NOTICE: Beware of typographical,
grammatical and punctuations error.CALIXIA
Year (1894)
Nakikita ko ang sarili kong nakaupo sa
duyan na nasa ilalim ng malaking puno,
maaliwalas ang paligid at maganda ang
tanawin.Nakatanaw lamang ako sa malayo at tila
malalim ang iniisip.Tinignan ko ang sarili ko at halos
magmukha akong ibang tao dahil sa suot
at ayos ko. Nakasuot ako ng puting bestida
na umabot na sa talampakan ko dahil sa
haba nito, mahaba ang manggas nito sa
braso ko at hapit na hapit ito sa katawan
ko, halatang halata na ang kurba ng
katawan ko.Kung tatawagin ito sa engles ay White
long sleeve vintage dress. At naka laso
ang kulot at mahaba kong itim na buhok.
Matagal kong sinuri ang kabuuan ng
hitsura ko.Hanggang sa may marinig akong baritonong
boses na nagmula sa likuran ko, tinatawag
ako sa pamilyar na pangalan ngunit alam
kong hindi naman sa akin."Lucianna..." Tawag muli ng lalaking na
sa likod ko. Alam kong ako ang tinatawag
nito dahil napansin kong dalawa lang kami
dito sa liblib at mataas na lugar kung saan
naka tanim itong malaking puno na may
nakasabit na duyan.Napalingon ako sa lalaking dumating at
napangiti ang mga labi ko nang kusa, nang masilayan ko ang maamo nitong mukha.
Matangkad ito at may perpektong hugis
ang panga, moreno at matangos ang ilong
at mapungay ang mala tsokolate nitong
mga mata.Hindi ko alam kung bakit ako ngumiti sa
lakaking nasa harap ko ngayon, tila ba may
sariling buhay ang mgalabi ko at ngumiti
na lang ito ng kusa sa kaharap ko.Kusa na namang bumukas ang mga labi ko
at tinawag ang pangalan nglalaking nasa
harap ko ngayon."Silas..." Marahang tawag ko sa pangalan
ng lalaking nasa harapan ko ngayon.Ngumiti naman ito sa akin at nagulat ako
nang yakapin ako nito ng mahigpit. Marahan
nitong hinalikan nito ang noo ko atsaka
bumitaw na sa pagkakayakap sa akin.Saglit pa nitong pinasadahan ng tingin ang
kabuuan ko atsaka ngumiti ng matamis at
nagsalita.'Napaka gwapo niya kapag ngumingiti sya'
"Napaka ganda mo, Lucianna. Tila ba
nakakita ako ng totoong diwata."
Nakangiting pahayag niya at hinawakan
ang mga kamay ko at marahan niya 'yong
pinisil."Salamat, Silas. Ngunit bakit mo ako
pinapunta dito sa ating tagpuan? May
nais kabang sabihin sa akin?" Nagtataka
kong tanong ko kay Silas. Hindi ako ang
kumokontrol sa bibig ko, kundi ang babaeng kamukha ko mismo.Nakita ko ang pangamba at lungkot sa mga
mata niya bago ito magsalita."Lucianna... nalaman ng aking ama
ang ating relasyon, kung kaya't sinabi
niya sa akin na layuan kita." Mahina
ang boses na saad niya atsaka marahang
hinawakan ang aking mukha. Nagpatuloy
siya sa kaniyang sinasabi habang ako ay
hindi ko alam kung ano ba dapat ang
maramdaman ko. "Ngunit tumutol ako
sa kagustuhan ng aking ama.""Lucianna... hindi kaya na layuan
ka, dahil mahal na mahal kita at
handa akong ipaglaban ang ating
pag-ibig kahit pa ang ibig sabihin
no'n ay kakalabanin ko mismo ang
sarili kong ama." Hindi ko aakalain
na may iibig sa akin ng ganito ka puro
at isa pang anak ng heneral.At dahil sa sinabi ni Silas sa akin ay handa
ako na ipaglaban ang aming pagmamahalan
kahit pa buhay ko ang maging kapalit. Hindi
ako natatakot na ipaglaban siya dahil tunay
ang pag-ibigan namin."Handa rin akong ipaglaban ang ating
pagmamahalan, Silas. Ngunit kilala
mo ang iyong ama, kung ano ang gusto
niyang mangyari ay gagawa siya ng
paraan paralamang matupad ang mga
bagay na gusto niyang mangyari."
Nangangamba ang boses kong saad sakanya
at pinantayan ang mga titig niya sa akin."Cali! Uy California! Este Calixia gising
na! Malalate kana sa trabaho mo bruha!"
Nagising ako sa lakas ng sigaw ni Wyn na sinamahan pa ng pangyuyogyog niya sa akin.Kahit na inaantok pa ako ay bumangon na
ako at umupo sa aking kama. Humikab ako
at kinamot ang aking ulo."Anong oras na ba?" Inaantok kong tanong
kay Wyn na nag-aayos ng kaniyang higaan
sa katabi kong kama."Bruha ka! Alas otso kwarenta'y kwatro
na! Diba alas dyes ang pasok mo sa
coffeeshop?" 'Saka pa nagising ang aking
diwa nang sabihin ni Wyn ang oras.Shocks! hindi sapat ang 3 hours! marami pa
akong kailangan gawin bago pumasok sa
trabaho!"Eh bakit hindi mo ako ginising kaninang
alas syete?" Tanong ko kay Wyn."Eh alangan namang istorbuhin ko ang
masarap mong tulog, may sinabi ka pa
ngang pangalan ng lalaki habang tulog ka!
baka may jowa kana pala ha hindi mo lang
sinasabi sakin!" Inis niyang bulyaw sa akin
habang nakapameywang pa ang bruha."Baliw ka ba? Anong pangalan ng lalaki
ang sinasabi mo?" Naalala kong may
napanaginipan ako kagabi, pero tuwing
gigising ako ay wala na akong maalala sa
mga napanaginipan ko, sigurado rin akong
pare-pareho lang ang panaginip ko."Sabi mo nga kanina habang tulog ka
'Silas' Eh sino ba 'yang silas na
'yan ha? Pati ba naman sa pagtulog
mo napapanaginipan mo siya?"
Naguguluhan ko siyang tinignan. Noong
binanggit niyaang pangalan na 'Silas' ay
parang pamilyarna sakin ang pangalan na
iyon, tila ba kilalang kilala ko ang nagmamay-
ari ng pangalang 'yon kahit hindi naman."Atsaka ngayon ko lang sasabihin ito
sayo girl, napapansin ko tuwing gigising
ako sa kalagitnaan ng gabi ay naririnig
talaga kitang nagsasalita habang tulog ka,
palagi mo rin sinasabi ang pangalan na
'Silas" Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa
sinabi niya.Possible kayang isa si 'Silas' sa mga taong napapanaginipan ko pero hindi ko lang
maalala kapag gumigising ako tuwing
umaga.Pero isa lang ang naalala ko tuwing
nagigising ako mula sa panaginip ko.
Yun ay ang senaryong Yakap ko ang
walang buhay na lalaki sa bisig ko.
Habang tumatangis ako ay may bumaril
sa akin sa panaginip na 'yon habang
hawak ko ang lalaking walang buhay sa
bisig ko. Magkasabay kaming pumanawsa
loob ng panaginip na iyon.Habang inaalala ko ang panaginip na iyon
ay pakiramdam ko sinasaksak ng patalim
ang aking dibdib sa bigat na nararamdaman
sa hindi maipaliwanag na dahilan.—To be Continued—
YOU ARE READING
See You In My Next Life
RomanceSee You In My Next Life (ONGOING) For one long centuries, two old souls waited tirelessly for each other's companionship, yearning to be together once again. In a twist of fate, these two people, who lived in a past lifetime, have been granted the...