Athena's POV
pinilit kong ngumiti.Bumuntong hininga muna ako bago kumatok.Nanginginig man ay pilit kong kinatok ng tatlong beses ang pinto.
ilang minuto ay bumungad mula sa loob si Erica. ngiting aso ang ipinakita nito.
"look who's here". nakatapis lamang ito ng tuwalya at halatang bagong ligo ito.
"nasan ang asawa ko?" kalma kong tanong.
"you mean YOUR soon to be your ex-husband ?oh he's here. Tatawagin ko ba? pero kasi tulog pa eh alam mo na we had a good time kagabi so baka di sya maggising. mukhang pagod na pagod kasi eh ". she giggled.
"just please wake him up, Erica . " tipid kong sagot.Sumimangot naman ito.
"oh,c'mon Athena kailan mo pa ba balak iwanan si Zeke?wag mo naman kami pahirapan".
"Hanggat nabubuhay ako walang Zeke na mapupunta sayo,Erica.Tandaan mo yan".
"so ano?Okay lang sayo ang ganitong set up?Ni halos di ka na nga tabihan ng asawa mo dahil dito na sya sakin palagi! ganyan ka na ba talaga ka desperada?"
"Sino sa tingin mo ang desperada sating dalawa,Erica? Ako ba?Ako ba talaga?
"kaya ka lang pinakasalan ni Zeke dahil buntis ka noon,Athena. alam mo kung gaano kami nagmamahalan ni Zeke noon diba?Naging kaibigan kita pero anong ginawa mo?Palihim kang may gusto kay Zeke at gumawa ka ng paraan para makuha mo sya! " bulyaw nya sakin.
"Di ako pumunta dito para ungkatin ang nakaraan. Aalis na ako. Pakisabi sa asawa ko na umuwi na dahil inaantay na sya ng anak namin". akmang aalis na ako pero hinablot nya ako sa siko.
"Kung may awa ka pa sa sarili mo Athena,please lang hiwalayan mo na si Zeke.Palayain mo na sya mula sayo.Bigyan mo naman sya ng karapatan para lumigaya."
napailing ako. " Go to hell Erica! kahit kailan hindi mapupunta si Zeke sayo o kahit kanino man!Tandaan mo yan! ikaw ang magbigay ng kahihiyan sa sarili mo dahil habang buhay ka na lang magiging isang kabit!" nagpumiglas naman ako sa pagkahawak nya at dali daling umalis. Di pa man ako nakalayo pero kusang bumagsak na ang mga luha ko. Napahawak ako sa isang upuan at napahagulgol .
Ano Athena? susuko ka na ba? kaya mo na bang hiwalayan ang asawa mo? Marami ka nang sakripisyong nagawa tapos susuko ka na lang?Hindi.Wag.Di mo kaya.......
hindi mo kaya..........
Paulit ulit na mga salitang binibitawan ng isip ko sa mga ganitong eksena namin.Paulit ulit na nangyayari kaya di ako susuko.Hindi ngayon.Hindi hambambuhay.
Nagpunas ako ng luha at taas-noong umalis mula sa empyerno kung saan nakatira ang demonyong kabit ng asawa ko.
" where's dad,mom?" bungad na tanong ni Amarah, anak ko.Sinalubong ko naman sya ng halik at yakap.
"on the way na si daddy,anak.Bumili sya ng toys for you.Wait na lang sya natin ha.Play ka na muna at magluluto na si mommy".
"yeheeyy! Daddy's coming home!." malungkot na sinundan ko sya ng tingin habang papunta sa playground. Excited itong makita ang Daddy nya.
Pumunta naman ako sa kusina para magluto ng ulam.Hanggat maaari ay ako lahat ang nag aasikaso sa bahay.Ang katiwala naman ay pinapapunta ko lang if aalis ako na di pwede dalhin si Amarah.
BINABASA MO ANG
ENOUGH
RomanceNUMB. That word describes her. She is willing to do everything for the sake of love.Kakayanin lahat ng hirap at sakit na nararanasan wag lang mawala ang lalaking minamahal nya .Pero paano nya tatanggapin ang katotohanan?Paano kung mali pala ang nagi...