**Third Person POV**
Abala ang lahat ng estudyante sa BSE-4B. Nakapila ang ilang kaklase sa tatlong makeup artist na nag-aayos ng kanilang buhok at naglalagay ng pampaganda bilang paghahanda para sa graduation pictorial.
Alas-nuebe pa lamang ng umaga, at ala-una pa ang schedule nila para sa pictorial, pero kailangan na nilang mag-ayos dahil marami pang ibang section ang magpapagawa sa mga artist. Kahit na labing-pito lamang sila, matagal ang proseso. Nagbayad ang bawat isa ng isang libo para sa hair and makeup promo para sa mga graduating students, kaya’t lahat ay gustong siguraduhing maganda ang resulta.
"Bhie, ilabas mo ang natatagong alindog ko!" pabirong sabi ni Azhle sa mga makeup artist.
"Mahirap 'yan, bhie, pero walang mahirap sa baklang may makeup," sagot ng isa sa kanila, na pabirong inirapan si Azhle.
"Okay, gora na. Maupo ka na dito at wag kang malikot at madaldal," dagdag pa nito.
---
**Azhle De Vera POV**
Naupo ako, may halong kaba at pananabik sa magiging itsura ko. Iniisip ko, sana maging maganda ako ngayon. Ayokong maulit ang nangyari noong senior high pictorial ko—pramis, napakapangit ko doon. Pandagdag pa, virtual graduation pa ang naganap dahil sa pandemic, kaya wala akong matinong litrato.
"Girl, pikit ka muna," sabi ng makeup artist.
Sumunod ako at pumikit, naramdaman ko agad ang dantay ng mga brush at pulbos sa mukha ko.
"Dear, tingin ka sa taas. Taasan mo pa." Inilagay niya ang concealer sa ilalim ng mga mata ko.
"Smile!" sabay lagay ng blush sa magkabilang pisngi ko.
"Okay, next."
"Bhie, dito ka na. Ayusan ko na ang buhok mo. Ano ang gusto mo? Lugay, pusod? Straight o kulot?"
"Curly lang po sa baba," sagot ko.
Makalipas ang isang oras, ala-una na. Oras na para sa pictorial ng section namin.
"Sue, picturan mo ako, picturan din kita mamaya," sabi ko sa best friend kong si Sue, sabay ngiti.
"Sige," maikli niyang tugon.
Click. Click. Click.
Masaya akong nagpopose para sa camera.
---
Napatitig ako sa mga litrato ko mula sa pictorial. Walong buwan na rin ang lumipas mula noon, pero hanggang ngayon, parang wala pa ring nangyayari sa buhay ko.
Nasa loob pa rin ako ng kwarto, patuloy na nag-i-scroll sa Facebook at nagpapadala ng mga resume.
Minsan, lalabas ako para pumunta sa Naga City, mag-walk-in sa mga kumpanya, mag-initial interview, tapos uuwi ulit na malungkot.
Nakakapagod. Nakakadurog.
Nakakafrustrate.
Ayoko na.
Pero... paano na?
Ano na?
Ganito na lang ba?
Susuko na lang?
Labing-walong taon akong nag-aral. Hindi puwede!
Kaya ko pa!
Pero... talaga ba?
YOU ARE READING
Jobless Dreams
Short StoryAzhle De Vera is a 23-year-old woman struggling to find a job after graduating from college. In denial about the pressure of being unemployed for eight months, her confidence begins to fade along with the dreams she has held onto for so long.