Chapter 6: Little Convo

3.8K 58 6
                                    

Alas otso y media na noong makauwi kami ng mga pamangkin ko galing sa pag mo-mall grabe napagod talaga ako sa mga kakulitan nila. Pagdating ng bahay diretso agad ang dalawa sa mga kwarto nila upang makapagpahinga dala ng pagod sa buong araw na paglalaro kanina at pagpanood namin ng Movies ta wlang tigil na pagiikot kung saan saan.

Sinubukan ko na ring magpahinga na sa kama ko pero tatlong oras na kong pabago-bago ng posisyon upang makaidlip pero ni katiting hindi man lang ako nadalaw ng antok. Yung bumabagabag sa'kin yung weird kong imahenasyon kanina para talaga kasing nangyari na yun dati, pero hindi naman siguro yun posible na nagkagusto na sa'kin dati yung isip batang si Mico.

"Ahhh! Kung ano-ano na'ng mga iniisip ko subra na 'to! Ayo ko na talaga!" sigaw ko sa sarili ko sabay tayo ng katawan ko mula sa pagkakahiga sa kama ko.

"Hoy Mico! Bakit ba naiisip kita? G*go ka baka iniisip mo ko ha!" iritadong wika ko na matamlay na nakayakap sa aking unan, suprang hopeless na talagang madalaw pa ko ng antok ko hirap naman nito eh!

*Psssst Ate Ganda may tawag ka! Hoy Hoy Hoy madam! May tumatawag sa selpon mo!*

naagaw ang atensyon ko ng mala pang prinsesa kong ring tone, "sino naman kaya 'tong tumatawag? Number lang?" busal ko habang tinititigan ang numerong tumatawag.

"Hmmm?" agad kong bati dun sa kabilang linya, kunwari tulog na ko kaya yun lang ang entrada ko, Okey lang?

"Ah... t-tulog ka na ma'am?" tila may pan-aalinlangang tugon nung sa kabilang linya, buses iyon mula sa isang bagito.

"Ah di pa naman, sino ba 'to?" saad ko naman.

"si Mico po 'to ma'am kung di ka pa tulog pwede kang makausap?"

TOKWA?! si Rico? Paano naman nito nakuha ang number ko?

"Ma'am andyan ka pa?" muling wika nito

"Oo naman, inaantok na ko eh importante ba yan?"

"Oo naman po, Importante po talaga 'to" ramdam ko ang seryoso nang kanyang buses,

Napabuntong hininga ako sandali at unti-unting inihanda ang aking sarili sa maaring sabihin niya.

Marami rin naman akong nais iklaro, kaya naisip ko narin na ito na marahil ang tamang pagkakataon.

"Hmmm... Bata pa ako noon siguro napaka inosente ko pa noong dumating siya sa buhay ko."

Sandali niyang pinutol ang kanyang sasabihin

walang imik ni isa man sa'min.Tanging mga buntong hininga niya ang naririnig ko mula sa kabilang linya, tila kinakabahan at may pandadalawang isip.

May mga mumunting parte sa'kin na natatakot kahit na hindi rin ako sigurado sa dahilan kung bakit. Iniisip ko nalang na baka dulot ito noong mga ala-alang gumagambala sa isipan ko, mga ala-alang hindi ko tiyak kung tunay ba 'yon o gawa-gawa lang ng isip ko.

Tila may parte sa'kin ang naniniwalang minsan isa siya sa bumuo ng aking pagkatao.

"Isa rin siyang guro gaya mo. Andami niyo pong pagkakatulad"

Nanatili akong walang tugon, tila naurong ang dila ko, tila hinahayaan ko ang sarili kong mas piliin ang makinig na lamang sa mga sasabihin niya.

"Inagawan ako ng lapis noon ng mga kaklase ko, Importante sa'kin ang bagay na'yon dahil binili sa kin yun ni mama kaya pinapahalagahan ko iyon."

"Mabuti nalang at nabawi ko rin agad dahil may tumulong sa'kin upang makuha iyon. si Teacher."

"Natuwa ako dahil sinamahan niya kong umuwi ng bahay, nagtaka ako noon nang dumating ang mama ko hindi siya nagalit sa nagawa ko noong makita siya ng mama ko na nakaupo katabi ko habang pinapahiran ng cotton at gamot ang mga sugat ko. Noon umiiyak ako kapag ginagamot ni yaya ang sugat ko dahil nahahapdian ako ngunit dahil sa kanya napagtanto kong hindi pala masakit."

"Dahil mas masakit ang umalis siya sa at kalimutan niya ko"

pabulong ang naging huling mga salita niya.

Muli kong narinig ang malalim niyang buntong hininga.

"Ma'am Inaantok ka na siguro?"

"Ikaw nga kaya yung batang nasa panaginip ko?"

yun ang ninais kong itanong ngunit naunahan ako ng kaba ko. kayat hindi ko nalang iyon itinuloy.

"ah, oo" ang naging tugon ko sa kanyang tanong.

"Ah oo nga po ma'am gabe na po matulog ka na"

kasunod noon ang malamyang pagsinghot nito.

"Teka, Umiiyak ka ba?" Kasi para talagang sipon yung narinig ko.

"Hindi po, ah oo nga pala si kuya Yonnel po, Bumalik na siya"

Nanlaki ang mga mata ko noong banggitin niya ang pangalan ni Yonnel, Ang tinutukoy kong naging kababata at una kong inibig.

"Papaano mo nakilala si Yon-"

Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil naunahan na ko ng tunog ng pagbagsak niya ng telepono.

Baka nga may amats na ako, kung anu-anong naririnig ko. Imposibleng nakilala niya si Yonnel, the fact that we have just met these days. Andami na talagang nag ba-bother sa kin.

sa mga sumunod na oras tila naging daliri nalang ako ng orasan sa kakaikot ko sa kama. Gusto ko na talagang makatulog dahil andami-dami nang bagay ang mga bumabagabag sakin. Nakakapanibago! Nakakainis.

Maya-maya pa'y naisipan kong bumangon at magtungo sa kusina upang uminom ng tubig, nauhaw ako sa pag-ikot ko sa buong kama eh.

Pagkatapos kong makainum ng tubig ay agad din akong umakyat ng kwarto at sinubukang makatulog.

But after a half hour wala eh!

There's really something I'd like to know, and that something is my suspect why I can't even sleep.

At isang tao lang ang kailangan ko ngayon.

si Mico.


A 32yr Old VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon