CHAPTER 5

443 21 1
                                    

1 week after that day........

Yes, isang linggo simula nung pumunta ako sa bahay ni acel at hanggang ngayon di ko na siya nakita, naging busy kasi ako sa office lalo na at kailangan naming makakuha ng maraming investor.

Nasa bahay ako ngayon at nagpapahinga. Habang nakahiga ako sa kama ay biglang nag ring ang phone ko, hindi ko kilalang number ang tumatawag pero di ko alam kung anong elemento ang sumapi sakin at sinagot ko parin.

"Hi honey, tulog kana?" Bungad sakin ng tumawag. Sino na namang tokmol to at honey pa ang tawag sakin

"Who are you?" Tanong ko sa kabilang lingya

"I'm fine, thank you" sagot naman nito kaya napahampas ako ng mahina sa noo ko, bobo ba to?

"Bobo ka ba? I'm not asking 'how are you', i said 'who are you?!" Inis na tanong ko sa kausap ko

"Ganyan ka pala ah, after mo akong halikan at ipakilalang Girlfriend mo sasabihan mo na ako ng bobo?! Porket wala ka ng kailangan sakin itatapon mo na ako na parang basura" sabi nito sa lingya na para bang umiiyak

"What the hell acel?! Lasing kaba o sabog ka?!" Tanong ko sakanya

" Di ako lasing, nakainom lang. Pampatulog lang" sabi nito at tumawa pa

"Where are you?" Tanong ko sakanya

"Dito sa tapat ng bahay kausap yung mga kapitbahay ko" sabi naman nito

"Sige na mauubos na yung load ko. Matulog kana, Goodnight honey myloves, mwah mwha" sabi nito at pinatay agad ang tawag

Siraulong yun, lasing na nga di pa matulog. Bahala siya sa buhay niya malaki na siya.

Pinikit ko ang mata ako at lintik hindi ako makatulog dahil iniisip ko ang babaeng yun.

"Hayssttttt... Panira ka talaga ng buhay acel!!!" Sigaw ko at tumayo sa kama. Nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan at nag dradrive papuntang bahay ni acel, kung tatanungin niyo ako kung bakit ko siya pupuntahan? Wag na dahil hindi ko din alam.

Pinark ko yung sasakyan at lumbas na ng kotse, naglalakad ako papuntang bahay ni acel at nakita kong pinagtitinginan ako ng mga tao

"Pre ang ganda oh, ang sexy mano" rinig kong sabi ng isa sa mga tambay

"Wag yan pre, syota ni acel yan, tagilid tayo dyan" sabi nung kasama niya kaya naman binilisan kong maglakad at sa di kalayuan ay tanaw ko na si acel na may hawak na bote ng alak

"Acel" tawag ko sakanya at nanlaking matang tingin ang binigay nito saakin

"Eve, anong ginawa mo dito?" Tanong niya saakin at tinignan ako muna ulo hanggang paa

" Bakit ka pumunta dito ng ganyan ang suot?" Tanong nito sakin

Tinignan ko naman ang suot ko ay talagang masasampal ko din ang sarili ko dahil naka sports bra ako at naka pajama

"Tara na nga dito" sabi nito saakin at hinila ako

"Sensya na, nandito na si kumader eh batsi na ako" sabi nito at hinalikan ako sa ulo bago kami pumasok

"Walangya ka naman donkey, buti nalang at di ka napagtripan dyan sa may labasan" sabi nito at stress akong tinignan

" Tara na, hahatid na kita sa sasakyan mo. Di ka makakatulog dito at mainit, wala akong aircon o electric fan" sabi nito at hinawakan ang kamay ko

"No! Dito ako matutulog" sabi ko dito at kunot noo ako nitong tinignan

"Alam mo ba yang sinasabi mo? Mainit dito, wala akong kama at sigurado na magagasgasan yang porselana mong katawan sa tigas ng banig" sabi nito saakin pero hindi ko ito pinansin at humiga sa nakalatag na higaan at pinikit ang mata

"Sige, bahala ka. Pag ikaw naligo ng pawis wag kang mag rereklamo sakin" sabi nito at humiga na sa tabi ko

" Ayaw mo talagang umuwi?" Tanong niya saakin pero hindi na ako umimik kaya naman hinalikan ako nito sa noo at ilang minuto pa ay nakaramdam na ako ng antok

PAGGISING ko ay 6 a.m na, sh*t late na ako sa trabaho. Tumayo ako sa higaan at aalis na sana ng bigla akong hilain ni acel at niyakap ako

"Bitaw. Late na ako sa office" sabi ko dito pero umiling ito

"Ikaw ang boss diba? Di mo kailangan pumasok ng maaga, dito ka muna at ipagluto mo ako" sabi nito kaya naman napataas ang kilay ko

"Ano ka swenuswerte?!" Sigaw ko dito

"Girlfriend mo ako, Gutom ako at may hangover pa ako kaya sa ayaw at gusto mo ipagluluto mo ako. May kaning lamig dyan, isangag mo tapos kunin mo yung 50 dyan sa ibabaw ng water jag punta ka kay aling baby bili ka ng corn beef" sabi nito at bumalik ulit sa pagkakahiga. Lumabas ako ng bahay at bumili ng pinapabili ng girlfriend ko kuno. 

" Ate pabili po ng cornbeef" sabi ko dito, inabot niya sakin ang binibili  ko at binigay ko ang pera

" Kay ace ba to?" tanong nung tindira sakin

" Yes po." sagot ko sakanya 

" Wag mo na bayaran, ito oh idagdag mo na tong itlog" sabi nong tindira, talaga bang kahit sino may gusto sa pangit na yun

" Hindi na po, may pambayad naman" sagot ko at iniabot ulit ang pera pero tumanggi ito

" Wag na, libre yan kay ace. Malaki yung naitulong ni ace sa anak ko nung nasa hospital at nanganak kaya sige na" sabi niya, kaya naman nakahinga ako ng maluwag, akala ko may gusto din siya kay acel eh

" sige po, thank you ate" sabi ko nalang at bumalik sa bahay niya at nagluto ng pinapaluto niya. after ko magluto ay ginising ko na siya

" Mahal na reyna, bumangon kana at tapos na ako magluto" sabi ko dito. Tumayo ito at niligpit ang hinigaan niya 

" Thank you love" sabi nito at humalik sa pisngi ko 

" Ang hilig mong manghalik noh?" sarcastic na sabi ko sakanya

" Syempre... girlfriend kita eh" sabi nito at nagumpisa na kaming kumain 

" Ihahatid na kita sa opisina mo mamaya" sabi nito sakin kaya di na ako sumagot at kumain nalang, after naman niya kumain ay lumabas ito para kunin ang extrang damit ko sa sasakyan, habang hinintay ko siya ay pumasok na ako sa banyo para maligo 

"Nandito na sa labas tong damit mo, tawagin mo ako pag tapos kana mag bihis" sabi nito sakin. After kong maligo ay nagbihis na ako at tinawag siya dahil siya din ang maliligo. 

Wala pang limang minuto ay lumabas ito ng banyo, ang bilis niya naman maligo, takot ba to sa tubig or hindi na siya nag sabon

" Ang bilis mo naman maligo, nagsabon ka ba?" tanong ko dito, halata naman na nagsabon siya dahil napakabango niya pero gusto ko lang siya asarin

"Mabilis talaga ako maligo dahil sayang ang tubig at hindi ako kagaya mo na parang nalunod na sa tagal maligo" sabi naman nito kaya nauna na akong lumabas ng bahay niya at iniwan siya dun.

 "Love!!! hintayin mo ako" sabi nito at tumakbo papalapit sakin at inakbayan ako 

" Naks! may lakad ka ata ace ah" sabi ng isang lalaki na naka upo at may hawak na kalapati

" Oo, hatid ko lang tong syota ko" sabi ni acel at hinalikan ang pisngi ko, siniko naman siya sa tagiliran

"Yun oh, ganda ng syota ah" sabi naman nito kaya nag tago ako sa likod ni acel

" Oh... akin to ah, no touch dito" sabi naman ni acel at tumango naman yung lalaki

" wag kang mag-alala, safe yang syota mo dito walang gagalaw dyan" sabi naman ng lalaki at tumango si acel at nagpaalam na aalis na kami. Nasa sasakyan kami ngayon ni acel at siya ang nag dradrive.  

" Antayin mo ako mamaya, ako maghahatid sayo pauwi" sabi nito sakin kaya napalingon ako sakanya

" 9pm na ako umuuwi, kung ihahatid mo pa ako ikaw naman walang masasakyan pauwi" sabi ko dito pero umiling lang ito 

" Basta ako maghahatid sayo, antayin mo ako mamaya" sabi nito kaya hindi na ako umangal pa dahil hindi naman ako mananalo sakanya

THE PERFECTLY FAKE GIRLFRIENDWhere stories live. Discover now