I didn’t expect Him
Written by KissesGhellai
CHAPTER 2
Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya…
I will make her my girl …
“Classmate natin siya? Ang swerte naman natin girls.”
“Oo nga teh! Mas gwapo talaga siya in person.”
“Sana mapansin niya tayo. Hihihihi.”
“Sana ako na lang yung katabi niya. Ka-inggit naman.”
Naririnig ko yung mga classmates ko at mukhang kilalang-kilala talaga nila ako. Pati yung mga babae sa harap pinag-uusapan din ako, pero bakit itong isang to hindi man lang kinikilig na kaklase niya ako. Tssss, mukha ngang taga-bundok to. Hindi ba siya nakikinig ng music or mahilig sa sports at hindi niya ako nakikilala? Nakakapagtaka lang talaga.
Nakapag break na kami at last two subjects nalang uwian na. Pupunta ako kina Joseph para makipag-laro at tutug-tog daw kami mamayang 8pm sa may Tomas Morato. Mejo malapit lang naman dito since may kotse naman ako. Nagkaroon rin ng mga groups sa para sa subject na to and guess …
Kagroup ko lang naman yung babaeng yun. Sa wakas makakaganti na rin ako sa ginawa niya at dahil rin sa hindi niya ako kilala. Nagpakilala na kami sa bawat isa at alam ko na rin ang pangalan niya, Angelique. Hmmmmn … sounds interesting. I want to know from this Angelique.
Bigla nalang siyang nagpaalam na lumabas at sa paglabas niya, nagkaroon na kami ng botohan for leader and assistant leader. Ako ang naging leader, as expected. Tapos ng mamimili na kami para sa assistant leader, nag-aagawan na yung dalawa. Babae at lalaki. Creepy. Kasi pati ba naman lalaki nakikipag-agawan pa sa babae. Kaya naman naisipan ko nalang …
“Si Sophia ang magiging assistant leader natin.” Nalaman ko rin kasi na ayaw niyang natatawag sa name na Sophia, kaya naman eto ang itatawag ko sa kanya.This will be the start of her repay to me.
*grin*
ANGELIQUE’S POV
“Hey girls. Alam niyo bang kanina pa kayo pinag-uusapan ng mga classmate nating lalaki. Dun sa labas.” Wala daw kasi yung prof namin, kaya naman andito lang kami sa room kanya-kanyang grupo. Nahahati kami sa apat na grupo. Kami, yung grupo ng ibang girls, mga mukhang pasaway, at yung mga mejo smart looking guys. Yung sinasabi ni Raffy eh yung mga mukhang pasaway na mga lalaki.
“Pinag-uusapan nila kung sino yung mga crush nila dito sa room at included kayo mga girls.” Wala ng bago sa ganyan, usi din kasi talaga tong si Raffy ee. Pati ba naman business ng iba inaalam pa.
“Anyways… Girls let’s open a topic. Nakakabored kasi eh.” Sabi ni Anne
“Sige ako na ang mag-oopen ng topic.” Excited na sabi ni Raffy. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko sa topic niya ha?
“Ok … kamusta mga love life niyo?” Sinasabi ko na nga ba at yun yung i-oopen niyang topic. Eto talaga ang madalas na napag-uusapan ng mga kabataan ngayon lalo na kapag nagkakamustahan, lovelife ang pangunahing topics nila.
“Single ako!”
“Talaga crystal? Sa ganda mong yan single ka pa? Wala bang nanliligaw?” sabi ni Caitlyn
“Eh ikaw Anne? Kamusta love life mo?” Grabe tong si Crystal. Para hindi lang siya ang mapag-usapan eh inilipat na sa iba ang topic.
“Ako. Single din. Satisfied kasi ako sa anong meron ako ngayon ee. Saka dadating naman yan at the right time, diba Angelique?”
BINABASA MO ANG
I didn't expect Him (Revised)
Teen FictionHindi inaasahan ni Angelique na magiging magkaibigan sila ni Angelo. Super kasi sa ugali itong si Angelo, kaya naman parati silang nagkaka-asaran. Naniniwala sa kasabihan si Angelique na, "The more you hate, the more you love." Pero, magkakatotoo ka...