12

598 4 0
                                    

"May gagawin ka ngayon araw?"

Binalingan ko siya ng malamig na tingin habang inaayos ang mga gamit sa condo ko. Kakatapos lang nila ni Avi ifinalize ang coat na dami ni Yuan.

"Marami." I reasoned out.

"Ano?" Ngumuso siya sa gilid ko na parang bata. "Pwede ko bang malaman? Baka may maitulong ako."

"Itikom mo 'yang bunganga mo. Makakatulong 'yon." Sabi ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya mas lalong sumama ang mukha ko. "Mas lalo kang gumaganda kapag nag susungit ka..."

May kung ano nanaman akong naramdaman sa bandang tiyan ko! Hindi pwedeng bumigay kaagad nang ganyan! Alalahinin mo ang mga pinag gagawa niya sa 'yo!

"Marami nga akong gagawin," sabi ko. "Magre-review ako."

"Uso pala sa 'yo 'yan?" Aniya. "Parang noon lang palaging palakol ang mga grado mo ah."

Narinig namin ang mahinang pagtawa ni Avi kaya sabay kami napalingon sa kaniya. "Ah, mauuna na ako, Pierre. Bye! Yuan. Dito na ako. Maraming salamat sa oras."

Aniya wag na siyang ihatid sa baba kaya wala na akong nagawa.

Totoo naman. Palaging palakol ang grado ko noon! Ganon rin naman siya. Kung makapag-salita siya sa harapan ko ganon din naman siya. Magaling siya sa math at science habang ako naman ang gumagawa ng mga activity niya kapag english.

"Kung ganon, sasamahan kita mag-review." Pagpapa-cute niya.

"Ano naman ang re-review-hin mo?" Busangot ko. Puro solving lang naman 'di ba sa accounting?!

"Duh, equation?" Sabi niya na parang dapat alam ko ang tungkol do. Equation, huh? Eh, sobrang dali nga lang sa kaniya niyan!

"Tantanan mo ako, Yuan. Umalis ka na." Ani ko pero pinagmatigasan niya ang sarili at umupo sa couch. "Anong gusto mo? Hihilahin pa kita palabas?"

"Hindi," sumandal siya. "Dali na. Kunin mo na yung mga re-review-hin mo. Tutulungan kita."

"Wag na." Umirap ako. "Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Ngi," reklamo niya pa. "Parang noon lang gustong gusto mo palagi ang tulong ko tapos ngayom tinatanggihan mo na ako."

Ayan nanaman siya sa pagiging isip bata niya! Sana pala'y hindi ko na siya kinulit noon para walang kumukulit sa akin ngayon.

"Mahal..." Tawag niya.

"Ano?!" Baling ako. Tsaka ko lang nalaman ang sinabi niya kaya natigilan ako. "Wala kang mahal dito! Labas!"

"Ano?" Pangagaga niya sa boses ko kaya mas nairita ako. "Samahan mo nalang ako sa mall. May bibilhin ako."

"Ang dami mong gusto!" Hiyaw ko.

"Marami ka ba?"

Inirapan ko nalang siya kaya pumasok na ako sa loob. Pumasok rin siya at natigilan ng makita ang ilang ayos na maleta sa gilid ng kama ko.

"Aalis ka?" Nanghihinang tanong niya habang tinitignan isa-isa ang mga bagahe ko. "Iiwan mo ulit ako?"

Nasaktan ko sa tinuran niya. Hindi ko naman dapat 'to nararamdaman! Wala na siya sa akin!

"Oo," pagsisinungaling ko. "Iiwan ulit kita. May reklamo ka?"

Bumuntong hininga siya. "Aalis ka dahil kinukulit kita?"

Our Past Reminisce (Pentalogy Series #3)Where stories live. Discover now