Chapter 3.2

18 0 0
                                    

Chapter 3.2

CHRISTIAN’S POV

Pupuntahan ko sana sila Sophia para yayain na manood ng Battle of the bands mamaya, maganda kasi ang mga maglalaban. Dadating rin ang sikat na sikat na bandang Syntax Error, guest lang sila doon siguro para mas marami rin ang manood sa gaganaping event mamaya. Balita ko kasi, gusto ng grupo nila Sophia yung bandang yun kaya naman naisipan kong ayain na rin sila para naman may kasama rin akong manuod, tinatamad pa kasi akong umuwi ng bahay at lalong-lalo na gusto ko rin makita si Sophia. Nakakamiss kasi asarin ang babae na yun, ang cute-cute niya. Teka wala akong gusto sa kanya ha? Pero aaminin ko ang cute niya lalo na kapag tumatawa siya. Haaaay ano ba tong sinasabi ko. Teka maaya na nga sila.

Naunahan na ata ako. Teka sino ba yung nag-aaya sa kanila? Tsk kailangan ako ang mang-aya kay Sophia.

“Sandali !!! P-pwede ka ba yayain manuod ng Battle of the bands?”

Sayang naman at naunahan ako. Epal talaga yung lalaking yun, hindi ko na tuloy maasar tong si Sophia ng dahil sa kanya. Hindi ko alam pero ramdam ko kaagaw ko siya sa atensyon ni Sophia. Mabuti pang sundan ko nalang sila para naman kahit papano eh mabantayan ko rin yung mga yun lalo na puro babae sila kahit na kasama nila si Raffy at Nathaniel. Marami pa namang outsider na pupunta sa event at baka magkagulo.

-+- sa oval -+-

Sobrang daming tao lalo na sa bandang unahan at gitna,  pero sadyang ang dami talagang tao. Buti nalang kahit papano nasusundan ko pa rin sila Sophia ng tingin, kasi marami ring mga lalaki baka pag-tripan sila ng mga to. Kasi naman bakit ba ang gaganda ng magbabarkada na to? Tsk :/

(Now Playing: Pangarap lang kita by Parokya ni Edgar)

♪♫Mabuti pa sa lotto...

May pag-asang manalo...

Di tulad sayo... impossible... ♪♫

Ang ganda ng tugtog ngayon, pero natatawa ako sa gustong ipahiwatig ng kanta. Ewan ko pero gusto ko parati akong malapit kay Sophia, sadyang parang may humahatak sa akin papalapit sa kanya. Nakakatawa kasi parang gusto kong makilala pa ng maagi si Sophia.

*gulo ng buhok*

Tsk. Ano ba tong sinasabi ko, hindi pa nga siya nakakabayad sa kasalanan niya eh. Teka asan nap ala sila?

♪♫ Prinsesa ka... ako'y dukha

Sa TV lang naman kasi may mangyayari ♪♫

Asan na ba sila? Sina Raffy at Anne kasi nagpunta sa harap tapos si Crystal may pinuntahan saglit. Kaya ang kasama ngayon ni Sophia ay si Nathaniel. Naku naman, asan na kaya sila.

 “Leon mag-paalam na tayo kina …” Nakarinig ako ng pamilyar na boses, paniguradong si Sophia yun. Pero wala si Nathaniel sa tabi niya, asan na kaya ang lalaking yun. Grabe ang daming tao, mejo nagkakabalyahan na kasi naman masyadong mga patay na patay sa Syntax Error.

Hinanap ko kaagad si Sophia at nung nakita ko siya, hirap na hirap siya na para bang may nararamdaman siyang hindi maganda at sobrang nasisik-sik na siya. Binabalya ko na yung mga tao sa harap ko para mapuntahan si Sophia, nag-aalala ako sa itsura niya. Nakahawak siya sa dibdib niya at yung isang kamay niya para hawiin ang mga tao na nakakabunggo sa kanya.

♪♫ At kahit mahal kita... wala akong magagawa

Tanggap ko 'to aking sinta...

Pangrap lang kita... ♪♫

Nang makita ko siya, agad-agad ko siyang hinatak papunta sa akin para naman hindi na siya mabunggo ng ibang tao dahil sa sobrang siksikan na. Kinakapos ng hininga si Sophia, natatakot ako na baka anong mangyaring masama sa kanya at bago pa man kami makalayo sa doon ay bigla nalang nawalan ng malay si Sophia. Sobra na akong natataranta at hindi ko alam ang gagawin ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I didn't expect Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon