Chapter 03

5 1 0
                                    

"Number card please?" Tanong ng abala sa computer.

"Ahh wala po eh. Nagsend lang po kase ako ng email." Pagsabi ko

Tumaas ang kilay nito at nagtataka sa sinabi ko. Wait ano ba? Mali ba? Baka maling website yun ha at scam ang nakakontrata ko.

"Miss hinde kami nagpapaemail dito. Kami ang nagmemessage thru number hinde email." Malditang sabi nito

"Nakalagay po kase sa website niyo na iemail kung interested eh so I did that." Sabi ko

Lalong nainis yung babae kaya tinaasan ko ito ng kilay. Akala mo Ikaw lang maldita dito? Heh! Retired maldita ako noh!

"Name?"

"Valerie Chelle Solace."

"Just a minute." Singhal niya at umalis.
Maya maya ay bumalik din naman siya at may dalang white folder at  ibinigay sa akin yun.

"Go to the 3rd office ikaw na yung iinterviewhin" walang emosyong sabi nito. Nagpasalamat na ako at dumeretso sa 3rd office.

Nandito ako ngayon sa E models. Sakto lang ang laki nito bale hanggang 3rd floor lang. Tapos madaming office.

Kumatok muna ako sa pinto bago ako pumasok. Umupo ako sa couch dahil wala namang tao kaya inantay ko na lang.

"Sorry I'm late Ms. Solace." Sabi nung lalake na may pamilyar na boses

Lumingon ako sa kanya at laking gulat ko na siya yung nasa hospital. Siya yung tumulong sakin na nakakainis.

"Oh.. Hi!" Bati niya na may kasamang ngiti.

Inirapan ko siya at umupo na. Bakit siya nandito? Siya ba yung manager? Or siya yung nakaassign? Akala ko ba anak ng doctor yan bakit andito sa modelling?

Umupo siya sa swivel chair niya at may kinuhang dalawang document.

"Well first things first why did you apply to be our model?" Seryosong tanong niya

"For money." Deretso kong sagot.

Kita ko ang pagkagulat niya sa sagot ko na hinde niya inaasahan. Ano ba sa tingin niya? Nagapply ako mag model para sumikat? No way. Gusto ko lang ng pera para sa tuition at needs ko noh.

"Other than that? Alam kong pera talaga ang gusto niyo pero hinde niyo ba gusto ipursue ang modelling?" Tanong nito

"No. I just need money for my expenses that's why nag apply ako. If ayaw niyo I'll go now." Saad ko

Bahagya siyang natawa sakin at binuklat na ang documents.

"Here sign this. You're hired to be our model." He said smirking.

"Good. Email me na lang po sir." Seryosong sabi ko sabay pirma sa mga documents.

Aalis na sana ako ng pigilan niya ako.

"Kumain ka na?" Tanong nito

Tumaas ang kilay ko at kinukwestiyon ang tanong niyang yun.

"Right sorry. Ms.Valerie Chelle Solace kumain ka na ba?" Tanong niyang ulit

Lalong napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Full name yan? Teka pano niya nalaman? Ay! Oo nga pala nag email ako.

"Bakit sir papakainin niyo ba ako?" Sarsiskong sabi ko.

"Why not?" Natatawang sabi niya.

Kupal.

"Yes. Kumain na ako sir well if you mind may I go now?" Saad ko

Tumango na lamang siya at umalis na ako. Dumeretso ako sa parking at nag drive na paalis. Dumaan pa ako sa Starbucks para bumili ng java chip ko.

Kinuha ko ang phone ko para I check ang email ko.

echavezcaleb@gmail.com: I already organized your meeting with your manager:)

valeriesolace@gmail.com: thanks.

********************
"Bitch! Ano sa tingin mo hahayaan ko yun?!" Sigaw ni vina mula sa gilid.

Napaharap ako at nakita ko siyang nakikipagsagutan sa isang babae na nakasuot ng archi uniform.

"So?" Taas kilay na sabi nung babae

"So panget mo!" Rebat ni vina sabay sabunot sa babae.

Nagsabunutan pa sila at gumawa na nga ng eksena at iilan sa mga estudyante ay nakatingin na. Ang iba'y nagvivideo pa.

Pumagitna na ako sa kanila at hinatak ang buhok ni vina.

"Tangina bitawan mo ako chelle!" Inis na sabi niya

"Heh! You deserve it! You whore!" Saad nung babae sabay alis.

"Tanginamong gago ka!" Sigaw ni vina sabay habol dun at hila sa buhok nung babae. Natumba yung babae at kinaladkad ni vina yun.

Pakshet. Hinde toh maganda.

"Vina tama na!" Saad ko

"What is happening here?!" Sigaw ni prof vein.

Patay.

"Go to your respective class now! And Ms Mendoza,Ms, Sanchez,Ms Solace to my office! Explain yourselves!" Galit na sigaw ni prof.

Nasa office na kami ni prof vein. Sinabi ko sa kanya na pinipigilan ko yung dalawa kaya labas na ako dun. Si vina ang inaalala ko. Baka ma expel siya sa ginawa niya.

"It's personal prof. She just attacked me." Pagsabi nung babae.

"Ay tang-"

"Words Ms Sanchez." Saad ni prof vein.

"Tanging. Bwiset kang babae ka eh noh ikaw nga tong nauna. Kinakalat mo na ako yung nasa porn video!" Inis na sabi ni vina.

Nagulat kaming pareho ni prof vein  at napayuko naman yung babae kaya alam na agad ni prof vein ang gagawin. Suspended yung babae samantalang si vina penalty lang.

"Here oh" abot ko nung water at bread kay vina. Nasa field kami ngayon. Para mahimasmasan tong si  vina.

"Tangina nun. Kinakalat na ako yung nasa video. Bakla! Conservative ako noh!" Saad nito

"Why niya ginawa yun? Baka may reason? Kaaway mo na ba siya dati?" Sunod sunod na tanong ko.

"Chelle kung kaaway ko edi sana matagal ko ng sinabi sayo noh. Jusko talaga nun! Inggit lang yun kase ako yung pinopormahan nung ex niya sorry lang." Saad nito na natatawa

"Oo na ikaw na." Natatawang sabi ko.

"Shangapala yung work mo? Diba galing ka dun for interview? anong nangyare? okay ba daw?"

"Okay naman pero yung nagaasikaso sakin yung ano eh you know yung-"

"Wow! Gago shet! Kaninong sasakyan yun?!" Napatayo sa tuwa si vina ng makita ang kotse na Ferrari.

"I don't know maybe sa mga spoiled." Saad ko

Halata namang spoiled yung may ari ng Ferrari na Yan. College pa lang may ganyan na. Sana all. Nahiya Yung Fortuner ko.

"Oh my god! Chelle tumayo ka diyan dali! Ang pogi ng bumaba sa Ferrari!" Malanditay na sabi ni vina

Bumaba dun yung lalake na nakasuot  ng beige pants at white Ralph Lauren polo shirt. Meron din itong apple watch tapos naka Balenciaga shoes.

Hanep pa cool kid.

"Ang pogi! Sino yan? Ngayon ko lang nakita dito ah! Baka transferee!" Nakangiting sabi ni vina

Umupo na lang ako ulit at nagcellphone. Nabitawan ko ang phone ko ng alugin ako ni vina.

"Che- che- chelle si kuyang pogi papunta satin!" Utal utal na sabi ni vina

Pinulot ko ang phone ko at pagtayo ko ay nasa harapan ko na yung poging sinasabi ni vina. Si vina naman ay nasa gilid nito at nakangiti rito.

"Ms Solace."

__________________________________________________________________________________________________________________

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Between (Ongoing)Where stories live. Discover now