Athena's Pov....
Alam ko naman na tanga ako eh.Nagpakatanga at nagpapakatanga pa din.Kaya pala di nya ako maiwan iwan dahil sa rason na mabubuwag ang kumpanya namin.Akala ko naman ay kahit paano naiisip nya na maaayos pa namin o alang alang sa anak namin.Yun pala sa kumpanya lang?Ngayon na ba ako magsisisi?Paano ko ba nakakaya to?
"aray..ano ba?" isang malaking bulto ang nabangga ko sa daan.Tumilapon sa kanyang puting polo shirt ang dala kong kape na mabuti na lang di na ganoong mainit.
"wow miss.Ikaw yata tong di tumitingin sa daan.Look what you've done." kumuha ito ng panyo mula sa bulsa nya at pilit na pinunasan ang damit.
"i-im sorry.hindi ko sinasadya.Uhm here's my calling card.Please call me if ano yung dapat kong bayaran.Sorry talaga." hinging paumanhin ko.Kunot noo naman itong tumitig sakin at kinuha ang calling card na iniabot ko.
"sorry ulit.I'll go ahead." paalis na ako ng pinigilan nya ako sa kamay.
"i think you have to pay me now." nilingon ko sya.Ang bilis naman pala kausap.Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng wallet habang naiiling. " not the money.Tutal ay di naman ako makaka attend ng meeting dahil sa ginawa mo,so idadamay na kita.Let's grab another cup of coffee."
He smiled.Hindi naman ako ngumiti pabalik."I'm sorry mister pero di ako sumasama sa kakakilala ko pa lang or should i say nakabangga lang."
"yeah me too.I'll introduce myself then.Nate,by the way." tinignan ko ang kamay nito na naghihintay makipag handshake.
" I'm married." simple kong sagot. pinakita ko sa kanya ang wedding ring na suot ko.
"nasayo na din naman calling card ko so tawagan mo na lang ako for the payment.I'll go ahead." Hindi ko na hinintay na sumagot ito at dali dali naman akong umalis na.
Hapon na ng makauwi ako ng bahay.Naabutan ko ang aking anak na naglalaro kasama ang babysitter nito.Naaawa ako sa bata.Mula noong pinanganak ito ay malayo na ang loob ni Zeke dito.Lagi itong wala lalo na sa mga birthdays ng bata.Kesyo may business trips o di naman kaya scheduled meetings which is obviously not true.Mas gusto pa nitong kasama ang kabit neto kaysa mag celebrate ng party ng anak nya..
"Dito na po pala kayo maam.Pumunta po kanina dito si Sir Zeke.Kasama po yung kaibigan nya." sabi ni Flor.Ang nag aalaga kay Amarah kung wala ako.
"kaibigan?sinong kaibigan?" tanong ko.
"it's my Auntie Erica mom!" Amarah hugged and kissed me.
"s-si Erica?" ang kapal naman talaga ng pagmumukha nila!
"she brought me snacks and toys and also-
"She's not your auntie,ok?" I interrupted.
BINABASA MO ANG
ENOUGH
RomanceNUMB. That word describes her. She is willing to do everything for the sake of love.Kakayanin lahat ng hirap at sakit na nararanasan wag lang mawala ang lalaking minamahal nya .Pero paano nya tatanggapin ang katotohanan?Paano kung mali pala ang nagi...