Twenty Seven

24 1 0
                                    

Twenty Seven

A week passed like a wind, normal ang lahat sa amin, in his house or even in his office. Pero sa tuwing nag-krus sila noong Damon, there's just something about that man that I'm not comfortable with. Halatang off rin naman sa kaniya si Ryker kaya isinawalang bahala ko na lang, at least he knew that, that man was not good for him, he's aware of it.

Tahimik akong sumandal sa glasswall ng veranda habang sinasakop na ng gabi ang kalangitan. I had my beer in my hand as I saw how Ryker effortlessly came down from his veranda. Suminghap ako ng tumayo siya sa harap ko at sumandal sa railing, mabilis na dumapo ang mga mata niya sa beer na hawak ko.

"You're drinking?" gulat na tanong niya. I pursed my lips, parang malaking kasalanan sa kaniya ang makita akong may hawak na alak.

"Yeah, to calm my thoughts." sagot ko at uminom na lang ng beer.



"Why? Ano ba ang iniisip mo?" tanong niya.

Nagtama ang mga mata namin. I bit my lips and looked somewhere else. I know a bit about what happened to him after his mother died. Nag-aaral pa lang ako, nabalitaan ko na ang nangyari kay Mam Beatrize, kasabay ng pagkawala niya ay ang pagluluksa namin ni Lola sa lahat. Hindi ko na rin gaano inisip si Ryker noong mga panahong 'yon dahil sa delubyo na nangyari sa aking pamilya. And when I enter the organization, nagkaroon ulit ako ng information about sa kaniya pero pilit kong inilalayo ang sarili kong makibalita, I only know that his father Sir Rylo got remarried, but I don't know what their family dynamics right now. Bibihira ko lang rin makita sila Sir Rylo at ang bago nitong asawa, kahit angsi Damon na stepbrother niya sa mga gatherings ng Del-Via or baka kasi hindi naman talaga part si Sir Rylo no'n since si Mam Beatrize and Del-Via sa kanila.


"Nothing, just some random thoughts," sagot ko. Bigla kong naalala na malapit na pala ang leave ko at hindi pa ako nakapag-paalam sa kaniya. Sa susunod na araw na lang...siguro.


Unti-unti siyang humakbang palapit sa akin at tumabi. Dahan-dahan niyang kinuha sa kamay ko ang beer at ininom. Inabot niya ulit sa akin ang beer kaya ako na lang ang umubos no'n. Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang tahimik na village ng bahay niya.

"Simula ba noong dumating ka rito, dito ka na tumira?" kuryusong tanong ko sa kaniya. Sandali siyang nag-isip bago ako sagutin.


"What do you mean by that?" he asked.


"I mean, noong dumating ka galing ibang bansa, dito ka na ba agad tumira?"

"Uhm," dahan-dahan niyang hinimlay ang kaniyang kamay sa aking bewang.

"Yes, why?" malambing niyang sabi. Tumango ako.



"Nothing, I'm just curious."



Marahan niya akong dinala sa harap niya, he's still leaning on the railing while I am now in front of him. Ang mga kamay niya ay nasa likod ko na at kino-corner ako upang titigan siya.

"Curious about?" Nakaangat na ang tingin ko sa kanya.



"Your life." may kung ano sa sinabi ko ang nagpatigil sa kaniya. The way he looked at me, felt like he's been waiting for me to ask him this.


"I'm curious about you, what's your opinion about your Dad? Your stepmother? Your stepbrother?" Are they good? May problema ba sa kanila?" Tuloy-tuloy na tanong ko. Ang gaan ng titig niya sa akin na wari'y may ginawa na naman ako para mahulog siya. I groaned when I saw how he suppressed his feelings and looked at my lips. Unti-unting naglakbay ang kamay niya patungo sa aking leeg at marahang hinaplos ang aking panga.

He smiled more when I gently looked at him. "Hindi ko alam na sumasagi rin pala ako sa isip mo, God, Jhanna!" he said frustratingly while he was tracing my face.

Broken Heirs - Del Via Clan SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon