18

621 6 2
                                    


Nanlalamig na pawis ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Ni hindi nga ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kung hindi lang kasali si Claudia sa contest, umalis na ako!

Pinapasok na muli kami sa back stage para doon mag-ayos. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Andito siya? Tiyak akong mag kikita muli kami. Imposibleng hindi.

"Nangnang are you okay?" Claudia asked after a paused. "Your hands are so cold."

Madali nalang niya nararamdaman ang panlalamig ng katawan ko dahil hawak niya ang mga ito. I shook my head. Ayokong masira ang performance niya dahil sa pag-aalala sa akin.

"Wala 'to," ngumiti ako. "Basta alalahanin mo yung tinuro ko sa 'yo, ha? Palaging sa tiyan ang kuha ng hangin kapag bibirit ka."

Nag thumps up siya. "Yes, nangnang!"

Sa loob ng ilan linggo pagpra-practice namin ni Clau alam kong madali lang siyang turuan dahil nakukuha niya kaagad ang mga notes, sa pagkakaalam ko may alam din sa pagkanta ang tatay niya. Kaya hindi na ako nag tataka kung bakit marunong din siyang kumanta.

"Tawag na tayo sa labas," sabi ko ng marinig na tawagin na ang mga kalahok.

Sigawan ng mga tao sa labas ang bumungad muli sa amin. May iilan naka tayo pa sa harapan dahil hindi kasya ang monoblocks na inihanda. Hindi naman malaki ang Isla na ito at hindi rin gaano kalaki. Sakto lang para sa tatlong barangay.

Muli akong tumingin kay Yuan na seryosong-seryoso lang na minamata ang mga kalahok. Kita ko pa ang pag ngiti nito kay Claudia.

Tsaka may pumasok sa utak ko!

Paano nalang kung mapagkamalan niya kami na mag-ina?! Wala rito si Lynette para saluhin 'yon! Higit sa lahat palagi kami napagkakamalan na mag nanay dahil na magkamukha kami.

Titig ns titig ako sa kaniya. Ni walang kahit na anong pagbabago sa mukha niya. Pero sa prinsipyo niya, marami. Halata na kaagad sa aura niya kung gaano sumisigaw ang estado niya sa buhay.

Kasi ganon naman talaga.

Kahit na wala ako, tuloy pa rin ang buhay nila. Hindi naman kasi natutuldukan ang buhay dahil malungkot ka. Hindi naman titigil ang oras dahil umiiyak ka. Ang kaya mo lang gawin, tanggapin ang lahay dahil nangyari na.

Kung ako ang tatanungin, natanggap ko na ba ang nangyari sa amin dalawa? Oo. Matagal na akong naka-usad sa kung ano ang mayroon sa amin dalawa. Iniwan ko na sa nakaraan ang mga alaala namin.

May mga sugat na nagiging peklat sa nag daan na panahon. Masasahi kong nakahilom na ako sa sugat ng nakaraan. Naging peklat nalang ang naiwan ng mga naging sanhi nito.

Ang layo-layo niya... mulo noon hanggang ngayon. Naka-krus ang aking dalawang braso habang nakatitig sa kaniya.

Naiisip din ba niya ako sa nag daan na taon? Kapag ba kakain kami ng aming paborirong pagkain, mapapatigil siya at ma-iisip ako? Kapag ba makakaamoy siya ng pamilyar na pabango at ako ang naalala niya, maalala niya ba ako?

Dahil sa nag daan taon, ganon ako. Hanggang sa nawalan nalang ako ng pag-asa para sa amin dalawa.

"Please welcome Claudia Isla Salvantes!" Pag sigaw ng host sa stage.

Patago kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. At doon nalang tumutok sa entablado kung na saan si Claudia. Maraming humihiyaw sa pangalan niya. Ngunit alam kong napupuno ng pagmamahal ang loob niya dahil mahal niya rin ang musika.

"I dedicate this song for my tita," aniya pag hawak ng mic.

For me? Hinahanap hanap pa niya ako sa dagat ng mga tao ngunit hindi nag tapat ang tingin namin dahilan para ngumiti siya.

Our Past Reminisce (Pentalogy Series #3)Where stories live. Discover now