Sa kasalukuyang panahon dito sa mundong ating ginagalawan samut-saring kaganapan ang nangyayari sa buhay ng bawat isa na kinapupulutan natin ng mahahalagang aral. Mapa sa sarili man o para sa iba lahat ay may natututunan. Ito ang mga aral na magsisilbing gabay o maaaring gamiting kasangkapan upang makausad sa buhay kahit gaano man kahirap ang sitwasyon na ating kinalalagyan. Aral na pwede rin nating gamiting instrumento para makatulong sa iba.
Sa napakaingay na lugar ng San Andres Bukid, Manila may natatangi at mumunting pamilya ang naninirahan sa isang tahanan kung saan ipinanganak ang isang batang babaeng nagngangalang Jinger na sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala ng maraming tao dahil sa itinadhanang napakahalagang misyon sa kaniyang buhay na inatas ng nag-iisang Amang tagapaglikha. Misyong makakapagpabukas sa kaisipan ng marami tungkol sa mga bagay-bagay o karanasan sa pang araw-araw na hindi natin lubos maunawaan at maipaliwanag kung bakit ito nangyayari, iba't-ibang pangyayari na sa buong pag-aakala ng lahat ay normal. Misyong pwedeng ikapahamak nino mang nanaising suongin ang buhay ng kagaya sa itinakdang napakahirap, punong-puno ng pagsubok, at kapahamakan na buhay ng isang Jinger May Gerona Arias.
Sabay-sabay nating pasukin ang mundong puno ng imahinasyon. Hayaang mabuksan ang limitasyon ng isipan at palawakin ang ating pang-unawa sa maraming bagay na hindi pa nabibigyang katuturan ng kahit na sino man. Lahat ng ito ay mabibigyan ng kasagutan sa tulong ng natatanging "mahiwalagang" (mahiwa-ga at maha-lagang) kaibigan na makikilala at makakasama ng ating bida. Kaibigang hindi pangkaraniwan ngunit mamahalin ng marami kung kaya't gugustuhin ng lahat na maangkin mapamasama man o mabuti ang hangarin.
Subaybayan natin hanggang sa pinakadulo ng kasaysayang ito na tampok ang dalawang pinagpalang nilikha na pinagkaisa ng Maykapal upang maging daan sa pagkakabuo ng dalawang lubos na hindi magkatulad ngunit hindi rin mapaghihiwalay na mundong Kanyang minamahal. Ang mundong pangkaraniwan at ang mundong pang-sobrenatural.
YOU ARE READING
Diversity
General FictionThis is a story that you haven't read before. This book depicts me.