Chapter One

55 4 2
                                    

"Kyra" yan ang tawag sakin ng aking mga kaibigan.

Kyra Ericka Mae D. Santana
ang tunay kong pangalan. I'm 21 years old at sa maniwala kayo't hindi I'm single since birth. I know it's rare at this generation but yun talaga ang totoo.

Well, sa pagkakaalam ko hindi naman minamadali ang pag-ibig. Siguro nga di pa talaga siya dumarating sa buhay ko.

Sabi nga ng mga magulang ko mag-aral muna bago yang lovelife lovelife na yan. At ngayon nakatapos na ako siguro naman pwede ng magka lovelife diba? Pero wala pa talaga eh, wala pa akong nakikitang nagpapatibok ng puso ko.

"Kyra may lakad kami bukas with Maxine. Tara sama ka sa amin tomorrow sa mall. Shopping tayo!" sabi ni Allen friend ko.

Nandito kami ngayon sa isang tea shop nag uusap. Nagpaplano sa birthday celebration nya next month. Akala mo magde-debut lang kasi pinaplanohan pa e hindi naman.

"What time kayo gagala bukas?" tanong ko.

"Mga 4pm siguro kasi busy dw si Max sa umaga," she said.

"Sige I'll go with you. Just text me when you've been there."

"Okay," nakangiting sagot ni Allen.
Yung ngiting may pinaplanong masama. Haha! Ewan ko sa mga kaibigan kong ito.

Naalala ko pa noon nung highschool kami. Di ko alam kung pinagtitripan lang ba nila ako ni Maxine nun kasi ang hilig nilang mang reto ng kung sino-sinong lalaki. Di naman sa choosy ako. May mga hitsura din naman yung nirereto nila pero di ko sila feel eh. Yung tipong walang spark sa first glance man lang.

"So ano na? San ba gusto mong magcelebrate ng birthday?" tanong ko ky Allen.

"Ikaw ano bang maganda sa bahay nalang o outdoor tayo?" tanong niya.

"Sa bahay niyo nalang total wala naman mga magulang mo nasa ibang bansa. Pwede tayong mag overnight kung gustuhin mo," I suggested.

"Okay...si yaya lang naman ang nandun," masayang tugon niya.

"Teka Allen okay naba kayo ni Chad?" pag-iiba ko ng topic.

"Yes nagkaayos na kami at pinatawad ko na siya," tugon nito.

"Sobrang mahal mo talaga siya nuh. Kahit ilang beses kanang niloko ay nagawa mo pa rin siyang patawarin," Tama nga sila iba talaga pag love mo ang isang tao, even you've seen the worst side of the person, you'll kept on loving them.

"Ganyan talaga Kyra pag mahal mo kasi ang isang tao you'll always see the good side of the person whom you loved. Kahit andami nyang nagawang mali ay patatawarin mo pa rin siya. Coz' lahat naman ay may pagbabago. Maiintindihan mo rin pag naranasan
mo na rin magmahal," giit pa ng kaibigan ko.

Di na ako sumagot kasi totoo naman siya siguro I can only understand her when I fell in love.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at umuwi na.

"Ano di ka makasagot? Nambabae kana naman? Umuwi ka dun sa babae mo total masaya ka naman dun kesa dito!"

Rinig kong sigaw ni mama. Abot hanggang dito sa may gate yung boses nya. Tiyak si papa naman ang sinisigawan nito.

"Bumalik lang naman ako dito at tinitiis yang bunganga mo dahil sa anak natin si Kyra," sabi ni papa.

Hindi naman sila ganyan dati ni mama na palaging nagsisigawan. Nagbago lang ang lahat magmula nung nag abroad si mama. Di kasi sang ayon si papa sa pag-alis ni mama dahil okay naman kasi ang pamumuhay namin dito. Di lang talaga kontento si mama. Baka daw di maibigay ni papa ang lahat ng pangangailangan ko sa school lalong-lalo na pag nasa college na ako. Kaya nung nag highschool ako ay nagpumilit si mama na sa ibang bansa nalang magtrabaho. Umuwi lang siya nung graduation ko sa college. Minsan lang daw siya makauwi dito sa Pinas kasi daw walang ibang mapagkakatiwalaan yung amo niya sa ibang bansa. Kaya si papa naghanap nalang siguro ng iba. Nalaman ni mama na may iba si papa nung tinawagan niya ito. Babae ang sumagot at hindi naman daw boses ko. After nun sa akin na pinapadala ni mama ang pera kaya mas lalong nagalit si papa sa kanya dahil hindi rin ito nakinig sa explanation ni papa.

Natigilan sila ng biglang pumasok ako.

"Magandang gabi po pa, ma," sabay mano ko sa kanila.

"Magandang gabi din sayo anak," sabi ni papa.

Si mama di na umimik at umakyat na sa taas kasi inaantok na raw siya. Pumasok na rin ako sa kwarto. I took a quick shower at magpapahinga na.

It's already past 1am at hindi pa rin ako makatulog. Bigla rin nagsisigawan itong mga alaga ko sa tiyan. Di pala ako kumain ng haponan. Kaya bumaba ako at pumunta sa kusina para kumain.

Binuksan ko yung ref kung may pwede bang makain kaso puro mga gulay ang nakita ko. Wala na rin kanin at ulam pagtingin ko sa lalagyan. Hindi yata dito kumain ng haponan sila mama at papa. Lumabas nalang ako ng bahay at pumunta sa 7/11. Buti nalang at may 7/11 dun sa kabilang kanto. Malapit na sana ako ng biglang may nagsalita sa kiliran ko.

That Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon