Chapter 5

0 0 0
                                    

Nagmadaling bumaba ng sasakyan si Czarina dahil tumawag si Mr. Edward Laxamana ang boss niya at ama ng kaibigang si Faye dahil may urgent meeting silang lahat. Kinabahan siya dahil huling ginawa nila iyon noong biglang nawala ang project nilang hawak dahil sa malaking buliyaso sa site noon na ikinalugi ng halos kahati ng kompanya. Kaya todo kayod sila para mabawi ang halagang iyon, sa ngayon nabawi na naman ito pero puhanan lang. Kung sa kaniya maayos na iyon keysa sa wala. Pero iba ang isip ng boss nila, gustong mabawi ang puhunan at lahat ng nagastos nito.

Wala naman siya pakialam doon basta mahal niya ang trabaho niya. Ang kinatatakutan niya ngayon kapag nangayari itong muli baka magbawas ng mga tao sila Faye. Kaya naman todo dikit ito sa mga malalaking proyekto o kaya naman ay nakikipag-partner sa mga ito.

"Good morning, Engineer Yna!" bati ng isang guard.

Nakita niya ang kasintahan niya sa lobby na halatang inaantay siya.

"Good morning po! Dumating na po ba ang CEO natin?"

"Hindi pa po, si Director Harold pa lang po. Mukhang kayo po inaantay niya, Engineer Yna." Pabirong wika nito.

Lingid sa kaalaman ng lahat ang relasyon nila ng binata. Pero halata sa kilos ng binata ang namamagitan sa kanila pero nanatiling propeyosnal pa rin silang dalawa kahit nasa public place pa. Malambing naman ito pero hindi ito showy at seryoso lang sa buhay.

"Magandang umaga, Director Harold Han,"

Napakunot noo ito sa kinilos niya. Tipikal na may lahing koreano ito pero mas malamang pa rin ang dugong pilipino. Singkit at makinis na balat lang nito nakuha sa mother side nito na sa kasalukuyang nasa ibng bansa at hindi pa niya nakikita sa personal.

"Engineer Yna, Good morning!"

Lumapit ito at bahagyang bumulong sa kaniya.

"What is this game, babe?"

Natawa siya dahil seryoso ito. Buhat kase ng sinundo at inihatid sa condo na tinuluyan niya hindi na niya ito inihatid sa lobby. Pagkatapos magkape, umalis na ito. Siya naman ay nakatulog na at nakagising sa tawag nito kanina. Hindi na siya nagpasundo dahil mas lalo lang siyang matagalan dahil maggagaling pa ito ng Alabang tapos Manila pa siya.

"We are working. . . Let's go!" Sumabay siya sa paglakad sa binata. "Are you eat your breakfast?"

"Nope! I ordered already. Come to my office and let's eat our breakfast. Tito Edward is not yet arrive."

Tumingin siya dito.

"Alright. I'll make coffee for us."

"No need. I'll order already, babe."

Napaawang ang labi niya. Napailing na lang siya puro na lang bili sa labas ang tipo nito.

"Why?" Ngumiti ito na tila naaliw sa ekspresyon ng mukha niya.

Ngumuso lang siya.

"Bakit kase pwede naman gawin, bumili ka pa."

Tumawa ito.

"Mas mabilis ang oras kung magtimpla pa tayo baka nagsimula na ang meeting kumakain pa tayo. Hayaan mo kapag tinanggap mo na inalok kung kasal saiyo, ikaw na mag-asikaso sa akin." Mahabang wika nito.

Napatigil siya sa paglakad at tumingin sa binata.

Bakit parang mas lumayo ang damdamin niya sa binata. Mahal niya ito pero bakit unti-unti iyong nawawala.

"Come on, Babe. Sabi mo nga maaga pa para sa planong iyon." Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito.

Naalala niya ng nangliligaw pa ito kahit malayo ang Manila sa Alabang lagi ito naghahatid at nagsusundo sa kaniya. Halos anim na buwan ito sa pngliligaw kahit tinataboy na niya. Pero nakita niya ang senserong pangliligaw nito at dahil kilala ni Faye sinagot na rin niya. Kwela din ito kapag wala sa trabaho, pagkanta ang hilig nito at iyon ang lagi niang bonding. Order ng pagkain sa labas at sa condo niya pinagsaluhan, minsan kasama pa si Faye. Masaya na siya sa ganoon kahit ni minsan hindi ito nagbigay ng bulaklak sa kaniya. Mas ipinaramdam sa kaniya ng binata ang pagmamahal nito sa pamamagitan ng mamahaling bagay na binibigay sa kaniya pero inaayawan niya ito. Mahilig din ito sa bar kasama ni Faye kaya nadadala din siya doon minsan kapag nakakatapos sila ng isang proyekto.

"Director Harold, nasa opisina na po ang mga pagkain."

Mula sa secretary nito.

"Thank you, Sanya. I will invite Engineer Yna for breakfast, please ready the plate for two."

"Sure po, but wait. . ."

Bago pa nakakilos hinawakan ni Sanya ang kwelyo at inaayos ang kurbata ng nobyo niya. Kitang-kitang niya ang lagkit ng tingin nito. Nanatili siyang nakangiti at nakatingin lang, maganda naman ito.

Biglang tumikhim si Harold at umiwas sa galaw ni Sanya.

Hindi naman siya nagseselos ngunit nasaling nag pride niya.

"Director Harold, mauna na muna ako. Siguro next time na kita sabayn sa breakfast mo. Magkita na lang tayo sa board meeting mamaya."

Tumalikod na siya.

Narinig niya ang oagtawag ng kasintahan pero nagderitso png siya.

Ibang klase na talaga mga babae ngayon!

Bago siya tumuloy sa opisina niya nakita niya ang dating opisina ni Faye. Bukas ang ilaw niyon at mukhang may mas maaga pa sa kanila.

Baka nilinisan lang, dumungaw siya sa pinto pero walang tao. Nagpatuloy na lang siya sa paglakad patungo sa kalapit silid nito at pabagsak na umupo sa upuan niyang biglang tumunog ang telepono.

"Yes, good morning."

"Babe, I'm sorry kanina. Parang personal assistant ko na rin kase si Sanya kaya. . ."

"Harold, enough. Hindi mo na kailangang magpaliwanag, naiintindihan ko. Mag-aayos lang ako para sa mga gagamitin kung files sa meeting."

"Babe. . .gusto mo diyan na lang sa office mo. Ipapadala ko mga pagkain diyan." Wika nito.

"Babe, okay na ako. Pupunta ako diyan ayusin ko lng mga files ko."

"Thank you, babe..Sasabihan ko na si Sanya after this."

"No need. Trabaho niya iyon, okay."

Narinig niya ang pananahimik at buntong hininga ng binata.

"Okay, see you."

Pagkababa ng telepono mabilis na inayos ang mga files at binitbit palabas. Nagmmadaling tinungo ang opisina ng kasintahan pero nakailang hakbang pa lang siya ng may nabangga siya. Mabuti na lang at mahigpit ang hawak niya sa dala kaya hindi tumilapon sa sahig iyon, muntik na rin siyang ma-out of balance pero mabilis siyang hinawakan sa braso nito.

"Are you blind?! Tumingin ka naman sa daraanan mo. . ." Paangil na wika niya.

"Sorry! Sana tumingin ka din sa daraanan mo."Singhal din nito.

Matalim ang mga matang tumingin sa kaharap pero ang inis at galit ay napalitan ng kaba.

"Ikaw!"

Panabay nila.

Ito ang lalaki sa beach!

Mas bagay ang long sleeve dito kesa boxer lang! Napalunok siya ng maalala ang bagay na iyon na dumapi sa pagitan ng hita niya ng yakapin siya nito sa dagat. Napailing siyang isipin ang bagay na iyon.

"Anong ginagawa mo dito? Nag-aaply ka ba? Asan ba nag HR at hinayaan ka lumakad-lakad dito. Mag-apply ka pa lang pero may attitude ka na!" Wika niya na asar sa lalaking ito.

Napangiti ang lalaki. Magsalita pa sana ito ng dumating si Sanya.

"Engineer Yna,pinapatawag ka na po ni Sir Harold." Magalang na wika nito.

"Okay! Pakitawag ang HR at dalhin kamo sa conference room iyan."

Hindi na niya nilingon nag mga ito. Inayos niya ang heels niya at blazer saka mabilis na tinungo nag silid ng kasintahan.

MY NEXT MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon