(Chapter 24)

2 0 0
                                    

Amanda pov

"Tita alis na po kami".ngumiti lang ako kay Jason at niyakap ko sya ganon din ang ginawa ko kay Keven

"Tita sila lang".napailing naman ako sa sinabi ni Dave,niyakap ko rin sya at si Tristan

"Bumalik kayo rito ah kapag wala kayong pasok,ipagluluto ko kayo ng maraming pagkain".kuminang naman ang mata ng dalawa,napatawa nalang kami sa kanila

"Basta talaga pagkain kayo ang nagunguna sa katakawan".natawa naman kami sa sinabi ni Pearl

"Pake mo ba,masarap kaya magluto si Tita".

"Oo nga,may plano nga kaming magpaampon kay tita eh haha".

"Kapal ng pagmumukha nyong dalawa,kasing kapal ng semento".

"Tita oh nang-aaway si Pearl".napailing nalang ako sa kalukuhan nila

"Tama na nga yan para kayong mga bata eh".sita sa kanila ni Susan

"Sege na samahan na namin kayo ni Kate sa labas".tumango lang sila sa sinabi ko at nag-umpisang maglakad

'pagkarating namin sa Gate nagpaalam na sila samin tiyaka sila pumasok sa Van,pinagmasdan ko lang sila habang papalayo samin hanggang sa Hindi na namin sila natanaw pa

"Mom tara na po sa loob".ngumiti lang ako kay Kate at sabay na kaming naglakad pabalik sa loob

"Sweetie is it okay with you na magkahiwalay kayo ng mama Carren mo?".tumingin sya sakin tiyaka tumango

"Yes po mom,bibisitahin ko naman po sya kapag walang pasok".ngumiti lang ako sa kanya

'hindi kasi pumayag si Carren na dito nalang tumira,sabi nya kasi ayaw nyang iwan ang bahay nya at okay lang naman sa kanya na nandito si Kate,sinabi ko nalang sa kanya na bibisitahin nalang namin sya ni Kate para hindi naman unfair sa kanya alam ko namang may karapatan din sya dahil sya ang nag-alaga at nagpa-aral sa anak ko,kaya dapat hindi ko ipagkait sa kanya si Kate

"Mom are you okay?malalim yata ang iniisip mo?".napatingin naman ako kay Kate,hindi ko namamalayang nasa loob na pala kami ng mansyon

"Yea I'm okay sweetie".nakangiti kung sabi sa kanya

"Are you hungry?ipagluluto kita kung gusto mo". mabilis naman syang umiling sakin

"No need na mom gusto ko lang po na kumain tayo sa labas".ngumiti naman ako sa kanya at ginulo ang buhok nya,napabusangot naman sya kaya natawa ako

"Sure sweetie,nagbihis kana sa room mo".tumango sya at tumakbo paitaas

"Careful sweetie".lumingon sya sakin at malapad na ngumiti

"Hehe sorry po mommy".napailing nalang ako,sumunod narin ako sa kanya at nakita ko pa syang tumatalon-talon habang naglalakad

'pagkarating ko sa kwarto ko nagbihis na ako at nag-ayos,naglagay lang ako ng lite make-up at red lipstick,pagkatapos ay bumaba na ako nakita ko sya na nakatayo malapit sa may pintuan habang malawak na nakangiti sakin,naka suot sya ng pink dress at pinarisan nya ng red sandal habang nakalugay naman ang buhok nya at may maliit na ribbon sa magkabilang gilid ng buhok nya,sa kabilang braso nya nakasabit ang shoulder bag na kulay pink

"Mommy okay na po ba ito?".tumango lang ako sa kanya at ngumiti

"You're so pretty Sweetie".malawak naman syang ngumiti at kumapit sa braso ko

"Lets go".naglakad na kami palabas ng mansyon,pinakuha ko muna kay manong Lito ang Lamborghini ko,iyon nalang Ang dadalhin ko ngayon dahil hindi ko pa ito nagagamit

'binigay na sakin ni Mang Lito ang susi at tinanggap ko naman ito

"Wow mommy ang ganda".manghang sabi ni Kate

SINO ANG PIPILIIN KO MAHAL KO O MAHAL AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon