Chapter Three

8 0 0
                                    

Kay bilis dumaan ng mga araw. Isang linggo na pala ako sa trabaho ko. Buti naman at nakayanan ko. Ako pa naman ang tipo na tao na madaling magsawa sa mga bagay-bagay. Pero sabi naman ng mga magulang ko pag nasimulan mo na ang isang bagay wag ka agad susuko hanggat hindi mo ito natatapos. Bumalik na pala si mama sa ibang bansa nung nakaraang araw. Kami na naman dalawa ni papa dito sa bahay. Medyo okay na nga siguro yun kaysa naman araw-araw ko silang naririnig na nag-aaway.

It's Sunday morning kaya maaga akong gumising at magsisimba mamaya.

"Magsisimba ako later." I texted Allen.

"Kami din best magsisimba later. What time ka pupunta?" she replied.

"Mga 9am."

"Okay then. See you! May kasama nga pala kami. Siguro bet mo 'to! Hehe!" sagot naman ng kaibigan ko. Hindi pa pala sila tapos sa panrereto sa'kin. Ewan ko nalang hahayaan ko nalang sila.

Pagdating sa church ay agad ko naman nakita ang kaibigan ko kasama ang kanyang boyfriend. Patapos na ang misa nang isang pamilyar na likod ang naaninag ko. Nagsisimba din pala ang boss ko ha. I thought pati Sunday ay nagtatrabaho din ito kasi nga workaholic eh. O talagang judgmental lang ako sa kanya.

"Best, may ipapakilala nga pala kami sayo. Bestfriend to ni Chad dati nung mga highschool pa sila. Gwapo nito best! At sigurado akong bet mo 'to!" nakangiting sabi ni Allen habang nasa labas na kami ng simbahan.

Tinignan ko nalang ng masama ang kaibigan ko pati na rin ang boyfriend niya na nagngingiti. Anong akala ng mokong na to ay close na kami? Okay fine dahil boyfriend siya ng kaibigan ko!

Abala sa cellphone yung boyfriend ni Allen. Kinokontak na siguro yung nirereto nila.

"Wait girls... ah narito na pala siya. Girls this is my bestfriend Lanz." Pakilala ni Chad sa bagong dating na lalaki. Tulala nalang ako dahil di ko inaasahan na siya pala ang irereto nila. Mygosh! Di ba nila alam na boss ko ito? At oo hindi nga nila alam. Nanahimik nalang ako.

"Lanz this is Allen my girlfriend. And this is Kyra, bestfriend ni Allen." pagpapatuloy pa ni Chad. Naglahad naman ng kamay si Lanz bilang pagbigay galang. Tinanggap ko naman kahit na awkward ako kasi magkakilala naman kami.

"Oh saan na tayo ngayon? Nagugutom na ako eh." Ang takaw talaga nitong si Chad.

"Uuwi nalang ako kasi may aasikasuhin pa pala ako."

"Naku! Yan kana naman Kyra! San kaba pupunta?" si Allen na ngayon ay nakabusangot ang mukha.

"Uuwi nga kasi may aasikasuhin ako na importanteng bagay." Totoo naman talaga na may aasikasuhin ako. Marami pa akong lilinisin sa bahay lalo na sa loob ng kwarto ko. Di na kasi ako nakakapaglinis dahil sa aga ng pasok ko sa trabaho at pag-uwi naman ang pagod na ng katawan ko.

"Uuwi na daw siya. Wag niyo ng pilitin!" Hindi ko inaasahan na magsasalita si Lanz. Kaya napalingon ako sa kanya. Kitang-kita ang seryoso niyang mukha.

"Sige guys mauna na ako." Sabi ko at magsimula ng maglakad nang may nakalimutan pang sabihin. "It was nice meeting you Lanz". I said at diritsahan ng tumalikod sa kanila at naglakad palayo.

Maraming pumapasok sa isipan ko habang naglalakad. Bakit sa dinamirami ng tao sa mundo, boss ko talaga ang nireto nila sa akin? Isa pang dahilan kaya nagmamadali akong nagpaalam sa kanila dahil na-o awkward ako sa sitwasyon namin. Alam kong seryosong tao yung boss ko. Baka sisantihin ako nun!

"Uuwi kana talaga?" halos tatalon ako sa gulat ng may narinig akong nagsalita sa likuran ko. Parang kilala ko ang boses na to ah.

Paglingon ko seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha niya katulad kanina parang ang lalim ng iniisip nito kahit may kinakausap na. May problema ba to? Imposible naman kasi parang nasa kanya na lahat.

"Ah oo uuwi na ako." sagot ko habang tipid akong ngumiti. "Ikaw? Uuwi kana rin? Bakit naglalakad ka lang? Saan ba kotse mo?" di ko alam ko bakit ang dami kong tanong sa kanya. Siguro para mawala yung awkwardness kanina sa labas ng simbahan.

"Nag taxi lang ako kanina. Parang tinamad akong mag drive." simpleng sagot niya.

"Ahh ok. Sige mauna na po ako sir." tatalikuran ko na sana siya ng biglang hinablot niya yung kaliwang kamay ko at...

"Samahan mo muna akong kumain." saad nito na parang nasa opisina sila kung makapag demand sa tono ng pananalita. Napaka bossy talaga!

"Ahh sir, Sunday po ngayon."

"Boss mo pa rin naman ako diba kahit Sunday ngayon!" striktong sagot nito.

At wala na akong nagawa kung hindi ay sumama sa kanya.

Pumara siya ng taxi at dinala niya ako sa isang napaka garbong restaurant. Pagkapasok namin ay iginiya kaagad kami ng waitress doon sa pandalawahang upuan at nagbigay siya ng menu sa amin. Halos mabilaukan ako pagtingin ko sa presyo ng nasa menu. Nakakapunta naman ako sa mamahaling restaurant pero grabe naman yung price ng mga pagkain dito! Mukhang times two or three sa ordinaryong presyo! Nagsisi tuloy ako bakit ako sumama! Nagtitipid kasi ako and of course ang diet!

"Anong sayo?" tanong niya at di ko namalayan na tapos na pala siyang magbigay ng kanyang order sa waiter. Nakakahiya!

"Busog pa po ako sir. Nakapag breakfast na kasi ako kanina." totoo naman talaga na nakapag breakfast ako kanina. Sumang-ayon naman siya pero pinalapit niya yung waiter at may binulong. Di ko nalang pinansin.

Mga 30minutes siguro kaming naghintay hanggang dumating yung inorder niya. Walang imik kaming dalawa.

"Nag order din ako para sayo, magtatanghalian na kasi. Don't worry treat ko na to. Hindi ko din yan ikakaltas sa sweldo mo." sabi niya habang nag slice nung beef steak na inorder niya.

Wow ha, nabasa ba niya kung anong iniisip ko kanina? Di bale nalang sayang din naman.

"Thank you sir..." nahihiyang sagot ko at kumain na rin.

Malapit na kaming matapos kumain. Kanina ko pa sinulyapan ang mukha niya at napansin ko na parang may lungkot sa mga mata niya. Ibang-iba sa awra niya tuwing nasa opisina kami na nakikita ko halos araw-araw doon. May problema kaya siya? Okay lang kaya kung magtanong ako?

"Sir, may problema po ba kayo?" di ko na napigilan na tanong sa kanya at biglang nag-angat siya ng tingin sa akin at nagkatitigan kami. "Sorry sir, nevermind the question." agad kong sabi kasi parang kumunot yung noo niya sa tanong ko at nag-iwas nalang ako ng tingin.

"Wala akong problema." biglang sabi niya na hindi tumitingin sa akin. Tahimik nalang akong kumain. Walang nagsasalita hangga't matapos kaming kumain.

"By the way, may business trip ako for three weeks sa Baguio. I need you to arrange it dahil next month na ako pupunta." biglang salita niya ng matapos kaming kumain. Pati pa talaga dito pinag-uusapan yung work.

"Okay po. Bukas na bukas aasikasuhin ko yung itinerary niyo."

Nag nod lang siya at di na nagsalita. Tapos na kaming kumain. Siguro naman ay pwede na kaming umalis dito. O kaya ay ako. Tinawag na rin niya yung waiter kanina at nakapagbigay na ng bayad.

"Ahh sir-" di ko natapos yung sasabihin ko dahil nauna na siyang tumayo at...

"Tara na baka di mo na matatapos yung importanteng gagawin mo ngayong araw dahil sinamahan mo ako." sabi niya at kitang-kita ang sinseridad sa mata. "At.... thank you for joining me this day." dagdag pa niya na medyo nahihiya sa sinasabi.

Tulala nalang ako at nauna na siyang naglakad palabas.

That Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon