Part 2

6 1 1
                                    

Athena's POV


Birthday ngayon ng Father-in law ko and it means we have to act like we're okay in front of them.Nagtatyaga ako sa ganitong set up. Kung pwede lang na laging may mga okasyon.


"Good evening,mom,dad.Happy birthday po.Eto po ang regalo ko for you." nakipag beso ako sa kanila bago ko iabot ang regalo ko."nagluto din po ako ng paborito mong kare-kare."


"That's so sweet of you naman,Hija.Sobrang swerte naman talaga ng anak ko sayo.Maliban sa maganda na,maasikaso pa.Right,son?" baling ni tito kay Zeke.

tumango naman ito bilang pagtugon. "yes Dad." tipid na sagot nito.

"O siya,punta na tayo sa dining area para kumain." sabi ni tita.


May Engineering Company sila Zeke at kami naman ay Agricultural business.Marami kaming mga farm sa Visayas Area na minamanage naman ng pinagkakatiwalaan ni Dad. Gusto nyang mag manage ako sa isang farm doon pero tumanggi ako.Walang mag aasikaso sa asawa't anak ko pero promise ko naman sa kanila ay tutulong ako if needed.


Intimate celebration lang ito kaya kami lang din ang tao.Habang sinusubuan ko si Amarah ay nag uusap naman sila about their business pero nakafocus ako kay Zeke na laging  chenicheck ang phone ya.

"As I was saying Zeke,kailangan na nating mag add ng tao doon sa Makati area.Medyo nagdedelay na ang operation doon." patuloy ng daddy nya.tango lang ang sagot niyo habang nakatingin pa din sa cellphone nito.


" apo ko kumain ka ng marami ha para mabilis kang tumangkad like your Dad and beautiful as your mom.Do you want to sleep here with your lola?" sabi ng biyenan kong babae kay Amarah.


"with mom and dad lala. sleep with Amarah." sagot naman ng anak ko sa lola nya.

"but lagi naman kayo magkatabi ah.Si lala naman tatabi sa princess namin na yan."


"uhm excuse me ,Mom and Dad I have a visitor.Would you mind if i let her in?" singit ni Zeke.

Her?


"Is it Erica? your friend?" Tanong ni Dad sa kanya.Lahat kami ay naghihintay ng sagot mula sa kanya at tumango naman ito.

"Yes dad.Actually di rin naman  po sya magtatagal.Uhm dadaan lang para mag greet sayo.Excuse me.Sunduin ko lang sya sa labas."

napailing naman ako.Pati ba naman dito,Zeke? Ni hindi man lang ito sumulyap sa gawi ko.Mabilis itong  nagtungo sa pinto palabas.


"Pansin ko close yan sila,athena? Lagi kasing present si Erica sa mga okasyon natin or kung hindi man ay laging napadaan.Is there something going on between them?" napatigil ako sa tanong ng biyenan ko.

"Uhm -

"Good evening po sa inyong lahat.Also to you,Athena my friend.Matagal na tayong di nagkita." napalingon kami sa unwanted visitor na dumating.Naka red dress ito na above the knee na kapares ng lipstick nya.Nakikita rin ang umbok ng cleavage nito.Sobrang lapad ng ngiti nito na parang walang nangyari last time namin magkita.Napakaplastik ng ngiti neto.Nauna syang nagbeso at nag abot ng regalo sa father in law ko next naman sa byenan kong babae at panghuli ay ako.

" so nice of him.Inimbita nya ako sa birthday ng Dad nya.Ang special ko,diba?" bulong nya sakin pagtapos ay tumabi sa kabilang side kung saan naroon si Zeke.Ngayon ay bakas na sa mukha ni Zeke ang saya na wala kanina.

ENOUGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon