Prologue
There was a time when love was simple akala niya ganun lang kadali. Bago pa dumating ang mga hindi nasasagot na tawag, mga mensaheng iniwan sa seen, bago pa siya masanay sa malamig na mga salita at pangakong di natutupad, naniniwala siya if he wanted to, he would. Kumapit siya sa paniniwalang iyon, convinced na yung distansya niya, wala lang. Na yung pananahimik niya, pansamantala lang, at balang araw, makikita rin siya nito, truly.
Pero habang lumilipas ang mga araw, naging linggo, at yung linggo naging buwan, unti-unti nang pumasok ang katotohanan. Naghihintay siya, umaasang baka sakaling may mga signs na mahalaga siya. Na baka, sakali, sapat siya. Pero sa kaibuturan ng puso niya, alam na niya. Hindi naman siya naghihintay para magbago siya. Naghihintay siya na makilala na sana matagal nang nandoon ang sagot, tago sa pagitan ng kanyang mga salita at kilos.
Kasi kung talagang gusto niya, ginawa na niya.
At kung mahal niya talaga ang sarili niya, noon pa lang, lumayo na sana siya.
Pero ngayon, nandito siya, nakatayo sa dulo ng lahat ng bagay na akala niyang alam niya, handa nang piliin ang sarili niya.
Authors note : Hi, its me pekachoo! Paala-ala lang po, hindi po ako kasing gaelng ni miss iknsteady or any others writer kaya san po hindi kayo mag expect na maganda ito hehe.
![](https://img.wattpad.com/cover/377339782-288-k66771.jpg)
YOU ARE READING
The Pages of Me
Short StoryShe is Mayaiah Vesperine Celestia, nahuhulog sa isang toxic na relasyon, palaging naghihintay na magbago siya. Pero habang lumilipas ang mga araw na walang balita mula sa kanya, napagtanto ni Maya na karapat-dapat siya sa higit pa. With the support...