Chapter 7

0 0 0
                                    

"Vacation"

Gabbi's Pov

Halos manghina ako dahil nalaman na ng lahat bigla akong napasigaw dahil sumakit ang ulo ko bumagal ang takbo nang paligid ko at may naririnig din akong nakakabinging ingay sa tenga ko at nakikita kong nagsasalita si kuya pero hindi ko marinig

Bigla nalang may nakita akong isang batang lalaki na naka-silip sa isang butas at nakita ko rin na may van na kumidnap samin pinipilit kong gisingin yung batang lalaki pero hindi siya magising

Hinila ako ng isang babae pero kinagat nung batang lalaki ang kamay niya diko mamukhaan kung sino yung lalaki bigla akong nanginig dahil nakita kong hinahampas ako ng sinturon ng isang babae at galit na galit siya

Nabalik ako sa riyalidad ng makita ko ang babae na sinasaktan ako napa-upo ako nakita kong may binigay saking tubig si manang at dahil sa panginginig ay ininom ko

"Ok ka lang ba Gianna iha?" Tanong ni manang

"Si... Si Diana...." Hinihingal kong sabi nangunot ang noo ni kuya dahil sa sinabi ko

"Bakit anong problema kay Diana?" Tanong ni kuya at kinuwento ko sa kanya ang naalala ko ngayon lang

Yinakap ako ni Manang habang si kuya speechless dahil sa sinabi ko anong problema niya?

Kinaumagahan nagising ako at nakita ko si manang na iniimpake na ang gamit namin ngayon na pala bakasyon namin sa Boracay mabuti nalang naka-impake agad

"Nandidito naba lahat ng gamit mo Gianna?" Tanong ni manang habang tinatali ang bag sa maleta

"Opo manang nandyan na lahat" tumango siya at hinila ang maleta agad namang binuhat ng bodyguard ang maleta at sunod naman inasikaso ang kay kuya

Umakyat ako sa taas para magpalit pagbaba ko sakto paalis na kaya tumakbo ako at pumasok sa sasakyan nakita ko si kuya na may ka-text

Imbes na problemahin ko yun ay tumingin nalang ako sa labas ng bintana para kang nasa ibang bansa dahil sa mga puno dito sabi ni manang kaya daw ganito yung dahon ng mga puno dito ay dahil sa sobrang init

Parang autumn ang theme ng barangay namin makalipas ang ilang oras nakarating na kami sa airport at mabuti nalang nandidito na ang lahat

Ilang oras pa ay dumating na ang eroplano na sasakyan namin ilang oras din ang lipad nito kaya natulog nalang muna ako magkatabi kami ni Natalie nasa window seat ako

Ayaw niya kasi sa pwesto ko kaya nagpalit nalang kami pero di namin sinabi

Bigla akong nangunot dahil biglang tumahimik ang paligid minulat ko ang mga mata ko at nakita kong ako nalang mag-isa sa eroplano pumunta ako sa pinakalikod ng eroplano baka pinagtitripan nila ko lahat pero wala sila

Pupunta sana ako sa pilot pero nakita kong bukas ang pinto ng eroplano lumapit ako dun at aksidenteng mahigop ako ng hangin humawak ako sa handle ng pintuan at sinubukan isara pero bigla akong nakabitaw

Habang nahuhulog ako ay nakita ko ang eroplano na unti-unting nawawala at napapalitan puti dahil sa ulap pumikit ako ng mariin

"Mally"

Minulat ko ang mata ko dahil may tumawag sakin

'teka bakit ko nasabing ako yun wala akong ganong pangalan'

Yung pagkakatawag niya sakin may bahid ng lungkot at saya diko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon

Pagmulat ng mga mata ko puro kadiliman na ang nakikita ko sarili ko lang nakikita ko

The Destiny Between Us Where stories live. Discover now