Chapter 3

13 0 0
                                    

CHAPTER 3

Get a partner from your group and we will have some activities.” Nasabi ko bang 6 members kami sa group? Kasi from 27 naging 28. May asungot na isa at yun si yabang, dapat talaga lima lang kami since may sobrang tatlo isinama na sa other group. Kaya three groups na may six members at two groups na may five members. Gusto ni sir five groups talaga, kahit hindi pare-pareho ang members.

Wala na ako nagawa kasi naman tong yabang na to, ako hinatak at maging partner niya. Ewan ko dito, biglang naging ‘FC’ (Feeling Close) sa akin. Akala naman niya gusto ko siyang maging ka-partner. Pinipilit ko nga si Darla na makipag-palit nalang, pero ayaw niya daw. Naku naman, ano na bang nangyari at parang tuloy-tuloy ang malas ko. Nang dahil talaga to sa yabang na to ee.

“Okay class, get a two pairs of rubberbands on my table.” Ako na ang kumuha since mejo tamad talaga tong isang to­. Ano kaya ipapagawa sa amin? Yung isang pair ng rubberbands ay naka-tie so bali apat na pirasong rubberbands. Sana ipam-pipitik nalang sa ka-partner namin para maipitik ko na to kay yabang. Hahahahaha

“Nakakuha na ba ang lahat? Kapag naging successful ang ginawa niyo, exempted kayo sa quiz next meeting. Okay ba yun?” Lahat kami sobrang natuwa, kasi exempted ka na sa quiz tapos magiging free time niyo pa yung subject ni sir. Oo nga pala, PE ang subject namin sa kanya kaya maraming activities.

Kailangan niyo lang naman ng teamwork para dito. So cooperate with your partner and ready your patience guys. Kasi kung madali kayong maiirita, hindi kayo magiging successful. So today, ‘Patience is a virtue’. I’ll give you 30 minutes.

Naka-pasok sa kamay namin yung rubber-bands at kailangan niyo lang mapag-hiwalay ang mga kamay niyo, pero dapat hindi matatanggal ang mga rubber bands kahit na nagkahiwalay na kayo. Naka-iintersect kasi ang mga kamay ng bawat isa. Well pano ko ba i-eexplain ??? Author ikaw na nga lang nahihirapan ako ipa-visualize sa kanila ee. Okay, nice talking author. Oh sige eto nalang, i-imagine niyo na nakaposas kayo pero ang gamit ay rubber band, dalawa kayo ng partner mo na nakaganito tapos naka-pasok ito in between sa partner niyo. Saka kailangan hindi maalis sa kamay niyo yung mga rubberbands. Gets niyo na ??? Kaya naman super hirap kung anong gagawin para lang mapag-hiwalay niyo ang sarili niyo.

“OMG, ang hirap naman nito.”

“We have to do this for next week.”

“Exempted for next week !!! That’s great, hey partner let’s do this.”

Murmurs … murmurs …

Sige kayo na excited kasi naman tong ka-partner ko, mukhang hindi kami exempted for next week. Ajujujujuju T3T

Well, kailangan maging positive para naman matapos to. Patience is a must. Naku magiging mabait na ako sa yabang na to kapag nagawa namin to.

“Kaya natin to. Aja!” Sabi ko sa kanya ng full of determination.

“Ayoko rin mag-quiz next week noh. Basta maging masunurin ka lang at gawin mo lahat ng sasabihin ko.” Naku, eto nanaman siya. Ang yabang yabang talaga. Sana lang talaga matapos namin to.

“Last five minutes guys.” Naku konting-konti nalang at matatapos na namin. Konting pasensya nalang talaga sa yabang na to, magiging exempted ako next week.

Konti nalang ..

Konti nalang talaga ..

Eto na talaga, konti nalang ..

Konting-konti nalang promise ..

---------

“Ahhh … kaya pala. Akala ko kasi totoong may boyfriend ka na, hindi ka naman kasi nagkwento sakin ee.” Andito kami ngayon sa bahay ko ni Crystal since wala kaming pasok. Naisipan niyang pumunta kasi sa bagong lipat nga daw kami.

“Saka alam mo namang hindi ako magbo-boyfriend ng ganun-ganun lang diba? Saka yung sinasabi kong boyfriend eh kaibigan ko lang sa clan yun.”

“Naku be, umalis ka na kaya jan sa clan mo na yan. Wala rin naman mangyayari jan ee. Ma-iba tayo, kamusta na pala kayo ni Christian? Balita ko ligtas daw kayo sa consequence ni sir ha?”

“Oo be, naisipan ko na rin naman ng umalis dun sa clan. Pero marami na rin kasi akong naging kaibigan dun kahit sa text lang pero siyempre alam ko naman limitations ko, since hanggang sa text lang kami nagkaka-usap. At saka dun kay yabang … Mmmm … wala ganun pa din naman siya, mayabang pa din. Oo nga ee buti nalang at hindi natuloy yung consequence ni sir. I’m so relieve nung makatanggap akong text kay sir na hindi na daw matutuloy kasi nagkaron daw ng emergency. Sinabi niya rin na sayang daw kasi exciting daw yung consequence na gagawin niya sana.”

“Nanliligaw ba sa’yo si Mr. President?”

-__-

>__>

O__o ???

O_____________O !!!!

“NANLILIGAW?!!! Bakit naman niya ako liligawan? Saka hindi ako magpapaligaw dun noh. Ang yabang-yabang, ang presko pa.”

“Oy, hindi naman ha? Sa katunayan nga ang gwapo niya, magaling tumugtog ng gitara, maganda ang boses, magaling sa iba’t-ibang sports, ang cool pa. Hmmmm, ano pa ba? President pa natin siya.” ^__^

Asus ayan nanaman siya sa pagpapatasya niya.

“Di mo ba siya nakikilala? Siya lang naman ang nag-iisang anak nila Josephine Delos Reyes at Gabriel Delos Reyes. Ano kilala mo na ba?”

“Si Josephine Delos Reyes yung sikat na ballerina sa buong mundo at si Gabriel Delos Reyes yung sikat na leader ng banda nung mga bata pa tayo? Hindi nga? Anak nila si yabang? Para namang hindi.” -_____-

“Ano ka ba? Hindi ka ba nanonood ng tv? Lumabas na siya sa tv at pinakilala siya nun mga 1st year high school pa tayo. Saka sikat siya sa paglalaro ng basketball.”

“Kain nalang tayo sa baba. Magluluto ako ng paborito nating carbonara. Yung maraming-maraming cheese. Halika na baba na tayo.”

“Oh sige-sige halika na. Nagugutom na din ako ee.” \(^____^)/ Sinasabi ko na nga basta pagkain ang isang to.

“Magkakaroon pala mamayang gabi ng ‘Battle of the Bands’ tapos kasama yung Syntax Error tapos marami pang ibang rock bands ang kasali. Sponsor to para sa freshmen.” Ang saya naman nun, parang free concert at mamayang gabi na at hindi lang basta-basta yung mga pupunta. Most of them were quite popular sa music industry, pero meron pa ring mga band na bago.

“KYAAAAAAAAAAH !!! Talaga bang dadating yung bandang Syntax Error mamaya? Nakooooooo !!!!!! Nakaka-excite naman. Pwede bang hindi nalang pumasok para abangan sila mamaya? Ahhhhhh na-eexcite na talaga ako.” Sigaw ni Raffy sa loob ng room. Buti nalang at puro walang klase ang mga katabi naming room kasi halos lahat puro freshmen. Kaya walang klase.

[A/N: Para sa hindi po nakakaalam sa Syntax Error, paki basa po yung story ni ate Denny or si Haveyouseenthisgirl na Voiceless. Surely you will love this story. Dun niyo malalaman kung sino ang Syntax Error and their members. Ate Denny pahiram po saglit yung Syntax Error ha? Thank you po.]

Makapag-promote lang si author ng story ng iba oh. Well maganda naman talaga yung mga story ni Haveyouseenthisgirl. Mag-eenjoy talaga kayo. ^_______^

“Ano ka ba Raffy wag ka nga masyadong excited jan. Saktong mag-uumpisa naman yun after our class eh. Saka for sure hindi naman agad-agad mag-istart yun. Kaya wag ka masyadong excited jan Raffy. Mag-concentrate muna tayo sa academics natin and after that yung Battle of the Bands na.” Sabi ni Anne na feeling ko excited rin naman siya. Mahilig kasi yan sa mga battle of the bands eh.

Kilala ko rin naman ang Syntax Error at masasabi ko talaga na sikat na sikat sila. Ang kyu-cute pa ng mga members nila pero ang gustong-gusto ko talaga sa kanila eh si Corrine yung drummer nila. Ang astig kasi, isang babae drummer ng famous band. COOL !!! Kaso hindi talaga ako masyadong mahilig sa mga rock bands except sa Syntax Error dahil na rin kay Corrine. Maiingay kasi yung mga bandang naririnig ko kaya naman ayoko ng rock bands.

“Pwede ka ba yayain manuod ng Battle of the bands?”

to be continued ...

Leave po kayo ng mga comments niyo, sige nap o. Hehehe, gusto ko lang malaman yung mga opinions niyo kahit hindi po maganda okay lang po. Sana nagustuhan niyo yung chapter na ito. Saka vote niyo rin po ha? Lalo na kapag nagustuhan niyo. Thank you ^-^

I didn't expect Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon