Chapter 1 | Dominic's plight

38 5 5
                                    

TW: words such as profanity may not be censored.

-----
Third person's POV








(Flashback)

"Tita? Saan nyo po dadalhin kapatid ko? Bakit naka impake mga gamit nya?" Pagtatanong ni Yvan sa tita nyang hawak hawak ngayon sa braso si Rel.













Kitang kita sa mukha ng batang si Dominic ang takot.







"Tita, sagutin nyo po ako! Saan nyo dadalhin tong kapatid ko?" Pangungulit na tanong ni Yvan sa tita nyang ngayo'y nainis sa kanyang pagtatanong.














"Aba? Nagawa mo pang magtanong? Hindi pa ba halata na kunsumido kami ng tito nyo na alagaan kayo? Gipit na gipit kami! Ngayon, para masagot yang tanong mo, ipapadala ko tong pabigat mong kapatid sa tatay nyo."














"Tsaka isa pa, tatay nyo naman ang dapat na umaako ng responsibilidad na palakihin kayo." Dagdag pa ng kanilang tita.











"Pero po, tita, bakit hindi nalang ako? Alam ko pong hindi maganda kalalagyan ni Rel doon. Please, ako na lang po tita" Pagmamakaawa ng 19 taong gulang na si Yvan.











"Hindi pwede! Dito ka sa amin at tutulong kumita man lang pambawi sa mga nagastos nyo sa amin! Dahil una sa lahat, umaasa na lang kayo samin para maka kain at para may matulugan! Dapat lang na ibalik nyo kung ano nakuha nyo samin ano!" Pataray na pagbabato ng masasakit na salita ng kanilang tita.











"Mawalang galang ho, nakakalimutan nyo po ata na nandito po kayo sa bubong na naipundar ng magulang namin? Nakakalimutan nyo po ata na hindi rin naman po kayo dapat na nandito." Dahil turo nga ng kanilang ina, na hindi dapat nagpapatalo lalo't kung nasa tama.













*SLAAAAP!*










"Kuya!!!" Sigaw ng batang si Dominic sa pagkabigla dahil sa pagkakasampal ng kanilang tita sa kanyang kuya.










Agad naman itong lumapit at yumakap sa kanyang kuya habang ngayo'y humahagulgol na sa takot.













"SA AYAW AT SA GUSTO NINYONG DALAWA, DITO KA LANG SA PAMAMAHAY NA TO, AT YANG KAPATID MO AY NASA TATAY NYO! SUSUNDIN MO LAHAT NG IPAGAGAWA KO SAYO! MALIWANAG BA?" Umiigting ang galit sa kanilang tita.












Lit The Fuse! : On Your EmbraceWhere stories live. Discover now