Lima

7 2 0
                                    


Eksaktong walo ang bilang,
walong beses ka humakbang.
Sa ikatlo, tingin nati'y nagtagpo,
nadarama kong antok ay naglaho.
Sa panlima naman, saki'y ngumiti ka,
ngiting nagpatigil sa'kin sa paghinga.
Anim at pito, ikaw na'y nasa harapan,
walo, tuluyan mo na akong nilagpasan.

Isang Daang Tula Para Kay ArceoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon