CHAPTER 24

478 28 4
                                    

Patuloy ang pag bagsak ng mga luha ko at kahit anong punas ang gawin ko ay ayaw nito tumigil

"stop crying eve, Hindi ka pwedeng makita ni Miguel ng ganyan" galit na sabi ni daddy

Nandito siya sa condo ko, hindi ako umuwi ng bahay dahil baka pumunta Doon si acel kaya naman mas pinili kong dito muna sa condo para din hindi ako matuntun ni daddy pero mukhang mali ako dahil nandito siya

Pagka-uwi ko ay dito na ako sa condo pumunta at pinatay ko din ang phone ko para hindi ako matawagan ni daddy pero pinasundan niya ako sa tauhan niya kahapon

"Hindi tayo pwedeng mapahiya eve, gwapo, mayaman at may pinag aralan si Miguel. Siya nalang ang mahalin mo" sabi ni daddy saakin

"Bakit hindi nalang kayo yung magpakasal? I didn't expect na ganto ang gagawin mo dad, sana pinakasal mo nalang ako kay harold!! Sana si harold nalang! Dahil sigurado akong may chance pa akong makawala sakanya!" Sigaw ko kay daddy

" Don't! Don't disrespect me eve! Yan ba?! Ganyan ba yung tinuro sayo ng babaeng yun?!" Sigaw ni daddy sakin na para bang kunti nalang ay sasaktan ako nito


" Wag mo siyang idamay dad" walang emosyon na sabi ko sakanya

"Alam mo kung anong mangyayari pag hindi ka sumunod sa usapan" sabi nito saakin at tumingin ako sa bodyguard ni daddy dahil hindi ko kaya na tignan pa siya sa mata

"I can't believe you dad, you're my dad anymore, you've changed... A lot" sabi ko sakanya. Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko at nilock yun

"Eve open this door!" Sigaw ni daddy pero hindi ako sumagot

"Damn! Savannah Eve! Open this f*cking door!" Sigaw niya pero hindi parin ako sumagot

Nakailang katol pa si daddy pero hindi ko talaga ito pinag buksan dahil ayaw ko siyang makita.

"Fine! Basta pumunta ka bukas and wag mong subukan na ipahiya ako dahil alam mo na ang mangyayari" sabi ni daddy saakin at narinig ko itong lumabas na ng condo.


SATURDAY NIGHT and this is the day kung saan mamemeet ko na ang lalaking ipapakasal saakin ni daddy

Kanina pa ako nakabihis pero parang ayaw ko umalis ng biglang may pumasok na matanda sa condo ko

"Abuelito?" Tawag ko dito

"How's my favorite granddaughter?" Tanong nito saakin kaya naman lumapit ako sakanya at yumakap

"I missed you" bulong ko sakanya at niyakap naman niya ako pabalik

"Ikakasal kana pala, hindi mo sinasabi" sabi nito saakin

"Si daddy ang may kasalanan, siya ang may gusto nito" pagsusumbong ko sakanya

"Kilala mo naman ang daddy mo, basta para sa companya niya" sabi ni abuelito


"Tara na, sabay na tayong pumunta sa lugar na yun" sabi nito at  lumabas na kami ng condo

Habang nasa byahe ay iniisip ko parin si acel, hindi talaga ako mapakali dahil alam kong galit na galit ito saakin.

"Apo, what's wrong?" Tanong ni abuelito, napansin siguro nito na tahimik ako at Hindi masyadong nagsasalita

"May iniisip lang po" sabi ko sakanya

"Yan ba yung babaeng kasintahan mo?" Tanong nito saakin

" Pano mo nalaman?" Tanong ko sakanya

"Wala namang masesekreto sa daddy mo" sabi nito at tumawa

"Smile eve, hindi magandang makita ka ng future husband mo na ganyan ka" sabi ni abuelito kaya pinilit kong ngumiti

"Don't worry, i won't judge you" sabi nito at ngumiti saakin

"I love her, i love her so much abuelito" sabi ko at tuluyan ng naiyak



"I know, that's why you're hurting so much right now. But this is faith, my princess—we can't have everything we want, not even the person we love." Sabi nito saakin at binigyan ako nito ng tissue

"Mabait na bata si Miguel, hindi ka nun sasaktan. Mapag mahal na anak at Kapatid si Miguel sa pamilya niya" sabi nito saakin pero di ako sumagot

Nakarating kami sa restaurant na pag mamay-ari daw ng Miguel na yun, pag pasok namin nakita ko agad si daddy na may kausap na matandang lalaki

"Oh nandito na pala ang anak ko" sabi ni daddy kaya lumapit na kami ni abuelito

"Eve, this is Antonio Grande and this is Miguel your fiance" sabi ni daddy at tumayo naman ang isang matipunong lalaki at lumapit saakin.

Nakita ko naman na nakangiti si mr. Grande saakin. Oo siya yung isa sa investor ko sa company ko kaya wala akong karapatan na gumawa ng iskandalo dito dahil baka ipull out niya ang investment niya at ako naman ang malulugi.

"Hi eve, you look so beautiful" sabi nito at ngumiti lang ako dahil hindi ako comfortable sa paghawak niya sa likod ko

"So let's eat" sabi ni abuelito dahil napansin siguro nito ang hindi ko pagiging comfortable


"Ahhh... Let's wait another minute, malapit na daw si AM dad, let's wait for her please. I want my sister to meet her future sister-in-law" sabi nito kaya naman sumang-ayon si abuelito.

After ng ilang minuto ay may nagsalita sa likuran ko na siyang ikinalingon naming lahat.

"Sorry kuya, traffic eh" sabi nito at tumayo naman si Miguel at sinalubong siya ng yakap

"It's okay, kakadating lang din nila... And by the way AM this is Eve Morris, my fiance" sabi nito pero nanatiling nakatitig ako sa malamig nitong mga mata

"Nice to mee you ms. Morris" sabi nito ng walang emosyon ang mukha, napaka lamig ng mga tingin niya saakin

"Acel......" Bulong ko dito pero hindi ako nito pinansin at umupo sa may tapat ko katabi ni mr. Grande.

Napansin ko din ang pamumutla ni daddy, dahil siguradong hindi niya din alam na anak ni mr. Grande si acel.

THE PERFECTLY FAKE GIRLFRIENDWhere stories live. Discover now