Chapter 11: Slept with a Virgin

3.1K 54 14
                                    

 

Mico's Point of Views

Ako yung tipo ng tao na walang opisyal na pag-uugali, siguro nga marami na'ng taong nakakapansin ng pagiging ganun ko. Kaya mas pinipili ko nalang mag paka loner kesa pahirapan ko ang sarili kong mag adjust sa iisipin ng ibang tao sa'kin. Dati, iisang tao lang ang nakakatiis sa ugali ko, iyon yung babaeng madalas kong nilalapitan kapag maysama ako ng loob, may iniisip at may nais maintindihan. Yung taong madaling lapitan, at higit sa lahat madaling mahalin. Ang sabi ko pa nga noon ay baka minahal ko siya dahil sa kanyang kagandahang loob na hindi napapansin ng ibang tao. Dati kasi'y napaka lusyang niyang manamit. Hindi ko siya niminsang nakitang nag-ayos ng tama.

Subalit ngayon, ang babaeng katabi ko'y tila ibang tao na, taong mas lalong gumaganda sa bawat paglipas ng oras.

Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si ma'am, ang siyang nagpapalakas ng tibok ko ngayong gabe.

"Aminin mo na nga kasi Mico! Crush mo talaga ako e? Gumanda ba ko?" kanina pa talaga ito nangungulit hindi lang nga siguro ako ang naninibago sa pagbabagong anyo niya haha malamang pati rin siya. Kahit ang tanda na ng edad niya eh ang bata parin ng pag-iisip. 

"Hindi nga!" naiilang talaga ako sa kanya, lalo na't ang alam lang niya'y hindi  niya ko kilala noon pa. Nahihirapan talaga ako mag adjust sa kanya.

"wee? e bakit naman namumula yung pisngi mo uyyy!!!"

nagulat talaga ako sa ginawa ni ma'am bigla niya kasi akong kiniliti sa tagiliran mabuti nalang ay naka pokus ako sa pagmamaneho nitong kotse.

"Ma'am kasi hindi kita crush" seryoso ko iyong sinabi sa kanya. 

"Oo na nga hindi na nga!" tila naiinis nitong sambit.

"Kasi ang totoo.."

"Anong totoo?"

"Kasi ma'am matagal na kitang mahal" 

Pagkasabi ko noon ay kasunod ding napahinto ang kotse na minamaneho ko, dahilan upang gumawa ito ng malakas na ingay.

"bakit mo naman pinarada ang kotse sa gitna ng kalsada?" bigla niyang sambit.

Mabuti nalang at di niya narinig yung sinabi ko, baka iwasan na naman niya ko pagnagkataon. 

Pero teka nga..

"Ewan ma'am? sandali lang titgnan ko lang ang makina bakit kaya ito huminto"

Tumango tango lamang siya bilang tugon.

Lumabas kami sa kotse saka ko chineck yung makina, at sa kamalasmalasang pangyayari, nasiraan pala kami ng makina. Hindi ko alam kung anong tawag dito, pero sa tingin ko'y kailangan namin muna itong ipa ayos sa pinakamalapit na shop. Mabuti nalang at saktong may malapit palang Vulcanizing shop sa lugar na iyon. Matapos naming madala roon ay napagdisestunan nalang naming pumara ng Taxi.


"Gabe na, baka wala nang Taxi na dadaan" nakabusangot na saad ni ma'am.

"Paanu tayo makakapunta sa bahay niyan?" kunot kilay kong tugon.

Ilang oras na nga kaming nag-antay ng masasakyan subalit ni isang gulong ay walang dumaraan. 

Maya maya pa'y

"Anak ata tayo ng malas!" bulalas ni ma'am ng unti-unting bumagsak ang ulan sa kinatatayuan namin.


"Maghanap nalang muna tayo ng masisilungan"

ani ko.

"wala akong natatanaw na kahit anong cottage"

Huminga ako ng malalim saka ibinaba ang likod ko upang makasakay siya sa likuran ko.

Relaiza's Point of View

Siguro ngay natutuwa ang pagkakataong paglaruan kami, gumanda nga ako minalas naman kami, namatayan na nga kami ng makina e naulanan pa. Malas talaga namin!

Sa di ko malamang kadahilanan ay biglang yumuko sa harap ko si Mico.


"Ma'am sakay ka na" anyaya niya.

Ay naku! Masyado na kong maedad para sa ganyan! Piggy Back ride? Chaka awkward naman niyan.

"Naku naku! Wag na kaya ko na!" pag protesta ko naman.

"Paano ka?"

"Kaya ko namang tumakbo, tayo na riyan!" saad ko uli.

"Ma'am sige na oh, palakas na yung ulan"

well, ilang pagdadalawang isip bago ko pumayag sa piggy back ride na iyan ha.

Nakakatuwa dahil sa tanang buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang mag ganito. Hindi ko tuloy mapigilang tumawa kahit na nababasa na kami dahil sa ulan. Malayo layo rin ang narating namin bago kami makahanap ng masisilungan, at ang nakakatuwa pa'y isang kubo ang natagpuan namin, mabuti nalang ay kahit papaano'y may matatawag kang dingding panangga sa malamig na hangin. doon kami nagdesisyong magpahinga pansamantala hanggang sa tumila ang ulan.

"Ma'am baka bukas pa ito tumila" 

"Ha?! No No! Hindi tayo pedeng matulog dito ano!" 

"Pero po ma'am..."


Hindi ko inaasahang masusundan pa ang good vibes samin ngayong gabe, siguro dala ng pagod ay nahimatay si Mico, talagang bumagsak yung katawan niya sa kawayang sahig, buti nalang at mahina lang ang kanyang pagkakabagsak. Ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa bata -_-


Inayos ko muna ang pagkakahiga niya bago ko tinawagan ang kanyang mama Charlotte.

"O talaga? Naku nasaan na kayo ngayon?!" puno ng pag-aalalang bulalas ng babaetang sa kabilang linya matapos kong ikwento sa kanya ang buong pangyayari.


"O sige, maya maya pag tumila na ang ulan ay susunduin namin kayo riyan, ikaw na muna ang bahala sa anak ko ha?"

"paano to? Anong gagawin ko?"

"Baka giniginaw, yakapin mo nalang muna yun ang kailangan niya ngayon" anito.

Matapos ang convo namin ay agad na kong umupo sa tabi ni Mico.

"Diyos ko lord!Anong kasalanan ko? Huhuhu!"

Hinawakan ko yung suot niyang damit eh basang basa na baka ginawin siya?

Bahala na si batman!

Lakas loob kong hinubad ang kanyang t-shirt mabuti nalang talaga at may dala akong scarf naku kung hindi baka mamatay 'to sa ginaw.

Nanlaki yung mga mata ko ng tumambad sa harap ko ang hubad niyang katawan. May abs pala itong bat! At err feeling ko matitigas ang mga ito! Baka ako naman ang lagnatin nito! >,<

Kinuha ko kaagad ang scarf kot ipinatong iyon sa katawan niya. Manipis yung tila kaya kinailangan ko itong gawin.


Pumwesto ako ng paghiga sa tabi niya't niyakap ko siya ng mahigpit. Kailangan niya ang init ng katawan mula sakin. Lord sorry di ko 'to ginusto!


***


A 32yr Old VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon