Valentines

5 0 0
                                    

Araw ng mga puso pala ngayon.

Kung hindi pa ako nag-online, hindi ko pa maaalaala. Puno na naman ng kacheesehan, kalandian, katatawanan, at kadramahan ang Facebook feed ko.

"Happy Valentine's, mga bhie! Love you all!" sabi ni Lexie sa group chat namin ng barkada.

Anim lang kami na babae. Si Lexie ang pinakasweet. Si Reina naman ang pinakagirly na medyo bossy. Si Meribel ang pinakamaliit pero siya rin ang pinakamatanda sa amin. Si Sue ang pinaka-close ko, best friend ko sa grupo. Habang si Neressa naman, siya ang pinaka-distant sa amin pero close lang kay Reina—magkabarangay kasi sila at dating magkaklase noong senior high.

Lahat kami nag-heart react sa message ni Lexie at sabay bati ng "Happy Valentine's Day!"

Bumalik na lang ako sa pag-scroll sa FB, pero maya-maya biglang nag-pop up sa feed ko ang black profile ni Neressa. Kaya napa-stalk ako sa profile niya. Tadtad na naman ng shared posts na may patama sa jowa niya. For sure, nag-away na naman sila. Lagi na lang. Mag-aaway ang dalawa sa maliit na bagay, tapos paparinigan ni Neressa sa FB sa pamamagitan ng shared posts. Magba-black profile picture pa siya, tapos ilang araw lang pagkatapos, bati na naman sila. Magpo-post naman siya sa FB stories kung gaano siya ka-grateful sa jowa niya for staying with her despite being jealous and annoying.

Toot. Tunog ng messenger ko. Sanay na ako sa pop ng chatheads ng group chat namin na pinangalanan naming ‘SLARMN’—pinaghalo-halong initial ng mga pangalan namin.

“Bhie, @Neressa, what happened?” tanong ni Reina.

Naghintay akong mag-reply si Neressa pero wala. For sure, sila-sila na naman ang nag-uusap, gaya ng dati.

Laging sina Reina at Neressa lang ang magkausap. Kung tutuusin, parang wala kami. Hindi naman ganito dati eh, pero simula nang magkaroon ng alitan sina Sue at Neressa, parang nabiak na ang grupo.

Si Neressa at Reina ang laging magkasama. Sumasama naman si Neressa sa amin, pero hindi ko maramdaman ang bond niya sa amin. Pakiramdam namin, sumasama lang siya para kay Reina. Lagi silang magkadikit kapag magkakasama kami, at wala man lang imik si Neressa sa amin.

“Oyyy, share it, bhie,” PM ko kay Reina.

“Marites HAHAHA,” sagot niya.

“Update lang, bhie,” sabi ko.

“Bawal,” matipid niyang sagot.

“Ge,” sagot ko na lang.

Haayys, wala man lang akong nasagap na chismis. Curious lang naman ako kung bakit nag-away na naman sina Neressa at ang jowa niya.

Never pa kasi ako nagka-jowa. Career before jowa ang peg ko. Pero bwisit na buhay 'to, pati career, ayaw din sa akin. Sa love life naman, nevermind. May nagcha-chat pero deadma ko lang. Tamad akong mag-chat, saka ayoko ng ganoong set-up—‘yung getting to know each other. Kaya ito, kahit malungkot at problemado, napapangiti pa rin ako sa love quarrels ng iba. Baliw lang, ‘di ba? Pero ganito ata talaga sa 20s ngayon—busy sa paghahanap ng trabaho, pagtatrabaho, at love life.

Maki-chismis lang ako para malibang. Never naman ako nang-share ng secrets eh, kami-kami lang nakakaalam.

Gusto ko sanang i-chat si Neressa, pero nagdadalawang isip ako. Baka i-reject ako. Masakit pa namang ma-seen at hindi pansinin.

Hindi na kasi niya ni-reply-an ang mga messages ko at naka-seen lang kahit online siya.

Friendship over na ata kami, ih.

Magkakasama pero FO na kami.

--------------
**Flashback**

Nag-away kasi sina Sue at Neressa dahil sa thesis namin.

Jobless Dreams Where stories live. Discover now