Chapter 5 | How it Sparked

18 4 40
                                    

TW: words such as profanity may not be censored

Grammatical errors ahead!









-----

Arlo's POV

*2 messages received*









"Isang subject lang kayo ngayon diba? Sabi mo?"










"Bakit ang tagal mo umuwi? Dalian mo dito."









Shit. Si Mama na naman. Ka-badtrip talaga. Ano na naman kaya ipagagawa nun?









Sa pagkakainis, napahimas na lang ako sa buhok ko't napahilamos na lang ako sa mukha ko.









Almusal, tanghalian, hapunan, bunganga nyang walang preno ang nakahain.









Ayoko pa umuwi. Nakakabadtrip lang.









Maka alis na nga. Di na lang din ako magsasalita. As if papakinggan pa ako nun? Buhay.









Kaya sinimulan ko na tumayo sa pagkakaupo dito sa bench na may kasamang pag singhal.









"Sir, baka po sa inyo to? Naiwan nyo po kasi sa bench eh." Medyo nagulat ako kasi may kumalabit kasi sakin so tinanggal ko muna yung isang earphone ko.









Pagka harap ko, isang lalaking abot dibdib ko ang height na hawak hawak yung sketchbook ko.









"Tsk! Tsk! Nako salamat po!" Nasabi ko sa sobrang katangahan. Muntik ko pa maiwan tong mga sketches ko kaya tinanggap ko agad. Buti na lang talaga.









I felt bad din dahil nakalayo na ako at baka naka ilang tawag pa sya sakin. Tumutulo na kasi yung pawis sa mukha nya hanggang leeg tsaka hingal na hingal.









Kailangan ko din siguraduhin na hindi nadumihan yung mga gawa ko mahirap na. Anghirap pa naman mag restore ng drawings.









"You look familiar. I think classmate kita? Section 1-B?" Napalingon naman ako sa kanya. Hindi rin kasi ako masyadong naglilibot ng mata sa paligid ko kaya di ko pa kilala kahit sa mukha mga classmates ko.









"Yep! from 1-B!" Nginitian ko na lang sya ng kaunti dahil di ko na alam ano sasabihin ko. Ang awkward. I know he wants to see my drawings.
















"Just call me Arlo. Thanks sa pag balik sakin netong sketchbook!" Wala na akong masyadong oras at di ko na rin alam anong sasabihin talaga kaya umalis na ako.










Sorry talaga.










(Upon going home)









"Mabuti naman at naka uwi ka na. Mag palit ka na ng damit at nang matulungan mo ako dito. Kanina pa ako kunsumido sa kalat ng kapatid mo eh. Mamaya ka na magkulong sa kwarto mo ha? At kakailanganin pa kita."









"Opo." Straight to the point na sagot ko dahil ayoko naman na mabulyawan ng nanay ko. Kapag ganto itsura nya, alam ko na agad eh. Isang pitik na lang, magkakagulo na naman.









Lit The Fuse! : On Your EmbraceWhere stories live. Discover now