Chapter 2

1 0 0
                                    

"Who is Marriana?"

Gavin's Pov

Yung taong nakasama ko sa warehouse ay ang nakakababata ko nadamay siya sa problema ng pamilya namin

Kasalanan yun ni Diana

Flashback....

"Happy 5th birthday Heira" masaya nilang bati

Habang ako ay nasa gilid kasama si dad at si Diana siyempre kasama si Arriane half sister ko

Tumayo ako at lumapit kay Heira at nagpapicture kahit ayoko para kay Heira gagawin ko kahit ayoko

Ang pamilya ni Heira ay top 1 sa the most richest family in the world kahit saang parte ng mundo sila ang pinakamayaman pumapangalawa kami at ang pangatlo ay ang pamilya ni Yanna

Nasa fountain kami ni Heira at inabot ko sa kanya ang regalo ko masaya siyang binuksan yun at nanlaki mata niya dahil sa kwintas

Kinuha ko yung isa at pinasuot ko rin yung isa sa kanila pair kaming dalawa

"Nakita ko yung price nito mahal toh diba? Binili mo ba toh?" Tanong niya habang nakatingin sa kwintas

Ngumiti ako dahil nagustuhan niya

"Oo binili ko yan para sayo"  nakangiti kong sabi

Tumingin siya sakin at ngumiti at yinakap ako saglit

"Uso toh ngayon diba? Pano kung isa satin mawala? Tapos may magpanggap na ako sila at ikaw sila?"

Napangiti ako sa sinabi niya ang advance mag-isip mga babae talaga

"May magnet na nakadikit sa mga pendant natin kung bumili sila nang parehas ng atin at pinagdikit hindi didikit kasi sating dalawa lang yun didikit"

Nakita ko kung pano siya namangha sa sinabi ko at ngumiti

Pagkatapos ng birthday ni Heira ay nakaramdam ako ng kakaiba kay tita hindi siya mapakali parang hindi siya yung Diana na kilala namin ni dad nag-iba na siya

Nagkaroon ng field trip ang school namin sa Palawan at kasama ang klase ni Heira

Pagdating namin sa Palawan nagcheck-in agad kami at ako lang ang walang guardian mabuti nalang mabait si uncle at pumayag siyang siya muna ang maging guardian ko

Three days lang kami dito pumunta kami sa plaza medyo maraming tao

Ang mga teachers at guardians namin ay nagkukuwentuhan habang kami ay naglalaro

"Laro tayo ng tagu-taguan"

Nagsipuntahan agad ang iba sa puwesto ni Mikhael  at hinila ako ni Heira at sumali kaming dalawa taya ni Cynthia hinila ako ulit ni Heira at nagtago sa malaking puno malayo sa kanila

Napatingin kami sa itim na van dahil biglang tumigil sa harap namin tatakbo na sana kami nang maabutan nila kami at tinakpan nang panyo ang mga ilong namin at bigla akong nanghina

Ang huling natatandaan ko ay nagwawala si Heira at pinipilit akong gisingin at nandilim ang paningin ko

Nagising ako na nakatali ang kamay ko at nakita ko si Heira na  nakatali at saktong nagising din siya napatingin kami sa lalaki dahil sa tawa nito

Nakatali ang kamay ko pero hindi ang mga paa tumayo ako at lumapit kay Heira sinubukan kong abutin ang mga kamay niya para pakawalan siya

Nagulat kami ng may sumipa sa pinto kasabay nun ang paghagulgol ni Heira at napansin kong may pasa siya sa binti niya at braso sinaktan nila si Heira

The Destiny Between Us Where stories live. Discover now