Dahil sa katakawan ko ng dis oras ng gabi muntik na akong ma hold up. Buti nalang may isang lalaki na tumulong sa akin.
Kaso di ko man lang nagawang tanungin kung ano yung pangalan nya. Sayang naman! Sige sa susunod nalang pag nagkita ulit kami. Pero paano? Paano kami magkikita? I mean paano ko siya makikilala agad e gabi na yun, di ko masyado naaninag yung hitsura nya. Hay buhay! Bahala na basta magkikita pa rin kami nun! Mamumukhaan ko pa rin siya!
Pagkauwi ko ng bahay di na naman agad ako nakatulog. Ini-imagine ko na naman yung nangyari kanina. Yung pagtulong ng lalaki sa akin. Grabeh! Para siyang action star sa isang movie. Yung mga galaw niya daig pa si Coco Martin. Naks! Siya na kaya ang Mr. Right ko? Feeling ko naman ako si Kim Chiu na may Xian Lim! Haha! Or sya na kaya ang knight 'n shining armor ko?
Sa kakaisip ko di ko nalang namalayan nakatulog na pala ako.
Ito na pala ang araw na hinihintay ko! Sa wakas after years in school makakapagtrabaho na ako. Maaga ang pasok ko ngayon sa aking trabaho. First day ko kasi ngayon so dapat magpapa impress ako sa mga ka officemates ko at boss ko. Isa akong secretary sa kilalang kompanya nitong bansa. Dahil Business Secretarial yung natapos ko. Last summer lang ako nag apply sa iba't ibang kompanya at dahil nga pinagpala naman, may tumanggap sa akin.
"Good morning! Bago ka? Ikaw yung newly hired ni Sir Lanz?" tanong ng isang babae sa akin.
"Oo ako nga. Bakit po?" tanong ko naman sa kanya. Lary Arrenz Silvenia o mas kilala bilang "Lanz" siya pala yung boss ko na di ko pa nakikita in person puro magazines at television lang. 27 years old palang daw ng naging CEO ng company nila, yan ang nababasa at naririnig ko sa mga balita. As if naman interested ako.
"Sabi kasi nya pag dumating ka na puntahan mo daw sya sa office nya," sabi naman ng babae.
"Okay. Salamat...-" at idudugtong ko sana kung anong pangalan niya kaso naunahan na niya ako.
"Mhica. Mhica Cruz. Sige mauna na ako," dugtong ng dalaga.
"Sige bye. Kyra nga pala," sabay abot ng kamay sa babae.
"Nice meeting you!" sabi ni Mhica at saka umalis na.
Ngumiti nalang siya at pinaghanap ng dalawang mata ko ang opisina ng boss namin dito. At salamat naman nakita ko agad.
Halong kaba at takot ang nararamdaman ko ng nasa labas na ako ng pinto ng office ng boss ko. Di ko pa kasi siya na meet. Kasi nung interview ko, dapat siya yung mag-i-interview for final para sa akin kaso di sya sumipot nun kasi daw may importanteng business trip sa ibang bansa. Ang sabi sabi pa naman napaka strikto daw ng boss namin kasi nag-iisang anak daw at wala raw masyadong kaibigan. Ewan ko ba kung maniniwala ako sa mga chismis!
Kakatok na sana ako ng pinto ng biglang nag ring yung phone ko!
"Hello?" agad na sagot ko kahit na unknown number yung nakalagay.
"Hello?" sagot ko pa rin kahit na wala namang sumasagot sa kabilang linya. At sa pangatlong "Hello" ko bigla naman bumukas ang pinto at...
"Oh! Hi!" sarkastikong sabi ng gwapong lalaking iniluwal ng pinto. Probably he's our boss. With his formal business suit outfit. Kahit sino naman siguro mamamangha sa taglay nitong kagwapohan. OMG! Did I said that gwapo? Allright! Gwapo naman talaga ang boss namin kung di lang siguro medyo may pagka masungit! What? Masungit? First impression palang yan Kyra, don't jump into conclusion baby. Kung anu-ano ng pumapasok sa utak ko. At ngayon tulala na ako nang di lang...
"Hey! You are the newly hired secretary of mine, right?" saad nito na nagpabalik sa isipan ko.
"Yes sir! I'm Kyra Ericka Mae D. Santana," I said. "Kyra nalang po," dagdag ko pa.
"Okay then please come in to my office at late kana!" medyo pagalit nitong sabi.
"Sorry po sir..." I apologized sabay balik ng phone sa bag ko kasi parang doon nakatingin ang boss ko kanina pa.
"Siguro naman alam mo ang rules dito sa company ko," panimula nito habang nakaupo na ngayon sa swivel chair sa loob ng office nito. "No more using of phones unless it's about business matters in the company. Sayang kasi ang binibigay namin na sweldo sa inyo kung palagi kayong humahawak or gumagamit ng mga cellphones ninyo. Unless it's kind of personal matters," pagpaliwanag nito.
"Alam ko po sir, I'm sorry..." paghingi ko ng paumanhin. "Akala ko kasi si papa yung tumatawag at nakihiram lang ng phone sa kaibigan niya at..." pagpatuloy ko pa.
"Okay, stop it! Don't be too guilty! Just do your work instead!" medyo pagalit naman na sabi nito sa kanya. Naku kung di lang talaga gwapo tong mokong nato siguro nasagot sagot ko na kanina pa at nasigawam ko na! Self control Kyra! Kaya mo yan!
First day na first day sa trabaho at oo nga ang daming trabaho! Mukha yatang di na ako magtatagal dito! First day palang ang daming pinapagawang paperworks at schedule of meetings at business trips yung boss ko! Hayy naku! Sobra talaga! Buti nalang natapos ko naman within the day kaso pagtingin ko sa relo lagpas 10pm na pala.
"Hayy salamat makakauwi na ako!" sabi ko sa'king sarili kasi ako na ang natitira dito sa office.
Nagmamadali na akong mag-ayos ng mga gamit at ng makasiguro na okay na ang lahat ay kinuha ko na ang shoulder bag ko at agad na lumabas ng opisina at pumasok sa elevator. Oh wait, wala pala akong sasakyan na dala ngayon kasi pinaayos ni papa kanina. Mag ta-taxi nalang ako, medyo may kalayuan pa pala yung bahay namin. Sana naman may taxi agad paglabas ko. Pagkabukas ng elevator ay biglang bumukas din yung elevator na nasa tapat at lumabas dun yung boss namin kasabay ng paglabas ko din.
"Hi sir, nandito pa rin pa pala kayo," medyo nahihiya kong pansin sa kanya.
"May binalikan lang kasi ako sa taas."
"Ahh. Okay sir. Mauna na ako," sabi ko at saka nagmamadali ng umalis kasi baka wala ng taxi sa oras na ito at medyo naiilang din ako.
"Hmmp..." sabay lingon ko sa nagsalita. Nasa tabi ko na pala si sir Lanz.
"May masasakyan ka paba ngayon?" seryosong tanong nito sa akin.
"Meron pa naman siguro sir," I said convincing myself.
"Kung gusto mo ihahatid na kita," saad nito.
"Naku huwag na po sir, may dadaan pa talaga ngayon sir," I insisted controlling myself of his presence near me.
"Sigurado ka? Delikado pa naman ngayon," parang may pag-aalala na sa tuno nito.
"Ah-eh nakakahiya po kasi sir sa inyo baka maabala ko pa kayo, medyo malayo-layo kasi ang sa amin," I said.
"Sumabay kana, okay lang sa'kin. Di ko rin masikmura kung may mangyaring masama sa'yo na ako ang huli mong nakasama ngayong araw dito sa opisina," saad nito at mukhang pinal na talaga at wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya sa parking lot.
BINABASA MO ANG
That Thing Called Love
DiversosLove just happen when you less expect it. Everyone deserves love and to be loved by someone.