Thirty Two

18 1 0
                                    

Thirty Two

"Inaayos ko lang po ang puwesto niyo, Senorito." Palusot ko sa kaniya. Akala ko magsasalita pa siya ngunit dinala niya lang ang sarili niya sa gitna ng kama, dahilan kung bakit hindi ko na nakuha ang phone. I sighed.

"Turn off the light," utos niya bago tuluyang hinila ng gabi dahil sa kalasingan.

It's almost 11 o'clock pm when I go outside of his room. Tahimik na sa buong second floor. I look at every corner of this floor, walang camera. Maingat ang hakbang ko sa kuwarto ng nurse na pinaglabasan kanina. I listen to their door at wala akong narinig kung hindi katahimikan. Something is bothering me about this room. Nang may marinig na kaluskos, maagap na ang mga paa kong umalis sa buong floor at bumaba sa quarters upang magpahinga.

Kinabukasan, maaga ako ginising nila Ate Virgie. Maaga pa lang ng mapansin ko ang pagiging abala nila sa kusina. 7 o'clock when I saw Gretta walk down to her room. Kumakanta pa siya habang bumaba ng hagdan.

"Tell Lina that I want my coffee," utos niya sa amin.

Agad lumabas ang mayordoma at sinunod ang utos niya. Pinanood ko kung paano siya umupo sa kabisera ng mahabang mesa habang parang sumasamba sa kaniya ang lahat ng nandito.

"Si Damon? Hindi pa ba gising?" tanong niya sa aming mayordoma habang umiinom na ng kape.


"Hindi pa po, Mam." umiling na lang siya at dinampot ang d'yaryo na nakalatag sa tabi ng mesa niya.

Sinipat ako ng tingin ng mayordoma at ininguso ang itaas, mukhang pinapaakyat na niya ako upang abangan si Damon sa labas ng kuwarto. Napaka-entitled naman ng mag-inang 'to, kailangan talaga bawat kilos may naka-antabay? Daig pa ang lumpo.


Sinunod ko ang utos niya, umakyat ako sa itaas at nang mapansing walang bakas ng tao sa buong 2nd floor, naging mapagmatiyag ang mga mata ko. And then sa tapat ng kuwarto ni Damon, nakabukas ang isa pang kuwarto. Mabilis ang mga mata kong lumingon sa paligid at nang makitang walang bakas ng kahit sinong tao–mabilis ang hakbang kong pumasok sa loob.

I smirked when I realized that it's Gretta's room.

Kinuha ko ang hidden camera sa aking bulsa at naghanap ng magandang puwesto. I installed it in between the bookshelves, nakaharap sa buong kuwarto. Maliit lang ang camera at hindi pansinin.

Sunod kong kinuha sa aking bulsa ang voice recorder at mabilis na dinikit sa ilalim ng kaniyang kama. Saktong paglabas ko ay ang pagbukas naman ng kuwarto ng Senorito.

Damang-dama ko ang tagaktak ng pawis sa aking noo habang binabati siya. Muntik na ako doon!

"Good morning," bati ko sa kaniya. Akala ko lalagpasan niya na ako ngunit natigilan ako nang bigla siyang huminto sa harap ko at tinitigan ako ng maigi.

"New maid?" tanong niya sa akin, napalunok ako at tumango. Igting ang panga kong yumuko, hindi naman siguro niya ako natatandaan 'di ba? After all, sinipa ko lang naman siya noon.

Para akong pinagpapawisan ng malagkit habang napapansin ko na ang hakbang niya pababa and he stopped again midway and looked at me again. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng maramdaman ko ang paghakbang pabalik sa akin.

He leaned to look at me carefully.



"You look familiar, nagkita na ba tayo?" dumoble ang tibok ng puso ko at marahang umiling sa sinabi niya.

"First time ko lang po kayo nakita S–Sir, I mean Señorito," nauutal na sagot ko.

"Are you sure?" tanong niya ulit, halatang inaanalisa ako.

"Yes, Señorito." His evil curiosity didn't fade as he go downstair, kitang-kita ko kung paano niya ako tiningnan habang kumakain siya. Hindi ko alam kung naalala na ba niya ako o sadyang kuryuso lang siya kung saan niya ako nakita.

Broken Heirs - Del Via Clan SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon