Eighteen

26 1 0
                                    

Eighteen

We successfully wrap up that rescue mission—with Keisha being wounded. I feel like I failed my duty to protect her when I saw how unconscious she was in a hospital. But when I saw that she's slowly recovering from it, natuwa ang puso ko.

We stayed in their mansion in Masbate. Hindi ko alam na may ganito rin pala sila katulad ng kila Ryker. Para akong binabalik sa nakaraan, how I trained him back then. How we were in our teenage years, how my life at that time.

Punong-puno ang labas ng bodyguard, Asha gave me a beer na mabilis kong binuksan.

"She's awake." Balita niya sa akin.

Tipid lang akong ngumiti at uminom ang beer na binigay niya.

May sampung bodyguard na nakapalibot sa buong mansion, me and Asha are assigned inside to report everything about her improvements. Wala ring focus si Sergeant Lennox dahil sa sobra-sobrang pag-aalala. Kabilaan ang mga reports na kailangan niyang isubmit sa kabila ng lahat. Nahuli ang kanyang ama dahil sa pakikipag-ugnayan sa mga terorista.

Mauubos na namin ang beer ng nilapitan kami ni Sir Akhiro—Keisha's father.

"You two should sleep now, magpahinga na kayo." Utos niya sa amin. Nagkatinginan pa kami ni Asha nago nagbigay ng salute at sinunod ang gusto niya.

Pumasok kami sa kuwarto namin sa mansion. It's a simple room with a double deck bed. Ako ang umuukupa ng baba habang si Asha naman ang nasa taas.

Halos tatlong araw kaming walang matinong tulog dahil sa nangyari. Kaya ngayon pa lang talaga kami magpapahinga.

Naunang maligo si Asha na sinundan ko agad. I wore my usual clothes when I'm sleeping, an oversize shirt and cycling shorts. Tahimik na akong nakahiga sa kama habang basang-basa pa ang buhok. Maybe the alcohol finally gives me peace on all the tiring days. Hinihila na ako ng antok at pagod sa lahat, when suddenly Asha started a conversation dahilan kung bakit nabitin sa ere ang antok ko.

"Now that Sergeant Lennox are here, do you think we can still serve Keisha?" Tanong niya sa gitna ng aming gabi.

"Hindi ko alam, Asha."

"Gusto ko pa naman si Mam Keisha, ang dami kong natutunan sa kaniya in terms of close combat. Tama nga ang sinabi nila, she's well trained. Mga batikang officer ba naman ang nag-train." Inantok akong ngumiti dahil sa sinabi niya.

"I have this feeling na ma-aasign na naman tayo sa iba."

Suminghap ako at pinikit na ang mga mata.

"Matulog na tayo Asha, we still have a long day tomorrow. Kahit naman i-assign tayo sa iba, Del-Via pa rin ang bagsak nating dalawa." Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at nagtalukbong na rin ng kumot.

"Oo nga naman, goodnight Jhanna."

"Goodnight."

****

Hindi nga ako nagkamali, after Keisha recovered from her wounds, pinatawag na kami ni Sir Ian with Sergeant Lennox, they informed us that they will be assigning us to Ryker Del-Via. Gusto kong umalma at kausapin si Keisha about dito—but I know, the way they looked at me, hinding-hindi na nila ako papayag NA ma-assign sa iba. I don't know, but there's something about the way they looked at me, parang may alam sila sa aming dalawa at hindi na katakataka. Nasa iisang angkan lang kaming dalawa, for sure ang mga matatagal ng bodyguard like Ate Jhina knew about us at napaka-imposibleng hindi umabot 'yon sa kanila.

Malalim na paghinga ang pinakawalan ko habang nakikita ko siya sa harapan ko.

Hindi nagtagal pareho kaming natigilan ni Asha ng maramdaman ko si Ryker sa tabi ko. Itinuko niya ang kanyang dalawang kamay sa railing ng 2nd floor at makahulugan akong tiningnan.

Broken Heirs - Del Via Clan SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon