Upang ika'y palihim na masilayan,
ako'y pupunta sa inyong silid-aralan.
Ika-apat na palapag, malapit sa hagdan,
at magpapanggap na ako'y napadaan lang.
Sa pagdaan, mga mata'y nakatutok lang sa'yo,
sabay balik sa ikatlong palapag, sa may dulo,
kung saan naroon talaga ang silid-aralan ko.