-sprain si papa. So, ako yung inutusan niya na magdala ng kotse sa kasa for change oil. No choice.
Since mag isa lang ako, wala akong kausap. Inapproach ako ni Deanna non, tas small talk lang kada dadaan siya sa inuupuan ko. Hanggang sa matapos na yung service ng kotse. Saktong lunch time.
Niyaya niya kong mag lunch, sumama ako, di ko naman pwede idahilan na nag lunch na ko eh the whole time nasa office lang nila ako nakaupo. Saka ang cute niya talaga, para kang mapapa-oo na lang sa lahat ng sasabihin niya. And lastly, gutom na din talaga ako.. So, I gave in to her invite.
There, nagsimula kaming lumabas at kilalanin yung isa't isa, hanggang sa naging kami, our families both approved it. And then, after a year of dating, we got engaged and got married right away.
We went back here in Manila after I got pregnant. Then, nanganak ako, Deanna is still doing great in her work. She told me to stop muna sa work ko and focus on our child, Danielle. I work as a high school PE teacher.
Unfortunately, Deanna's name got involved in a money issue on their company's sales. May mga pera daw na hindi pumasok sa company nila at siya yung tinuturo ng mga kasama niya.
Hindi na nagawa ni Deanna ipagtanggol yung sarili niya. Parang napagtulungan siya eh. Ang dami kasing naiinggit sa kanya sa loob. As a result, nakiusap siya na wag siyang tanggalin sa trabaho. Yun lang talaga yung source of income namin right now. Naubos na lahat ng ipon namin.