(Chapter 33)

2 0 0
                                    

Katelyn pov

Nandito na kami sa First floor at hanggang ngayon ay hindi parin namin nakikita ang pinsan at kaibigan ko

"Sa ikatlong palapag nalang ang Hindi pa natin napupuntahan at alam kung nandun sila ngayon,pero nagtataka ako kung bakit sila bumalik ulit sa taas gayong wala naman tayo dun?".nagtatakang sabi ni Kath.i agree with him

"You're right bal pero what if kaya sila bumalik ay dahil hinabol sila ng mga kalaban and beside malapit sila sa hagdan kaya wala silang choice kundi ang bumalik sa taas".sabi ko naman.pero paano kung nandito pala si Tita Selena at nahuli na naman sila?lagot baka nga

"Magtago tayo may paparating".kaagad naman kaming tumakbo sa isang silid na nakabukas at sinara ko ito dahil ako ang huling pumasok.binuksan ko ng kunti ang pinto para makita ko kung sino-sino sila

"Wait kilala ko ang kasama nilang lalaki ah,sya yung humabol satin kanina ng paakyat tayo".bulong ko sa kanila

"Are you sure?".tumango lang ako sa tanong ni Keven

"Yes I'm 100% sure Keven,mukhang sinabi na nya sa iba na papunta tayo sa taas kaya siguro bumalik sya kasama ang iba dahil aabangan nila tayo para patayin".sabi ko ulit

"Kung ganun may possibility na nahuli nga nila ang mga kaibigan mo bal and maybe nandun si tita Selena sa taas".

"Tama ka bal pero paano naman tayo makakalabas dito kung andyan parin silang lima?".tanong ko sa kanila

"Ako na ang bahala sa kanila at kayo na ang bahala sa taas".tumaas naman ang isa kung kilay sa sinabi ni Jason

"What the..are you serious Jason?!alam mo namang delikado yang iniisip mo,are you out of your mind".inis na sabi ko sa kanya.napabuntong hininga nalang sya at hinawakan nya ang dalawa kung balikat

"Kate just trust me ok,kung walang gagalaw satin ngayon baka hindi na natin maabutan ang mga kaibigan natin ng buhay".lumungkot naman ang mukha ko dahil sa sinabi nya.bakit kailangan nya pang isakripisyo ang buhay nya para lang makapunta kami sa taas kung pwede namang sabay kami at gagawa ulit kami ng Plano ng magkasama at hindi nagkakahiwalay

"Pero Jason pwede namang sabay tayong pumunta sa taas ah,tiyaka magplano ulit tayo kung paano pumunta doon sa taas ng hindi nagkakahiwalay".nag-aalalang sabi ko sa kanya

"Well then what's your plan?".seryusong tanong nito sakin.nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago tumingin sa mga kasamahan namin

"Keven gusto kung humingi ng pabor sayo".

"Ano yun Kate?".

"Please dalhin mo sina mommy,mama and Kath sa baba kung saan ligtas sila,ayaw kung madamay sila dahil hindi ko kakayanin kaya please Keven dalhin mo sila sa labas at mag-iingat kayo".

"What no bal sasamahan ka namin at magkakasama din tayong lalabas dito".umiling lang ako sa sinabi ni Kath

"Kath please I'll promise na makakalabas kami dito ng buhay".

"Per-".pinutol ko ang sasabihin nya at nagsalita

"Please Kath sundin mo'ko ngayon just please kahit ngayon lang".niyakap nya naman ako ng mahigpit at nagsalita

"Basta ipangako mo na buhay ka kapag lumabas ka at hindi malamig na bangkay!kapag talaga namatay ka sasakalin kita at magtatampo ako sayo".natawa naman ako sa sinabi nya.akalain nyo patay kana nga tapos sasakalin kapa haha baliw talaga itong kambal ko

"Grabi ka naman bal,patay na nga ako tapos sasakalin mo pa ako haha kawawa naman ako nun".hinampas nya naman ng mahina ang balikat ko at tumawa ng mahina

SINO ANG PIPILIIN KO MAHAL KO O MAHAL AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon