"Pwede ba sa Sabado ko na ibigay yung sakin?"
Mula sa binabasang libro ay nilingon ni Suadela ang katabing si Nea na kausap ang co-major at kaklase nilang si July. Base sa nakikita niyang papel na hawak ng huli ay nangongolekta na ito ng contribution para sa group project nila.
"Girl, wala din akong pang-abono dito. Sa Lunes na yung pasahan nito diba so by Friday or Saturday dapat napabook bind na natin," paliwanag ni July sa mababang tono. Nasa library kasi ulit sila at nag-aantay sa susunod nilang klase.
Suadela leaned over with a blue bill on her hand.
"Ay, wit lang sa sukli mo ha? Wala pang barya."
"Saming dalawa yan ni Nea."
"Ayos. Yun naman pala. Sigi sigi," si July at iniwan na sila para lapitan ang kumpulan nila Castor sa kabilang mesa.
"Thank you. Abot ko sayo sa Sabado," bulong ni Nea.
"Wala ka naman dibang klase non? si Suadela at tahimik na ibinalik ang mga mata sa librong binabasa.
"Magkikita kami ni Austin. Daan ko nalang dito."
Hindi nalang siya sumagot. Sa totoo lang extra budget niya ang pinanlibre niya dito. Ibinigay ni Hedone ng huling beses na umuwi ito. Kaya walang kaso kahit hindi na nito iyon bayaran.
"Kaklase pala natin ngayon yung poging comsci noh?"
She must be referring to Pelaez. Suadela didn't answer and continued reading.
"Nagulat kami nung pinalabas kayo ni Mam. Pero ang cute ninyong dalawa." Nea hit her arm, "May chemistry kayo, bes."
Suadela didn't bother to comment on that. Ayaw na niya pahabain ang usapan kung tungkol lang naman sa lalaki.
"Hey, punta na raw tayo sa room." Si Castor at hindi na sila hinantay sumagot at nagpauna nang lumabas.
Suadela watched as Castor left. True to his word, Castor is surely keeping his distance from Nea since that day. She never saw them talk even once. That is cool with her though.
Palabas na sila ng library nang mamataan niya si Sen sa isa sa mga mesa sa sulok ng library. May dalawang lalaking nakaupo sa harap nito na sigurado siyang sila Luan at Sil.
"Una na kayo." Si Suadela nang nasa labas na sila ng library.
"Saan ka?" kunot-noong tanong ni Castor nang makita nitong papasok ulit ng library si Suadela. Napatingin din si Vinny na katabi lang nito habang ang magkausap na Nea at Janis ay napatigil sa paglalakad at nilingon siya. Ang iba ay nauna na.
"May ibibigay lang ako sa loob," iyon lang at pumasok na ulit siya ng library. Nilapitan niya ang tatlong lalaki na seryosong nagdidiskusyon.
"Woi!" Si Sen na napaayos ng upo. Sabay naman na napalingon sakanya ang dalawang lalaki na kaharap nito. Si Luan at Sil nga. Kapwa nakamask ang dalawa.
Alanganin siyang ngumiti sa mga ito. "Yung payong mo," inabot niya ang payong ni Luan dito. Tiyak na nagkaganon ang mga ito ngayon dahil naulanan nang nagdaang Sabado.
Tahimik lang iyong tinanggap ni Luan.
Paalis na siya nang magsalita si Sen.
"Diba, classmate kayo nito?" turo nito kay Sil. "Pakibitbit na nga ito sa room niyo nang di nagka-cutting."
Tinaliman lang ito ng tingin ni Sil ngunit tumayo rin. Tinanguan lang niya si Sen bago tumalikod kasunod si Sil.
"Mag-aral ka ng mabuti, pre. Wag puro harot." Natatawang pahabol ni Sen dahilan para pagtinginan ito ng ibang estudyante dun.

BINABASA MO ANG
SUADELA | (ON-GOING)
Fiksi RemajaS U A D E L A WARNING: The following content may contain sensitive themes that is not suitable for all audiences. Please proceed with caution. _______ This story is written in Taglish. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Characters, business, pl...